Johann's POV
Umaga na! Yes! Ready na kaya si Drelle? Tsk! Di pa siguro! Alas-sais pa lang ng umaga. Bakit ganto ako kaaga gumising? Kase... ahm... bakit nga ba? Ah. Kase may pupuntahan kami ni Drelle.
"Oniichan! Bumaba ka na! Tulog ka pa ba?" Sigaw ni Drelle sa kwarto ko. Wait. San kami pupunta? Secret.
"Heto na! Heto na! Ikaw lang hinihintay ko e!" Alam niyo. Ang sabi ni Drelle ang pogi ko daw. Di ko alam kung maniniwala ako kung ano. XD hahahaha sabog.
"Kuya! Nagpapantasaya ka nanaman bang pogi ka!" Aish. Gusto ko pa namang isipin ng readers na pogi ako. Tss.
"Hinde! Hoy Yanna Andrielle Rin! Bumaba ka na! Hintayin mo na lang ako sa sasakyan!" Alam niya sigurong galit ako. Hahaha kahit hinde, seriously. Kase kapag binubuo ko yung pangalan niya, alam nya na yon!
"Opo~!" Kinanta pa ng putspa!
after ilang minutes ng pag aayos ng gamit...
"Hoy, Drelle. Wag ka diyan sa backseat umupo! Ano? Pagmumukain mo akong Driver mo? Dito ka sa tabi ko." Asar. Totoo naman e. Kapag nagda-drive ako at may kasama ako. Ayokong nasa likod sila. Magmumukha akong driver.
"Oo na! Dami pang arte ni Oniichan!" Ako pa talaga maarte.
"Bilis na! May susunduin pa tayo!" Nakangisi kong sabi sa kanya.
"Ah. Si Oneechan. Okay." Tss.
after 25 minutes...
Si Kristine e pumunta sa isang pintuan... Sisigaw na sana siya e, tapos may nakakita saming babae.
"Ahm... sino po sila?" Tanong nung matanda samin.
"Ah, hello po! Ako po si Yanna Andrielle Rin! You can call me Drelle for short, I am 8 years old, currently studying at Cloud Academy. My parents ar.." Bago pa ituloy ni Drell yung sasabihin niya e pinutol ko na at ako na ang nagsalita.
"Ahm... Hahaha, sorry po sa kapatid ko ha! Ang kulit po kase neto e! Ako po pala si Johann." Sabi ko dun sa babae, tapos yung babae niglang ngumiti.
"Ah, hahaha. Oo kilala kita, ikaw yung boyfriend ni Tin diba? Ako yung Nanay niya, ngayon lang kita nakita hijo." Ha-ha-ha. Kausap ko yung Nanay niya.
"Ah.. Hahaha nice to meet you po Tita." Sabi ko tapos binigay ko yung kamay ko para makipagshake hands pero tumanggi siya kase madumi daw yung kamay niya. Pagkatapos nun e pinapasok niya na kami.
"Johann, pumasok na kayo, ay teka? Nag-agahan na ba kayo? Kumain na kayo dito samin." Oo nga no? Di pa kami kumakain.
"Ah... sige po." Yun na lang nasagot ko.
Habang papasok kami sa bahay nila Tin ay may naaninag akong isang kilalang lalaki. Oo, kilalang kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Nikolo yun.
"Ah, Johann. Si Nikolo nga pala, pamangkin ko." Ha? Pamangkin? Mag-pinsan sila ni Kristine? Ang gulo. Tapos nag- I love you pa siya kay Tin dati? Shit.
"Ah. Hello! Kamusta ka Pare?" Pasalamat siya at nandito yung kapatid ko kundi nasuntok ko na to. At teka, nasaan si Kristine?
"Nasaan si Kristine Tita?" Tanong ko. Tapos kumunot yung noo niya na parang nagtataka kung nasaan nga ba si Kristine.
"Ah, nasan nga ba?" Ay putik. Tama bang sagutin ng tanong ang isang tanong?
"Nandun sa kitchen Tita! Nagluluto ho." Si Waf nagluluto? Weh? Pwede na talaga siyang nanay. Hahahaha
"Puntahan ko lang po Tita." Sabi ko. Tapos tinuro niya yung kitchen, si Drelle naman e naupo agad sa table. Gutom e.
Habang papunta ako dun sa kitchen, nakita ko na agad siya kase G-shaped kitchen naman ang kusina nila e. Tapos naka-sando lang siya at shorts, tapos may patong na Apron. Siguro nakita niya ako kase ini-wave niya yung kamay niyang may hawak na sandok.

BINABASA MO ANG
Oo Na! Mahal Kita! Kakana Pa? (ON HOLD)
RomanceSabi nila, "Love is Blind." Pero hindi ako naniniwala dun no! Kase nagpapakatanga lang tayo sa taong mahal naten e! Eh yun nga kase ang epekto ng love! NAKAKASAKIT! NAKAKAIYAK! Walang pakialam kung makakasakit o hindi! Bakit ba naman kase ginawa ang...