CHAPTER 3: Ang Mga Mata at Kamay

3.7K 64 3
                                    

CHAPTER 3:  Ang Mga Mata at Kamay

Nakapikit ang mga mata ni Star.  Nakaupo ito sa upuan sa harap ng salamin.  Nakasandal ang ulo sa backrest ng upuan.  Parang tulog, pero gising.  Her mind full of thoughts.

Magdadalawang buwan na siya dito, pero ngayong gabi lang siya nabalot ng hiya.  Nang Makita niya ang pamilyar na mukha, napatigil siya sa pagsayaw at gusto na talagang bumalik papunta sa likod ng stage.  Buti na lang may presence of mind pa rin siya.  Ipinagpatuloy ang pagsayaw niya hangga’t natapos ang palabas.

Nakilala kaya siya nito? 

Kapansin-pansin din kasi na napatulala ito nang nakita siya.

No, I’m sure he didn’t recognize me.  Mataba ako dati.  Maikli ang buhok. May salamin.  Clumsy.  The epitome of nerdy.  Sino ba naman ang mag-aakala na ang dating nerd ay kinalolokohan na ng half of the men of Metro Manila. 

Yes.  Half of the men of Metro Manila.  Because, the other half are either gay, priests, (but even priests have heard of her – lolz!), or happily married and/or have never entered a girly bar in their life. 

Everyone has heard of her.  She has become so popular in the girly-bar circuit that almost every major establishment wanted to sign her up and have her do a show.  Almost everyday, may mga request ng guestings sa fiesta… and yes at least five talent scouts have already approached her to get into showbusiness.  And that is only in 8 weeks of being here on Sirens.

If she only knew that she would be this successful here, she would have done this a long time ago.

But then, back to those piercing brown eyes that met hers this evening while swaying her hips and being practically naked on stage…

Shit! Hindi siya pwedeng magkamali.  Atty. Gabriel Jose Cruz Santiago.  Bakit dito pa tayo nagkita?

Yinuko niya ang ulo niya sa kanyang dalawang kamay nang pumasok ang isang bading sa dressing room ni Star.

“Star, hinahanap ka na ni Attorney?

Si Attorney ay si Atty. Federico Santillan.  Halos mag-iisang buwan nang regular customer ni Star ang attorney.  Gwapo siya, in an Italian-mestizo sort of way.  Mabait, ngunit may kantandaan na in his late forties.  Sa kwento nito, may asawa siya ngunit nagmigrate na ito sa Australia kasama ang tatlo nitong anak.  Bumibisita na lamang siya dito tuwing pasko.

Dati, excited siyang makita si Rico dahil mataas ito mag-tip.  Gusto niya din ang pakikitungo nito kay Star.  He is never condescending.  Always treating her like his equal.  Their conversations are intelligent and she really enjoyed being with him. 

Ngunit, ngayong gabi, parang ayaw niya itong harapin.  Alam niyang makikita niya si Gab at sigurado siyang maiilang siya knowing that somewhere in this establishment is someone that knows her.  Pero, kaysa mapagalitan siya ng management ay titiisin na lang niya ang hiya.  Patuloy na nag-iisip si Star, nakatungo pa rin sa kanyang mga kamay.

“Star…?” Nilapitan ng bading si Star, worried ito.  “Girl, are you okay?”

Itinaas na ni Star ang kanyang ulo paharap sa bading.  Ngumiti ito.

“I’m fine.” Malumanay nyang sabi.  Ngunit hindi nito natago ang tunay na nararamdaman.

“What’s wrong?” nilapat ng bading ang kanyang kamay sa kanyang likod, a gesture of concern.

“Nothing Kris, okay lang ako.  Don’t worry about me.” Ngumiti si Star at tumayo na.  “C’mon, let’s go.”

Lumabas na ang dalawa ng kwarto at tinungo ang madla ng kalalakihang naghihintay kay Star.

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon