Chapter 27: OPERATION: TSSNMGATNMSNS

63 11 5
                                    

Kristine's POV

Bago ko pa man marinig ang letseng paliwanag ng tatlong nasa harap ko, umalis na ako. Lechugas sila, magsama sama sila! Lechekels lang talaga. Tatawagan ko nga muna si Shen at Magpapasundo dito sa EK.

"Shen! Kailangan ko ng kausap." Sabi ko kay Shen, almost breaking my voice.

"Tin? Ano nangyari? Diba may date kayo ni Johann?" Huh? Pano naman niya nalaman?

"Huh? Pano mo nalaman? Tsaka hindi yon date, kasama namin si Drelle." Sabi ko. Gusto kong umiyak pero what? Wala e. Hindi ko sasayangin ang mga luha ko sa taong hindi naman iiyak para sa akin.

"Ah. Nasaan ka ba? Parang hindi mo sila kasama?" Ang lakas talaga ng pakiramdam nito!

"Eh, ikwekwento ko na lang sayo pagbalik ko diyan. Nandito kami sa Lagun-" Leche! Pinutol ang sasabihin ko!

"Ano?! Laguna?! ANO NAMANG GAGAWIN NIYO DIYAN HA KRISTINE ALEXA BULAN!" Lintek. Mababasag ang cellphone ko!

"Huwag ka nga sumigaw bes! Eto na nga pauwi na oh!! Diba? Diba? Heto na babalik na ako diyan!" Natahimik sa kabilang linya.

"Oy." Sabi ko.

"May kakaiba, bakit ka uuwi mag isa?" Tanong naman niya.

"Mamaya ko nga ipapaliwanag! Dapat nga magpapasundo ako sayo e! Sige sige! Babay na!" Then pinindot ko na ang end call button.

Pagka angat ko ng mukha ko, nakita ko si Drelle, at Johann. Pati yung bwisit na babaeng sulpot ng sulpot na nakakasira ng araw! Leche, bakit kayo nandito sa bus e may sasakyan namang dala si Johann!

"Hi Onee! Onii! Tabi na kayo ni Onee! Tatabihan ko na lang si Clarisse kahit labag sa loob ko." Wow Drelle. Wow lang. Wala talagang Ate manlang?

"Eh? Bakit kayo nandito e may sasakyan naman to?" Sabay turo kay Johann.

"Eh na-flat. Sumakay kasi si Clarisse kaya yon. *pufft*" Tumawa si Drelle. Lechugas Drelle, ikaw lang ang nageenjoy. Hindi mo ba alam ang word na LQ?

"OH! LALAKAD NA ANG BUS!" Pagkasabi non e naupo na si Johann sa tabi ko. Kahit gusto kong magalit ng magalit sa kanya, hindi kaya ng puso ko e!

"Tin, a-ano..." May gana pa siyang mautal?

"Ano?" Sabi ko.

"Ahm... sorry wah. Nasira tuloy yung date natin. Di ko naman kasi alam na magagalit ka e. Atsaka hoy Drelle! Sabihin mo na kasi yung totoo!" Totoo? Anong totoo?

"Ahm... Onee, huwag kang magagalit ha. Pero kasi, wah! Onii naman e!" Sabi ni Drelle. Naguguluhan na ako!

"Ako na lang ang magsasabi." How dare you?! SINO KA PARA MAGEXPLAIN?!

"Ahm... Kristine, ako si Clarisse. I'm Drelle and Johann's Cousin." Cousin? Leche? Ano to good time?

"Ah, ako lang naman kasi ang may gusto na i-joke ka para malaman ko kung gano ka magselos." Ha?! SELOS?! DAFUQ?!

"Planado lahat to. Pwera lang ang pagsama ni Drelle." GRABE!

"Ngayon alam ko na kung gano mo kamahal tong si little boy ko!" Ha-ha-ha. Anudaw?!

"Hoy! Ate Clarisse lumubay ka nga! Sorry Tin. Si Ate kasi e!" Tapos yon, tumulo ang mga peste kong luha.

"Oh! Ate! Sabi ko sayo papaiyakin mo lang si Tin e! Tin, huwag ka ng umiyak, sorry na." Niyakap ako ni Johann. Ang komportable.

"Leche kayo. Akala ko totoo! Ang galing nyong umakting! Napaniwala niyo ako!" Sabi ko ng tumatawa.

"Shhh... sorry na Waf." Sabi ni Johann.

"Apology accepted." Saad ko. Wah! Mama! Dada!

"Eh? Pano yung kotse mo?" Biglang tanong ko. Pano na? Ang mahal pa naman nun! Porsche yon!

"Don't worry, nasa boyfriend ko yung sasakyan niya kasi alam naming mangyayari to." Wah! Lagot kas sakin mamay Drelle at Johann!

"Ah." Yun na lang ang nasabi ko. Habang nakatingin ako sa salamin. May bumagsak sa balikat ko. Ulo pala ni Johann. Aba! May ganang matulog ang putik!

"Haf. Anuba. Ang bigat kaya ng ulo mo." Wichekels! Hindi ako pinansin!

"Wooy!" Inalog ko siya pero hindi padin kumikibo. Ish. Ang sakit panigurado ng balikat ko nito mamaya.

*kring* *kring*

Si Stav tumatawag? Bakit kaya?

"Hello Stav? Bakit?" Sabi ko.

"Kristine, tulungan mo naman ako kay Shen oh!" Ha? Ano bang nangyayari sa kanya. Yung boses niya e parang nakainom.

"Hoy! Umiinom ka ba ng alak ha Stav?"

"Tulungan mo ba ako o hahalikan kita sa Monday?"

"Sabi ko nga e, tutulungan nga kita. Di makapaghintay? Atat? atat?"

"Arigatou!" Binaba na niya ang phone niya.

OPERATION: TSSNMGATNMSNS

Turuan Si Stav Na Mag Gitara Ar Tulungan Na Maging Sila Ni Shen.

Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon