BOOK 2 CHAPTER 25:

1.3K 20 1
                                    


BOOK II

CHAPTER 25

Nakakunot ang noo ng taxi driver sa pagtatalo na naririnig galling sa kanyang sakay na may kausap sa telepono. Hindi niya maintindihan ang lengwahe pero sigurado siyang Filipina ang sumakay. Pero sa ganda at puti nito mapagkakamalan pa rin itong puti. Biglang natahimik ang sakay niya kaya't bahagya niyang sinilip ang rear view mirror at nakita ngang tapos na ito sa kausap sa cellphone. Nakatingin na ito sa labas.

"Ma'am was it MGM Grand?" tanong ni mamang taxi driver.

"Huh...?" biglang napatingin ang babaeng pasahero sa driver.

"MGM Grand Ma'am?" may twang na ang mamang driver pero alam ng pasahero na pinoy din ito.

"Oo. MGM. " sagot ng pasahero.

"Sabi ko na ng aba, pinoy ka din?" tumawa ng bahagya ang mamang driver.

"Yes." Sagot na lang ng pasahero. Nakatingin pa rin ito sa labas ng taxi.

"Mukhang bihis na bihis kayo ah. Business meeting?" usisa ng mamang driver. Nakacorporate attire ang babae. Hindi ito ang ordinaryong suot ng turista o kahit pa ng pupunta lang nga MGM para mag-casino.

"Yes." Shot answer pa rin ni pasahero.

"Matagal ka na ba dito sa Las Vegas?" tanong ulit ni mamang driver.

"Bakit? Ikaw? Matagal ka na din ba?" mataray na sagot ng pasahero.

"Pasensiya na..." ngumit na lang ang mamang driver. "Just making conversation. It's still a long drive to MGM in this traffic. Sabik lang sa kababayan." Explain ni driver. Nakonsensya bigla ang sakay.

"Pasensiya na din, natarayan kita. Stressed lang." Saad naman ng pasahero. "Matagal ka na ba dito sa Las Vegas?" siya na ngayon ang nagtanong. Yaman din lamang na matraffic eh di makipagkwentohan na.

"Two years na." sagot ni driver.

"Five years." Sagot naman ng sakay. "Bakit naman sabi mo sabik ka sa kabayan? Ang dami-dami ditong pinoy ah."

"Walang oras makipagkaibigan." Sagot ng driver. Alam ni pasahero ang kwentong ito. Walang oras dahil lahat ng oras nasa trabaho. Kung may oras man ipapahinga na lang.

"Nakakalungkot naman ang buhay mo. Nasa entertainment center ka ng mundo pero puro ka trabaho." Komento ni pasahero.

"Ikaw? MGM ang punta mo pero mukhang trabaho din ang pakay mo." Retort naman ni mamang driver.

"Oo... trabaho nga." Sagot ng pasahero. Sinilip ni pasahero ang kanyang relo. Cartier. Regalo lang. Malelate na siya sa meeting. "Wala na bang ibibilis ang traffic na ito?"

"Wala nang ibang daan eh." Sagot ng driver. "Sino baa ng ka-meeting mo? Si Donald Trump?"

"Hahaha..." natawa si pasahero. "Parang ganoon..." Naisip ni pasahero ang ka-meeting. Isang taon na rin silang hindi nagkita. Malaki ang tiwala ni tycoon sa kanya kaya't hinayaan na lamang niyang siya ang mag-asikaso ng lahat ng dapat asikasuhin dito sa Las Vegas. Bakit nga naman hindi siya magtitiwala, nagawa niyang palaguin ang negosyo nito dito sa Las Vegas.

Nainis nga siya dahil dapat may magsundo sa kanya sa airport. Mali ang oras na alam ng driver na dating ng kanyang private jet. Kaya't wala pa ito nang dumating. Napilitan tuloy siyang mag-taxi. Tinawagan niya agad si Joey at pinagalitan ito. Si Joey ang kanyang executive assistant. Biglang nagring ang cellphone niya.

"Are you coming?" tanong agad ng lalaki sa kabilang linya.

"Yes! Just stuck in traffic Boss. I'm sorry." Apologize agad si sexy pasahero.

"It's okay, take your time. TInawagan na ako ni Kapitan. Mali daw yung ETA na naibigay kay Joey."

"Yun nga. Excited pa naman ako to see you." Tumawa ang lalaki sa sabi ng pasahero.

"Magkikita din tayo. I have to prepare you for the meeting we are having tonight. It is an important meeting and I want to have you in the meeting with me. It means a lot to our expansion and growth." Saad ng lalaki.

"I came prepared. Kaya nga pumunta muna ako ng Atlanta para magsurveillance sa property development nila doon. I just want to be sure we are getting into a partnership that we want. I have also reviewed their proposal." Sagot naman ni pasahero.

"We will talk about it when you get here kaya bilisan mon a." saad ng lalaki.

"Yes Boss, nakita ko na ang signage ng MGM. Malapit na ako." Sagot naman ni pasahero.

"Okay, ingat ka." Saad ni lalaki. They ended their conversation.

"Mukhang importante ang meeting mo Ma'am." Saad ni mamang driver.

"Oo, importante."

"Malapit na tayo." And in a few minutes pumasok na sila sa driveway ng MGM Grand. Inabot na ni pasahero ang bayad. Dinagdagan niya ng 100 dollars ang tip. Alam niyang kailangan ito ng masipag na pinoy taxi driver na ito.

"Sobra po ang bayad mo." Binabalik ni driver ang 100 dollars.

"It's yours." Ngumiti si pasahero.

"Wow, salamat po." Sagot ni driver. Binuksan na ng doorman ang pinto ng taxi. "Ay ma'am, ano pop ala ang pangalan mo?" Ms. Pasahero paused and thought for a second.

"They call me Star... Star Roces." Ngumiti si pasahero sa driver at bumaba na sa taxi. The driver watched her as she sashayed into the entrance door of the hotel at tuluyan na ngang linamon ang magandang pasahero ng hotel.

+++++
CHOCOSHINE'S NOOK

Book 2 na po. Patuloy pong abangan ang kwento.

Bakit nasa Las Vegas si Star?

Abangan...

Love. Love. Love.

*chocoshine*

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon