Johann's POV
WWAAHH!! Ngayon pa nawala!
"Drelle, may kukunin lang ako sa kwarto ko. Sumakay na kayo ng Onee mo." Tumango naman siya.
Kailangan kong makita yon! Kailangan!
Nandito lang yon e, dito ko lang nilagay sa kama yon e! Hindi yon pwedeng mawala! Nakakaasar naman e! Or what if?! THIS CAN'T BE!
Bumaba na ulit ako sa sasakyan.
"Drelle, pumasok ka ba sa kwarto ko? Or pumasok ba si Onee mo?" Tapos tinitigan ako ni Tin. That beautiful eyes!
"Ahm... To be honest, yes. Nandun kase si Cooper e. Pero don't worry Onii, wala kaming ginalaw sa kwarto mo kase magagalit ka." Buti naman at alam niya!
"Ah, Sige tara na." Lagi na lang walang kibo si Tin. Bakit kaya?
"Tin, ayos ka lang ba?" Tapos tingnan niya ako ng mga 3 secs bago tumango at ngumiti. Ang weird lang. Or hindi kaya may nakita siya sa kwarto ko na hindi kaaya aya sa paningin niya? Hindi naman siguro!
Habang si Drelle e natutulog, si Tin naman e nagsa-soundtrip gamit ang earphones, pero dinig ko din naman! Ang lakas!
"Malapit na tayo!" Napitlag si Drelle. "Ready ka na Drelle, punasan mo na tulo-laway mo. Hahahaha" Tapos tumawa din si Tin.
"Onee, si Onii o! Inaaway ako!" Aba nagsumbong!
"Aba Johann! Hahaha! Wag mong inaaway si Drelle! Lagot ka kay cooper sige! Hahaha." Sabi niya. A moment of silence. Ang tahimik. Nakakairita sa tenga. Tapos biglang kumanta si Tin.
"Cause all I know is we said, "Hello."
And your eyes look like coming home
All I know is a simple name
Everything has changed
All I know is you held the door
You'll be mine and I'll be yours
All I know since yesterday is everything has changed." Yung boses niya, parang na-retain sa utak ko. yung inaansorb pa. Hahaha."Okay, nandito na tayo!" Sabi ko. Tuwang tuwa naman si Drelle!
"Tara na Onii! Magbayad ka na ng ticket dali!" Sabi ni Drelle. Excited. Sobra.
Kristine's POV
In-expect ko namang dito kami pupunta sa EK. Hahaha. Kaya yon. Wala na akong reaction. Tapos biglang tumakbo si Drelle papunta sa entrance. Naiwan naman si Johann kaya kami na lang ang nagsabay.
"Oh pano ba yan, first date natin to. Kaso hindi official, kasama kase si Drelle e." Seryoso akong tumingin sa kanya. Tapos tunawa naman siya. Hinatak niya ko papuntang entrance! Kahingal.
"Oh anong sasakyan naten?" Tanong ni Johann kay Drelle.
"Jungle Log Jam Onni!" Aba putik! Hindi ba aware si Drelle na napaka-taas non? At isa pa may sakit sa puso tong si Johann!
"Oh ano? Game! Tar--" Di ko siya pinatapos sa pagsasalita. "Kaya mo ba?" Tanong ko.
"Para kang Nanay ko Tin! Napaka-worrywart niyo! Kaya ko syempre! Ano ba! Tara!" Ako kinakabahan dito e! Ang taas kaya non! Super!
"Talagang dito ka pa uupo sa harap Drelle? Walang safety belt yan! Hahawak ka lang sa gilid mo! Kumapit kang mabuti!" Sabi ko. "Ano ka ba Onee! Relax ka lang kase, magenjoy ka!" Sabi niya. Oo nga no? Pero parang maaga akong mamatay dito.
Habang papaakyat yung log, tinawag ko na ang lahat ng Santo! TAPOS NAKIKITA KO NA YUNG UNANG LEVEL! May mas intense pa dito! Napapikit na lang ako.
"WWWWAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!! MAMA!! DADA!!!" Sigaw ko. Tapos pagdilat ko. papunta na kaming next level! Mas mataas to!
"Relax lang Tin." Sabi ni Johann. Tumango lang naman ako.
"WWWWWWAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! LORD ILIGTAS NIYO PO AKO!!!" That time when your soul is in the law of inertia. XD Hahahaha! NAKASURVIVE AKO!
"Hahaha! Isa pa isa pa!" Aba putik! Hindi natinag tong si Drelle! Wala ba tong phobia?
"Next!" Sabi ni Johann, dito lang talaga ako mag-eenjoy sa isa-suggest ko.
"ANCHOR'S AWAY!" Nagkatinginan yung magkapatid. Hahaha! Yes! Rebellion!
"Ahm... pass ako." Sabi ni Drelle. Aba aba!
"No, hindi pwede! Ienjoy lang natin to!" Tapos hinatak ko sila papuntang pila! Ang haba! Pero manilis naman kase madaming seats.
"Next na tayo! YEHEY!" Bakas sa mukha nilang kinakabahan sila! Ano ba! Mas-safe kaya dito kesa sa Jungle Log Jam.
"Dun tayo sa dulong dulo!" Pagkatingin ko wala na sila, nakaupo na sila kaso sa gitna, ano natakot? Hahaha.
"Onee dito ka sa tabi ko!" Sabi ni Drelle, tapos hinatak ako ni Johann.
"No Drelle, She's all mine, dito ka Tin." Sabi ni Johann na parang takot na takot.
"Hu! Tatakot lang kayo e!" Sabi ko tapos nagsabay yung dalawa. "Hindi ah!"
"Okay, dito ko sa gitna niyo!" Tapos napalunok yung dalawa kase nagi-sway na! Hahahaha. Okay okay pa nung una kase kinaya pa nilang hindi sumigaw, pero nung mataas na...
"KUYA PAGBABA KO DITO SUSUNTUKIN KITA! IBABA MO AKO DITO!" Nadinig kong sabi nung nasa likod ko! Ung nasa harap ko naman nagse-selfie lang!
"KRISTINE! MAMATAY NAKO! IBABA MO AKO DITO, ONEE! AYOKO NA! DI KO NA KAYA! WWWWAAAAHHH!!!" Dinig kong sabi ni Johann at Drelle.
"Wala tayong magagawa, hahaha! I-ENJOY NA LANH NATIN TO!" Sabi ko, si Johann nakakapit na saken! Hahaha. Si Drelle naman nakadukdok.
Natapos ang ilang sway ay nakaligtas kami. Hahaha! Masaya!
"ISA PA ISA PA!" Sigaw ko tapos hinatak na nila ako papalayo dun sa ride nayon! Hahaha.
"Hinding hindi na ako sasakay don! Kaya pala ayaw tayong pasakayin don ni Mommy!" Sabi ni Drelle.
"Bakit first time nyo bang sumakay ng Angchor's away?" Tumango lang naman sila. HAHAHAHA.
"Tara na! EKstreme naman!" Sabi ni Johann. Shit. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako sasakay dito ever!
"Ayoko." Sabi ko. Tapos hinatak ako ni Drelle papunta don.
"Drelle, ayoko nga talaga. Pasakayin mo na ako sa lahat ng rides wag lang talaga diyan sa EKstreme." Sabi ko. Pero pilit padin ako hinila ni Drelle.
"Drelle, I swear, hindi ako nagloloko. Ikamamatay ko talaga yan." Tapos nakita ko si Johann na pinigilan si Drelle.
"Drelle, wag makulit." Sabi ni Johann tapos binitawan na niya ako.
"Tara ililibre na lang kita ng ice cream." Sabi ko. Tumango lang naman si Drelle at ngumiti.
Habang nasa ice cream station kami e nakaupo lang sa isang bench si Johann. Nakikita ko naman siya e.
Pero may biglang lumapit sa kanya na ikinagulat niya at ikinagulat ko dahil sa pagyakap niya at paghalik sa pisngi ni Johann. ABA! GUSTO BA NIYA NG GIYERA!
"JOHANN!" Tawag ko sa kanya at napatingin siya saken. Nilapitan ko sila.
"Sino tong babaeng to?!" Tanong nung flirt. Nakita kong papalapit na saamin si Drelle.
"Girlfriend ni Onii?! Bakit?! Who are you to ruin our special day? Ah, ikaw siguro si Clarrisse?" Ha? Ano? Ang OP!
"Ikaw yung nangiwan sa kuya ko diba?! How dare you!" Sabi ni Drelle.
"Hey, hindi kami nagbreak!" Anudaw?!?!? Shit.
BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...