CHAPTER 18: The Start of a Journey

1.2K 22 2
                                    


CHAPTER 18

"So, what is your plan?" Tanong ni Emy na kalapag lang ng yosi sa ashtray na nasa harap ni Big Boss.

"Wala naman." Nakangiti si Big Boss. "I will just play this by ear." Humigop si Big Boss sa kopita ng brandy. Tumayo ito at tinungo ang one-way mirror. Nakaharap ito sa stage ng Sirens at dahil nasa second floor ang opisina, kita din ni Big Boss ang audience. Nakita niya dito ang isang pamilyar na hugis na naka-upo sa bar at umiinom ng SML.

"He's here again." Komento ni Emy na tumabi kay Big Boss.

"As expected." Humigop uli ito sa kopita ng brandy. "Is Santillan here?" tanong ni Big Boss kay Emy.

"Yes, he's here. In his usual seat." Tinuro ni Emy si Rico.

"Watch Gabriel. I have a feeling something will happen tonight." Saad ni Big Boss na tumalikod na at tinungong muli ang kanyang desk. Tumango si Emy at lumabas na sa opisina.

Tapos nang magperform si Star. Pagkatapos magpahinga ng sandali ay tinungo niya ang mesa ni Rico. Nagbeso siya dito.

"How are you honey?" tanong agad ni Rico.

"Fine, as always." Sagot ni Star na may matamis na ngiti.

"Bakit di mo kwinento ang tungkol sa nanay mo?" tanong ni Rico na may pagtatampo.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Star na may pagtataka.

"You were gone for almost two weeks so I asked around. Kumusta na ang mama mo?" tanong ni Rico.

"Attorney, I really don't want to talk about my mother. This is Sirens. I'm supposed to make you happy." Sagot ni Star. Nakangiti muli ito.

"Just being with you makes me happy. You know that." Hinalikan ni Rico si Star sa punong tenga nito. It made Star cringe, but the action made her look shy.

"Get your hands off her." The statement was short and curt but nevertheless got the attention of Atty. Santillan and Star.

"Gabriel." Natigilan si Star. Nakatayo sa harap nila si Gabriel. Natulala naman si Rico. Hinila ni Gabriel ang kamay ni Star.

"Let's go." Hila-hilang itinakbo palabas ni Gabriel si Star.

"Gabriel, bitawan mo ako." Nagpupumiglas si Star. Palapit na ang mga bouncer kaya't binuhat ni Gabriel ang babae na parang isang sako ng bigas sa balikat niya. Patuloy na tumakbo si Gabriel palabas ng Sirens hanggang marating nito ang parking lot. Humabol ang mga bouncer ngunit mabilis si Gabriel. Agad niyang sinakay si Star sa kotse niya at pinaharurot ang sasakyan.

Patuloy na pinapalo ng kamay ni Star si Gabriel. "Ilabas mo ako dito!" sumisigaw si Star. Patuloy lang na nagdrive si Gabriel. Nakita ni Star na papuntang norte ang sasakyan. "Itigil moa ng sasakyan!" binubuksan ni Star ang sasakyan ngunit naka-lock ito. Parang naka-child lock. "Itigil mo sabi! Bababa ako!" Patuloy pa rin ang pag-drive ni Gabriel.

Napansin ni Star na Balintawak na at papunta na ng NLEX ang sasakyan. Nagsimulang maiyak si Star.

"Gab, please..." nanghihina na si Star. Itinungo ni Star ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay. Naramdaman na lang ni Star na kumanan ang sasakyan at huminto. Itinaas ni Star ang ulo niya at nakitang nasa isang rest stop sila. Nakita ni Gab ang luhaang mukha ni Star.

"I'm sorry Babe." Mahinang saad ni Gabriel. Niyakap niya si Star. "I just wanted to take you away from that place." Binulong ni Gabriel sa ulo ni Star habang hinalikan nito ang buhok niya.

"Gab, itigil mon a kasi ito." Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ni Star. Nilayo ni Gab si Star, ang mga kamay nakahawak sa magkabilang balikat ng babae.

"Hindi ako titigil Gel. Hindi ako titigil hangga't hindi kita nailalayo sa lugar na 'yon. Gagawin ko ang lahat. You don't deserve to be in that place." Sabi ni Gabriel habang nakatitig sa mga mata ni Star.

"May kontrata ako Gab." Bulong ni Star.

"Kaya pumayag ka nang bayaran ko ang kontrata mo para matigil ka na sa kakasayaw sa pesteng putang inang Sirens na yan." Halos pasigaw na saad ni Gab. Binitiwan niya si Star at nilagay ang mga kamay sa manibela at tumingin sa harap. Nagpalabas siya ng isang malalim na hininga at muling binuhay ang sasakyan.

"Gab, you have to bring me back." Pakiusap ni Star. Nagpatuloy lang sa pag-drive si Gab. "Gab please naman."

"Just trust me Gel, just trust me please. Ngayong gabi lang." sagot ni Gabriel. With that Star decided to shut up.  

++++++

CHOCOSHINE'S NOOK:

I'm back!  

Sorry for the long hiatus.  Work related.  No explanations.  The important thing is I'm back.

Thank you to all who continue to wait for updates.  Nagugulat ako at patuloy pa rin tayong dumadami kahit ganito -- nakaka-inspire.  Sobra!

Salamat sa patuloy na pagbabasa ng Star Siren.  Until the next update...

Love.  Love.  Love.

*chocoshine*



Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon