Kristine's POV
Pagkauwing pagkauwi namin ni Mama, binaba ko ung sling bag na dala ko. Kumakaway sakin yung bracelet na binigay nung matanda. Yung parang nagpapakuha yung bracelet! Aish. Kinuha ko naman. Tinitigan ko lang. Ang ganda kase eh! Parang totoong silver, tapos may mga palawit na heart at cross. Makintab, parang nakakaakit! Aish! Kanina pa ako akit na akit! Leshe.
"Hoy Kristine, baka matunaw yan! Matulog ka na, at gabi na." Sambit ni Mama, si Mama talaga panira ng moment! Ninanamnam ko pang titigan ung bracelet e!
"Opo, Mama!" Sagot ko naman. Kahit hindi pa ako inaantok e tumungo na ako sa sa kwarto ko, para bang hinihila ako ng TV na buksan to! Ano ba yang mga iniisip ko! Hindi humihinga ang mga gamit! Hahaha.
Kahit na medyo tinatamad na akong tumayo sa kama e binuksan ko to, jusko. Halos mabingi ako sa sobrang lakas! Eh hindi ko naman nilalakasan ng ganong kalakas yon e! Sira na ata e! Habang hinihinaan ko lalong lumalakas! Shit! No choice, di gumagana ang switch. Binunot ko na lang ung socket. Nakakairita ung lakas ng TV! Haaish! Teka? Di ko pa napapakialaman ung phone ko.
Kinuha ko sa bag ko ung phone ko, binulanta naman ako ng cellphone ko ng mahiwagang password! Shems. Sa tueing tinatype ko ung pangalan ni Johann don e kinikilig ako. Shit! 27 missed calls?! 52 unread messages?! And take note! Kay Johann lahat galing! Iisa lang naman ang laman ng message! Waf. Waf. Waf. HAYAN! 52 messages na ganyan! Aish. Shit di ko nareplyan! Pano naman kase naka-silent ung phone ko at nasa sling bag ko yon! Rereplyan ko na sana, kaso biglang nagring yung cellphone ko. Si Johann ung tumatawag.
"Hello?"
"Waf! Ano! Namiss kita!"
"Na-miss din kita."
"Ayos ka lang ba? Parang pagod ka ah Waf? Pwede ka ba bukas?"
"Oo naman Haf, bakit mo naman natanong?"
"Ah! Good! Sunduin sana kita buka-- Ate Kristine! Si Drelle to!" Drelle? Kapatid ni Johann!
"Hi!"
"Hoy Drelle! Amina ung phone ko!" Dinig ko na sigaw ni Johann, pinipigilan ko namang matawa e. Hahahaha
"Hahaha, ang kulit nyo!" Sabi ko. Tapos parang umangal si Drelle kase naagaw na ni Johann yung phone niya. Hahahaha Siguro naka pout siya ngayon. Teka? Gabi na ah? Bakit gising pa ang batang ito?
"Ah Tin! Sige good night na! I love you! See you bukas! Sunduin kita ah!"
"Sige lang! Good night din, dreams of us! I love you too!"
Beep. Beep. Beep.
Hindi ko alam kung paano nagkagusto sakin si Johann, ang gulo nga e. Ang alam ko kase dati e wala siyang gusto sakin at si Stav ang meron. Tsk! Buti na lang at hindi nangyare yon! Kase Mahal na ni Shen si Stav. At kung magkagusto man sakin si Stav. Lagot na.
Kahit ilang biling na ang gawin ko, di padin ako makatulog! Naeexcite lang siguro ako. Nagiisip kung saan ako pwedeng dalin ng lalaking yon. Hay nako.
"Kristine, bakit di ka padin tulog? Iniisp mo nanaman ba yang bracelet na bigay nung matanda? Nag iilusyon ka nanaman ba na nageexist ang fairytales?" Hay nako Mama.
"Alam mo kase anak..." Tumabi siya sa sakin, sa kama ko. "Dapat hindi ka naniniwala sa mga ganyan! Kase lahat ng fairytales ay -and they lived happily ever after- at kung maniniwala ka sa ganoong idea, baka masaktan ka lang kase anak, hindi nag eexist sa totoong buhay ang malapantasyang storya. Kaya nga tale e diba?" Hay nako. Heto nanaman kami sa reality vs. fantasy.
"Wala naman po sigurong masama kung maniniwala ka sa ganoong idea, basta alam mo kung ano Ng pagkakaiba ng reality sa fantasy. Am I right Mama?" Sagot ko kay Mama, magdedebate nanaman kami nito. Hahaha
"Ang sakin lang naman anak e yung ayaw kong nakikitang masaktan ang nagkakakaisa isa kong anak, at yang si Johann, mukha naman siyang mabait, pero anak sinasabi ko sayo. Sa oras na saktan ka ng lalaking yan, ipapaambush ko yan!" Medyo natawa ako dun! Hahaha
"Grabe naman Ma! Ambush agad? Hahaha, hindi niya gagawin yon Ma. Tsaka Mahal ako non! Bleh!" Dinilaan ko si Mama, nagcrossed arms naman siya at tumawa.
"Sige anak, ayaw kong maging kontrabida sa lovelife nyo!" Hahaha.
"Hahaha, sige mama! Good night!" Sabi ko sabay bigay ng matamis na ngiti.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng gising at tulog, yung parang nafifeel ko anytime lalabas na ang OBE ko xD ano to astral projection? Hahaha Biglang nangring ang cp ko.
Johann: Hello? Gising ka pa ba?
Anong naisipan neto? Akala ko matutulog na kaya ganon na lang kung makagood night at I love you.
Ako: Muntik na, muntik na akong mag astral project kung di mo ako tinext.
Hahaha, Pero minsan naiisip ko kung magastral project kaya talaga ako? Hahaha. Weird ng kinikilos ko. Ayan na, nagreply na. Bilis naman.
Johann: Ah ganun ba? Hahaha! So ako pala talaga ang savior mo!
Shit. Kahit boyfriend ko na to e baka mahambalos ko.
Ako: Ha-Ha-Ha! Nakakatawa. Btw, san ba tayo pupunta ukaz? Aish! Good night na nga! Matulog ka na Haf, matutulog na ako!
Hahaha, ang kyot nya siguro kapag nabasa nya to kase sure ako na magpa-pout siya. Hahaha
Johann: San tayo pupunta? Sa simbahan! Tara pakasal na tayo! De joke lang, pupunta tayo sa puso mo! Hahaha, bwisit na bwisit ka na siguro saken. Hahaha. I love you Waf. Sweet dreams, take care, dreams of us. I Love You. Always remember that. at lagi ko di namang ipapaalala sayo. Good night! :)
Blush.
Tokwa! Anak ng tinapang di malaman kung ano! Kinikilig ba ako? Aish. Tama na nga! Tulog na![A/N: WAH! Chapter 25 done! Hope you enjoy! ;) Vote! Share and comment!]

BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...