CHAPTER 13 - Fireworks

1.6K 25 1
                                    

CHAPTER 13 - Fireworks

Presko at malamig na hangin.  Tahimik maliban sa tunog ng mga sasakyan sa daan na maririnig sa di kalayuan.  Star watched the Metro Manila sunset in the horizon as she enjoyed a stick of cigarette.

Ang dami niyang iniisip.  Ang sakit ng inay niya.  Ang bahay nilang malapit nang idemolish.  Si Gabriel.

Ang dami niyang dapat pang gawin.  Ang problema nila sa bahay ay inendorse na niya sa NGO.  Sila na ang bahala doon.  Ngunit, alam niya ang ending noon.  Lagi namang ganoon.  Papaalisin na sila sa bahay nila kaya't kailangan nang maghanap ng bago.

Naisip ni Star si Rico.  Matagal na itong nangungulit na ibahay siya.  Ngunit bawal kasi sa Sirens ang magka-boyfriend.  Kung gagawin niya yun, kailangan na niyang umalis dito, na ayaw naman niya.

At para namang papayag din siyang ibahay ni Rico.  He is a nice guy, but he is just that.  A nice guy.  No sparks.  No chemistry.  No nothing.  Kung papayag man siya, tuluyan na nga siyang magiging isang p*ta.  Kaya nga ipinagbabawal yun sa club.  Hindi sila mga babaeng mababa ang lipad.  Yan ang sabi ni Big Boss. He always wants to call them "companions", to which Star thinks is more politically correct.

Napaka-ironic talaga.  Ang dami niyang pre-conceived notions sa mga babaeng nagtratrabaho sa bar, pero ang pagtrabaho niya dito sa Sirens ang nagpabago ng lahat ng iyon.  Nakakainis lang na kahit anong gawin niya pangit pa rin ang pagtingin ng publiko sa mga babaeng katulad niya. 

She was on this frame of mind when she heard her phone ring.  Napakunot ang noo niya nang makita ang tumatawag. 

"O, napatawag ka na naman?" halata ang inis sa boses ni Star.

"Namiss lang kita.  Pwede ba tayong magkita?" saad ng lalaki sa kabila ng linya.

"Gabriel naman.  Ang kulit mo sobra."  Kanina pa kasi ito tawag ng tawag.  Nagtatanong kung kamain na siya, kung saan siya pupunta.  Kung hindi nga lang talaga may sakit si inay mag-o-off siya ng cellphone.

"Please naman Angel, para naman tayong walang pinagsamahan.  Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Wala." Tahasang sagot ni Star.  Tumawa si Gab sa kabilang linya sa sagot.

"C'mon, I'll see you sa Kapeng Barako Coffeeshop in 15 minutes."  Tinapos na ni Gabriel ang conversation.

Inis na inis si Star, but she found herself riding a taxi going towards the coffeeshop.  Hindi niya maintindihan kung anong gayuma ang pina-inom sa kanya ni Gabriel but she was justifying this meeting saying na mabuti na ito para once and for all matapos na ang pangungulit nito sa kanya. Ngayong hapon ding ito kakausapin na niya ito at sasabihing tigilan na siya nito.

Gab was already seated in a table at the far end of the coffeeshop when she arrived.  Agad itong umorder ng White Coffee Mocha, ang paboritong coffee drink ni Angel.  Napangiti si Angel dahil hindi pa rin nito makalimutan ang favorite drink niya.

Tahimik na tinitigan ni Gab si Angel.  It was making her conscious.  She wanted to say something to break the tension, but she could not think of anything to say kaya't nagcheck na lang siya ng email gamit ang wifi ng coffeeshop.

"Salamat." Biglang nagsalita si Gab.

"Huh, para saan?" Tumingala si Angel from fiddling with her phone and looked at Gab.

"For this, for coming here to see me."  He said with a smile.  "Alam kong bawal para sa'yo pero nandito ka pa rin."  Sumimangot si Angel.  Parang may ibang kahulugan ang sinabi nito.

"Don't get any ideas.  Pumunta lang ako para kumbinsihin kang itigil mo na itong pangungulit sa akin."  Angel said coldly.

"Na para namang hindi mo ako kilala."  Saad ni Gab ng nakangiti.  Well, in all honesty, he has always been annoyingly insistent where she is concerned.  Nang kusa niyang inilayo ang sarili, tsaka lamang ito natigil.  Ngunit, nandoon pa rin ang panaka-nakang pagkontak kay Jen na inamin na rin nito di pa katagalan.

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon