Kristine's POV
Uwahh! Kami ang nanalo sa BOTB! XD Nuxx! It calls for a parteh! Jowk, pauwi na ako ngayon, naglalakad. -.- Ang ewan nga e, kasi dala ko yung e-guitar ni Dada. -.-
"Ikaw ba si Kristine Bulan?!" Tanong nung isang lalaki sakin na parang mamatay tao!!
"H-hindi po ako yun! A-ako po si K-kristie! Tama! Opo! Ako nga po si Kristie!" Sabi ko pero bigla niya na lang akong binuhat at sinakay sa isang van! KIDNAPPER! Wala po kaming pang ransom!!
"Wah! Tulong! Kidnapper! MAMA! DADA!" Hiyaw ko pero sinimuraan sko nung bumuhat sakin... nanlalabo na ang mga paningin ko.
"Good Job, ngayon dalin mo na siya sa-" *Black Out*
Johann's POV
Haay. Kapagod! Pero at least masaya na ang Pare ko, kaso kailangan pa niyang ligawan si Shen. Hahaha!
Bago ako matulog e naglinis muna ako ng katawan, toothbrush. Haay! Presko! Makatulog na nga!
*KRING KRING*
F*ck! Matutulog na ako! Sino ba namang matinong tao ang tatawag ng ganitong oras?! Pagod ako!!
Kristine calling...
"Hello Tin? Bakit?" Sabi ko pero walang sumasagot sa kabilang linya. Aish...
"Kristine?" Sabi ko muli pero wala padin sumasagot at biglang namatay. Ish... Makatulog na nga ulit.
*KRING KRING*
ANAK NG ASDFGHJKL! Ano bang pangtitrip to?!
Shen calling...
"Hel-" Hindi pa ako tapos e bigla na siyang sumabat.
"Hey, kasabay mo bang umuwi si Tin? Wala pa daw kasi sa bahay nila e." Ha? Ang alam ko e magkasabay sila.
"Hindi, diba kayo ang magkasabay?" Sabi ko.
"Ha? Sabi ko sayo na lang sumabay kasi pupunta pa ako ng mall." Anak na QWERTYUIOP!
"Hano?! Ibig sabihin mag isang umuwi yon! Tumawag siya sakin pero, hindi naman siya sumasagot." Sabi ko, tapos natahimik si Shen.
"Patay tayo niyan, tawagan mo nga." Sabi niya sabay baba ng linya, tinawagan ko kaagad si Tin.
"Sheet." Bulalas ko. Hindi ako makakatulog nito!
after a few minutes...
*Kristine calling...
"Hey! Kristine! Ayos ka lang ba?! May nangyari ba sayo?! Nakauwi ka na ba?" Sunod na sunod kong tanong pero walang sumasagot sa kabilang linya, parang kanina lang.
"Ahm... Kristine?" Ulit ko, may narinig akong bumuntong hininga sa kabilang linya.
"Johann, kahit anong mangyari, tandaan mo, mahal... na mahal... na mahal... kita." *end call* Ano bang nangyayari kay Kristine?!
Kinabukasan...
"Johann, pwede ka bang makausap?" Tanong sakin ni Tin, ang weird ng mga kinikilos niya ngayon.
"Oo naman Wifey." Sabi ko. Umalis na siya at sinundan ko siya. Nakarating kami sa soccer field ng school, umupo siya, kaya umupo din ako. Tinitigan niya ako.
"Kristine, baka matunaw ako." Biro ko pero, hindi siya natawa. Ano bang nangyayari?!
"Johann, please. *Buntong Hininga hereXD* Johann, lagi mong tatandaan na ikaw lang ang pinakaminamahal ko. Hinding hindi na yun mababago. Ikaw lang ang nasa puso ko." Sabi niya na umiiyak. A-ano bang nangyayari?! Asar naman e! Pinunasan ko yung luha niya.
"Oo naman. Lagi mong tatandaan, ikaw ang pinakamahal ko." Sabi ko at lalo pa siyang napaiyak. Tumayo siya, pero ako nanatiling nakaupo, parang napako ako sa posisyon kong ito.
"J-johann. Alam ko maiintindihan mo din ako, pero hindi yung ngayon... tapusin na natin to Johann." Sabi niya sakin. Sheet.
"K-kristine?" Tanong ko sa kanya, naluluha na ako! Asar naman e!
"J-johann. Mahal na mahal kita." Sabi niya at iniwan niya ako dun. Mag-isa. Umiiyak. Para akong winasak, sinasaksak ang puso ko ng sandamakmak ng kutsilyo, nanginginig ang mga laman ko. Eto ba yung sinasabi nilang masakit? Sheet! Sobrang sakit pala.
Kung sana nag-explain muna siya diba? Kaso hindi eh! Asar naman e. Tumayo ako, gusto ko siyang habulin. Gustong gusto, pero parang nauna ang galit sa puso ko na nagsasabing tama na, sasaktan ka lang ulit niya.
Bumalik na lang ako ng classroom. Wala akong kinausap, dumukdok lang ako, kahit tinatawag na ako nila Stav, hindi ko pa rin sila pinansin dahil sheet! Nasasaktan nga ako!
"MR. JOHANN RIN! ANONG KARAPATAN MONG MATULOG SA KLASE KO??? TAYO!" Tumayo ako, pero paksheet! Nahihilo ako!
Shen's POV
ANAK KA NG ASDFGHJKL! BUMAGSAK SI JOHANN!
"Johann! Kristine! Nasan ba si Tin?! Stav! Tulungan mo nga ako dito!" Sabi ko, inakbay niya si Johann papuntang clinic.
"Ma'am! Masama pakiramdam niya sinigawan niyo pa." Sabi ko na lang sabay talikod sa kanya at inalalayan ko si Stav at Johann.
"Nasaan ba si Kristine?" Tanong ko.
"Alam ko magkasama sila kanina e, pagbalik ni Johann nagkaganyan na." Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa? Eh kahapon naman sobrang saya nila!
Kristine's POV
"S-sorry Johann. P-pero kailangan kong gawin to. Mahal na mahal kita." Bulong ko sa sarili ko, nakita ko lahat, nawalan siya ng malay at sobrang sakit nun. Sobrang sakit na kailangan kong layuan ang taong mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko.
Sobrang hirap, pero kailangan. Kailangan kasi, mahal kita. Mahal kita, kasi ikaw si Johann. Ang nagpabago sa takbo ng buhay ko! Pero sheet! Kailangan kong kayanin na layuan ka. Maiintindihan mo din ang lahat, balang araw Johann.
Stav's POV
Nakananang tokwa naman oh! Hindi parin nagigisig si Johann! Isa pa tong si Kristine! Missing In Action!
"Bumalik na kayo ng klase niyo, ako ng bahala sa kaniya." Sabi ni Nurse pero umiling lang kami.
"Kamusta na ba yang mokong na yan? Buhay pa ba?" Tanong ko. Sorry na, ganun lang talaga ako.
"Oo, okay naman siya. Gutom lang siguro." Aish! Gutom lang naman pala e! Ang dami kong snickers dito sa bag!
"Nasaan ba kasi si Kristine?" Tanong ni Shen na naiirita. Inangat ko lang ang balikat ko.
Maya maya pa, naggising na si Johann. Diretso bangon at labas ng Clinic! Aba! Hangin lang ba kami dito?!
"Johann!" Hiyaw ni Shen pero hindi siya pinansin nito. Asaness ka naman Shen! Yung huling bese kong nakita si Johann na ganito e nung nakipagbreak sa kanya yung childhood sweetheart niya. Hindi kaya... break na sila ni Kristine?!
"NASAAN SI KRISTINE?! BWISIT YUNG BABAENG YUN HA! MAKIKIPAGBREAK KAY JOHANN?! Nasaan yan! Baka mapatay ko yang bestfriend mo Shen!"
Shen's PoV
Break?! Seryoso?! Kung ano ano nang nangyayari dito sa mag on na to! Sarap sipain!
"Huwag naman." Sabi ko, nagring ang cellphone ko. Si Kristine tumatawag.
"Hoy Babae! Nasaan ka!" Sabi ko, nakita ko si Stav na nagaapoy sa sobrang inis kaya inagaw niya sakin yung cellphone ko.
"Sige!" Sabi ni Stav, sabay baba ng cellphone ko.
"Puntahan natin siya sa soccer field, may sasabihin daw siyang importante." Sabi ni Stav sakin kaya nagpunta na kami doon kahit may klase pa kami.
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
A/N: Uwahh! Masakit sa heart! TT^TT Vomments po! Arigatou~!
BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...