Shen's POV
Alam ko na, alam ko na kung bakit. Kahit ako, gagawin ko yun. Naiintindihan ko na si Kristine. Ako lang ang kinausap niya, hindi kasama si Stav. Ayaw malaman kasi baka kung ano nanaman ang mangyari.
Sa ngayon, hindi muna papasok si Kristine. Kahit masakit, kailangan niya talagang gawin yun. Haay. Ang complicated ng love story nila!
"Shen!" Nadinig kong kumakatok ng aking Nanay sa kwarto ko.
"Bakit Ma?" Tanong ko sabay bukas ng pinto. Nakita ko sa likod niya si Stav. -.- Ampotek.
"Hello." Sabi ko, hinila ko na siya papasok ng kwarto, wala kaming gagawin kung yun ang iniisip niyo.
"Naasar talaga ako kay Tin! Aish!" Haay!
"Kung alam mo lang, o siya, kumain ka na ba?" Hinawakan niya yung braso ko.
"Anong kung alam ko lang? Sabihin mo na please, hindi ko ipagsasabi." Sabi ni Stav at nagpapi ays. -.-
"Okay, ganito kasi ang nangyari..."
flashback...
Papunta na ako ng soccer field, nakita ko na si Tin kaya tumakbo na ako palapit sa kanya.
"Tin! Ano bang nangyari?!" Tanong ko sa kanya, pero siya, umiiyak.
"Bakit ka ba naman kasi makikipagbreak kung iiyak ka! Haay! Niloko ka ba or what?" Tanong ko pero umiling lang siya.
"Shen, promise me. Let's keep this a secret." Sabi niya kaya tumango lang ako.
"Mahal na mahal ko si Johann, kaya nga ginawa ko ito e." Sabi niya sabay yakap sakin. Iyak siya ng iyak, nasasaktan siya. Sobrang nasasaktan siya.
"Guguluhin nila ang buhay ni Johann kapag hindi ako nakipagbreak sa kaniya, sabi pa ng Kuya niya... hindi daw niya kikilalaning kapatid si Johann kapag hindi ako nakipag break sa kanya at sisirain din ang buhay niya. Ayaw kong masira ang buhay niya ng dahil sakin, kaya ginagawa ko ito." Oo, naiintidihan ko na siya ngayon, wala talagang siyang choice kundi makipaghiwalay kahit na... sobrang sakit pa nito."
"Tama naman ang naging desisyon ko diba? Oo, pareho kaming nasasaktan, pero kailangan lang naman na yung tama ang gawin e, hindi ko nga alam kung ano ang tama! Sheet! Litong lito na ako Shen! Kill me now!" Sabi niya pa at lalong bumuhos ang luha niya.
"Mahirap ang sitwasyon mo, sobrang hirap. Ano nang gagawin mo ngayon? Bakit ayaw mong sabihin kay Johann ito?" Tanong ko pero umiling lang siya.
"Hindi niya pwedeng malaman, baka kung anong mangyari sa kaniya." Sabi niya pa. Haay, kawawa naman pala tong bestfriend ko. Kung akong nasa sitwasyon niya, malamang sa malamang nag-suicide na ako.
"Shh... tahan na... nandito lang ako." Sabi ko pa sa kaniya, ngumiti siya ng pilit. Pilit na pilit.
"Tumahan ka na, baka atakihin ka pa." Dugtong ko pa.
end of flashback...
"Oh alam mo na ngayon?" Tanong ko kay Stav, tumango lang siya.
"Grabe, ano na kayang nararamdaman ni Tin ngayon? Ang sama ko pala. hinusgahan ko kaagad siya. Haay." Sabi niya sabay bagsak sa sofa sa gilid ng kama.
Johann's POV
"Yanna!" Sigaw ko kay Yanna, dito siya pumunta, ayaw kong ipakita na nasaktan ako.
"Onii!" Sabi niya sabay yakap sakin, parang gusto kong maiyak, haay. Nakakabakla man, pero totoo.
"Onii? Nakita ko kanina si Onee sa soccer field, kasama niya yung isang babae tapos iyak siya ng iyak. Puntahan mo kaya?" Sa totoo lang, gusto ko. Gustong gusto, ang dami kong gustong isumbat sa kaniya, pero hindi ko kaya. Mahal ko kasi siya. Mahal na mahal.
"Hindi na, tatawagan ko na lang siya mamaya." I hate this, ayaw kong nagsisinungaling kay Yanna.
"Bakit hindi mo pinuntahan si Tin?" Tanong ko, tumingin siya sakin tapos tumingin ulit sa harap.
"Pinuntahan ko siya, tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Ang sagot lang niya sakin e sabihin ko daw sayo na Mahal ka niya kahit ano mangyari, ang weird nga Onii." WOW! MAHAL? ANG GALING! Bilib na ako sayo Tin!
"Onii, magkagalit ba kayo ni Onee?" Tanong niya sakin,
"B-bakit mo naman tinanong?" Sabi ko, bumuntong hininga pa siya.
"Eh kasi, dati pupuntahan mo na siya agad kapag nalaman mong umiiyak siya. Pero ngayon, anyare?" Haay, eh kasi nga... break. na. kami.
"Aish... oo na. Hindi na kami Yanna." Sabi ko sa kanya, tinignan niya ako.
"Onii, galit ka ba sa kanya?" Tanong niya sakin. Oo? Hindi? Ewan ko. Pero parang nauuna ang galit kesa sa intindi e.
"Silence means yes. Hay nako Onii, baka naman may rason. Tanungin mo siya, baka sabihin niya. Pero kapag hindi, isipin mo na lang na may magandang dahilan kung bakit niya ginawa yun." Oo, makapag advice kapatid ko parang may lovelife na. -.-
"Yanna... yung totoo? May boyfriend ka na?" Natawa siya sa sinabi ko. Tanginis naman o! Anong nakakatawa?!
"Wala ah! Hahaha!" Gusto kong matawa, pero hindi ko kaya.
Stav's POV
Naiintindihan ko na siya, pero hindi naman ganun ang pamilya ni Johann ah? Aishh! Ang gulo, sabihin ko kaya kay Johann? Haay. Wag na lang, baka mas magalit pa sakin si Shen at Tin.
"Kain tayo." Sabi ni Shen sakin, haay. Parang nawalan ako ng gana, kung ako siguro si Kristine, nagpakalayolayo na ako! Or kaya nagpakamatay. Buti kinakaya niya, kasi alam ko kung gaano niya kamahal si Johann. Hay nako.
"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/"/
A|N: Sinabi ko na yung reason, ahahaha. :) Vomments! Kamsa~! :)
BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...