Palapit ng palapit ng palapit.......RINGG!!! ShenShen ano ba! Natutulog pa ako eh. Kristine! Oh!? Uy okay ka na ba? May lagnat ka daw kahapon kaya hindi ka nakapasok ng school, papasok ka na ba ngayon? Hindi ko alam eh, pero parang hindi parin, may lagnat parin daw ako sabi ni Mama. Ah ganun ba? Cge ah, pagaling ka, sasabihin ko na lang kala ma'am na may sakit ka ah. Hindi wag na, papasok na lang ako. ANO!? Okay ka lang ba Kristine!? Baka lalo ka pang lagnatin nyan eh! Okay, pero pipilitin kong pumasok.
Kailangan kong pumasok, pag di pa ako pumasok ngayon eh magtu-two days na akong absent! Ah, magbibihis nako! 6:00 AM pa lang naman eh! Hindi pa ako malelate neto. *After magbihis* Mama! Mama! Aalis na po ako! Ha ano!? May sakit ka ah!? Saan ka pupunta!? Ma sa school po. Ah wag ka ng pumasok! Di pa kaya ng katawan mo! Ma kaya ko na po! Babay! I love you! Buti na lang nasa banyo si Mama. Kung wala un sa banyo, malamang hindi ako nakapasok.
*Pagdating Sa Classroom*
Oh? Bakit walang tao dito? May ano? Ay oo nga pala, late nako at first period namin ngayon, PE nga pala namin ngayon. Kristine!? Anong ginagawa mo dito? Sabi ni Liza na parang nag-aalala. Ah, bakit? Bawal ba akong pumunta sa school ko? Hindi naman, pero sabi ni Shen sakin na may sakit ka daw, bakit ka pa pumasok? Baka kung ano pa mangyare sayo ih. Sabi ni Mae. Oh teka? Bakit nandito kayong dalawa? Bakit wala kayo sa quadrangle? Diba PE natin ngayon? Sabi ko na nakakunot ung kilay. Sus. Hindi ba kami pwedeng kumuha ni Mae ng tubig? Nakakapagod kaya ung PE natin ngayon! Sabing pasigaw ni Liza. Kailangan sumisigaw? Sabi ni Mae na tumatawa. Oh tara na ! Baba na tayo! Sabi ko dun sa dalawa.
Pagdating namin sa quadrangle, lahat sila nakaupo at nagku-curl ups! Mas kilala sa tawag na "sit-ups". Hey neke. -__- Kayanin ko kayang mag curl-ups kahit may sakit ako? Kristine? Kristine ikaw nga! Diba sabi ko naman sayo na wag ka ng pumasok? Kahit kailan talaga ang kulit mo eh no! Sabi ni Shen. Oo nga, tama si Shen, dapat nasa bahay ka lang at nagpapahinga. Sino un? Sabi ko kay Shen, tumalikod ka kaya sabi ni Shen. Shemay, SI JOHANN!
Ah, di ko naman kailangan un eh! Hihihi xD Okay lang ako Johann, wag ka na mag-alala. Sabi kong ganun. Sus, di ako nag-aalala, baka madapa ka nanaman tapos masalo nanaman kita tapos magagalit ka nanaman at bigla kang sasabog sa galit! Sabi ganun ni Johann with matching music. Ah ganun ba? Okay. Ede tapos ang usapan. sabi ko with matching *smirk*.
Oh saan ka pupunta? Samahan na kita, baka matumba ka walang sumalo sayo. Pwede ba tayong maging friends? Sabi ni Johann with matching killer smile. xD Oh sure! No problem, friends lang pala eh! Geh, nice idea Johann! Sabi ko, with matching evil laugh. xD
ShenShen! Oh bakit Kristine? Masakit ulo ko. Samahan mo ako sa clinic, please. *puppy eyes* Sabi ko nama kase sayo Kristine wag ka ng pumasok eh! Yan! Kung nasa bahay ka ngayon malamang tulog ka lang at hndi sumasakit yang ulo mo! Uy tara na! Ano ba, sobrang sakit na ng ulo ko. Baka himatayin nako dito, tara na bilis! OMG, hilong hilo nako Shen.
*Clinic*
Oh buti naman gising na ang prinsesa, sabi ni Shen. Anong prinsesa? Okay ka lang ba Shen? Oo naman! Kinilig lag ako sa scene kanina! Huh? Anong scene naman un?
*flashback*
OMG, hilong hilo na ako Shen...... BOOGSH. Kistine! Woi gumising ka! *Binuhat Ka ni Johann Kristine* Shen tara na, dalin na nating sa clinic si Kristine.
*End of Flashback*
WATDA!? Oh kalma Kristine! Sabi ni Nurse na mataas daw ang lagnat mo kaya kailangan mo munang mangpahinga, pinapunta na din daw dito si Tita para sunduin ka okay? Sa susunod na magkakasakit ka wag ka munang pumasok ah, baka kiligin nanaman ako neto ih! Ayiee!! <3 Lumubay ka nga Shen! Oh-kayy, balik na kong room Kristine! Paggaling ka wah! Hintayin mo na lang dyan sa clinic si tita! Papunta na daw siya, Babay!
*Pagdating ni Shen sa Classroom*
Shen! Kamusta na si Kristine? Okay na ba sya? Sabi ni Liza. Ahm... medyo okay na si Kristine pero mataas parin daw ung lagnat nya sabi ni Nurse. Ah ganun ba? Pero teka, alam na ba nya na.... SHHH!!! Wag kang maingay sabi ni Shen kay Liza. Oo alam na ni Kristine! Muntikan nga ulet himatayin si Kristine sa gulat ih! Kaya wag na nating pag usapan un ah! Kundi baka kung ano magawa satin ni Tin! Sabi nga nila na Masama magalit ang mga Mababait! Kaya Change topic na tayo.
Hay nako Kristine, ang daming nangyari ngayong araw na to no? Wag mo na ulit gagawin ung ginawa mo kanina ah! Sabi ni Mama na mukang nag-aalala. Ma, sorry ah. Tigas kase nang ulo ko! Parang bato! Hahahaha . sabi ko naman kay mama na kahit masama ang pakiramdam ay pinilit tumawa.
[A/N: Hello! Tapos na ang 2nd Chapter! Hihihi xD thank you sa pagbabasa! :) Sana nagustuhan nyo to. XD hehehe Please vote and comment na lang! :) Thank you!]

BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...