CHAPTER 12: Mga Kwento ng Magkakaibigan

1.8K 35 0
                                    

CHAPTER 12:  Mga Kwento ng Magkakaibigan

Nakatitig si Star sa mug ng kape na nasa harapan niya.  Pinapaikot-ikot niya ang kanyang hintuturo sa rim ng mug habang nakatitig naman sa kanya ang kaibigang si Jenny.

“Totoo ba?” nagtanong muli ang kaibigan.  “Ayokong maniwala kasi alam kong hindi ikaw yun, pero gusto ko pa ring malaman ang katotohanan galling sa’yo?” nakatitig si Jenny kay Angel. Huminga si Angel ng malalim.

“I really don’t want to answer that Jen.” Ibinulong lang ni Angel ang sagot.

“So, totoo nga?!” halos pasigaw na sagot ni Jenny.  “Bakit Angel, gusto mo na ba talagang yumaman?  Pera lang ba talaga ang dahilan?  Hindi ko maintindihan.  Sabi mo sa akin noon, ayaw mo magtrabaho sa corporate world dahil hindi pera ang habol mo kundi ang may magawang maganda sa mundo, tapos malalaman kong nasa club ka na nagtratrabaho?!.” Nag-pause si Jenny.  “What hurts me more is that you were able to keep it from me for almost three months.  Three months Gel!  Do you even have plans of telling me?”  Hindi umimilk si Angel. 

She had already predicted that this will happen, up to the last word that Jenny said.  Ito ang dahilan kaya ayaw niyang sabihin.  She will hear hurting words.  And more than that, she will hurt her friend.

“Jen, I don’t have answers for you now.  Can you just trust me on this?” pakiusap ni Angel.

“How can I trust you when you couldn’t even trust me with the truth?  You have already pre-judged me that I will not be able to understand.  Kaibigan kita Angel, I’m your best friend and you kept me in the dark.”  Halata ang hurt sa pananalita ng kaibigan.

“I’m sorry Jenny, I do not know what to say, but please, trust me that in time, you will understand.”  Pakiusap pa rin ni Angel.

“I truly hope so Gel, I truly hope so.”  Uminom si Jenny sa kanyang mug ng kape.  “So, tuloy pa baa ng Pagudpud natin next month?  Nagtatanong ako kasi, with things happening like this, baka awkward na sa atin ang magtratravel travel pang magkasama.”  Halata na ang tampo sa sinabi ni Jenny.

“Ano k aba Jen, tuloy yun.” Nagbago na ang atmosphere between the two when the topic shifted. 

“Mabuti naman kasi nakabayad na ako sa hotel accomodations natin.”  Nagulat si Jen.  Last year pa nila plinano ito, ngunit nahihirapan silang i-book ang kanilang roadtrip dahil nahihirapan silang makaipon ng pambayad ng mga kakailanganin.  Kaya nga lagging napo-postpone.

“Nakabayad ka na?”

“Oo, para sa ating dalawa na ‘yun.”

“Saan ka kumuha ng pera?”

“Naikwento ko kasi kay Gabriel.  Sasama daw siya kaya’t binigyan ako ng pambayad sa lahat ng kailangan.  Sasakyan na daw niya ang gamitin natin at siya ang magda-drive para makatipid.” Sagot ni Jenny.

“Ano!?  Sasama si Gabriel?!” gulat na tanong ni Angel.

“Oo, bakit kaibigan din naman natin si Gabriel ah?”

“Diyosko naman Jen, alam mo naman na may nakaraan kami ni Gabriel…” inis na pagtutol ni Angel.

“Hoy, matatanda na tayo, panahon na para maka-get over kay gwapo, okay.”

“Para namang hindi mo alam ang mga nangyari sa amin noon.” 

“Akala ko ba sabi mo naka-move on ka na?” tanong ni Jenny.

Shit!  Naka-move on na nga, kaya lang bumalik ang gago.  Parang gusto niya tuloy ikwento ang nangyari sa kanila ni Gabriel sa dressing room, pero alam niyang mahirap e-explain yon sa ngayon. Hindi na lang umimik si Angel.

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon