CHAPTER 16: Truth and Courage

1.6K 32 1
                                    

CHAPTER 16: Truth and Courage

Wala na si Gabriel nang nagising si Star. Pagkatapos nilang mag-almusal ay sunod-sunod na ang pasok ng mga nurse at iba pang attendants para sa iba't-ibang test. May mga pinapasok na aparato at minsan kinakailangan naman niyang ihatid sa iba't-ibang bahagi ng ospital ang nanay niya para sa iba pang test.

Relieved naman siya at palaging positive at maganda ang resulta ng mga test. Hapon na nang dumating si Krissy. May dala itong mga prutas at mga meryenda. Natutulog naman si Aling Minda. Panay ang tingin ni Krissy kay Star. Parang hindi ito mapakali kaya't minabuti na ni Star na tanungin si Krissy.

"What's bothering you girl?" Napabuntong hininga si Krissy sa tanong ni Star. He stopped fiddling with the fruits he brought and sat beside Krissy sa sofa.

"Pumunta si Gabriel sa Sirens kaninang umaga." Sagot ni Krissy. Halatang worried ito sa nalaman kanina sa club.

"Ano?" nagulat si Star sa balita.

"Pumunta si Gabriel kanina, kinauap si Big Boss." Napakunot noo si Star sa sinabi ni Krissy.

"Bakit daw?" kinabahan bigla si Star.

"Hindi ko alam. Pero, ang duda ko ay para bilhin ang kontrata mo." Sagot naman ni Krissy.

"Jesus Christ! Why did he do that?" Worried naman si Star.

"Obviously, he wants you out of Sirens. Ano pa ng aba?" sagot naman ni Krissy.

"Yun din ang sinabi niya sa akin kagabi. Pero, hindi ko naisip na totohanin niya." Saad ni Star.

"Well, he was there this morning. Hindi pa ako kinakausap ni Big Boss so malamang epic fail ang efforts niya. Sana lang hindi ito maka-apekto sa pakikitungo ng management sa'yo." Sabi ni Krissy na binubuksan na ang isang pakete ng piattos.

Napaisip si Star. Maaaring ang Sirens na ang pinaka-mabait na employer sa balat ng mundo pero sila rin ang pinaka-matindi mag-protekta ng sariling negosyo. Naikwento na minsan ni Krissy ang nangyari sa isa sa mga dancer sa Sirens. Si Honey. Tumakas ito at nakipagtanan sa boyfriend nang walang pasabi. Agad sinampahan ng kidnapping ang boyfriend habang may kasong breach of contract naman si Honey. Ngayon ay nasa kulungan na ang boyfriend nito at si Honey naman ay namumulubi na.

Ganoon ang Sirens. Pwedeng hindi ka naman papatayin. Sisiguraduhin lang nila na mas miserable ka pa than when you first came to work there. The worse thing is, hindi ka na makakabalik sa Sirens for breaking their trust kaya't buong buhay mong pagsisisihan ang iyong kapusukan.

Sana lang walang nagawa si Gabriel na ikinagalit ni Big Boss. Sabagay mabait naman ito at reasonable. Sana lang hindi nagpakatanga si Gabriel para malagay siya sa alanganin.

Nasa ganoong pag-iisip si Star nang dumating si Jenny. May dala din itong meryenda. Nagkwentuhan muna sila ni Krissy ngunit umalis na din si Krissy para pumunta sa Club. Babalik na lang ito mamayang gabi para siya naman ang magbantay sa inay ni Star.

"Nakausap mo ba si Gab?" tanong ni Star habang nagmemeryenda na ito ng dinalang empanada ni Krissy.

"Actually yes. Nakausap ko si Gab." Sagot ni Jenny.

"May kwinento ba siya sayo?"

"Wala naman masyado. Nagkwento lang na magkasama daw kayo kagabi. Bakit? May dapat bang ikwento si attorney?" tanong ni Jenny, visibly amused sa mga tanong ng kaibigan.

"Wala naman.... Ewan..."

"Spill it girl..." Napabuntung-hininga si Angel sa sinabi ng kaibigan.

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon