CHAPTER 9: Ang Cellphone - Bow!

2K 36 1
                                    

CHAPTER 9: Ang Cellphone – Bow!

“Ano!?  Oh my God!  Hindi totoo yan!” ito ang gulat na gulat na reaction ni Jenny sa ibinalita ni Gabriel.

“You are holding the best evidence I have.  Ano pa ba ang iisipin ko?” sabi ni Gabriel na uminom sa hawak-hawak na isang bote ng beer.  Kanina pa niya gustong uminom.  Hindi siya mahilig uminom, pero sa pagkakataong ito, considering everything that happened earlier in the office with Bree, and now this with Star, he felt he really needed the drink.

Jenny looked at the cellphone in her hand.  Ito nga ang cellphone ni Angel.  Alam niya dahil sabay pa nilang binili ito after graduation.  After graduation!  Five years ago!  Sabay silang bumili dahil kailangan na nila ito sa pag-aapply ng trabaho.  Gasgas na ito at hindi na mabasa ang mga numero sa keypad.  Matagal na niyang kinukulit si Angel na bumili ng bago, kahit man lang yung mumurahin lang pero may pinag-iipunan daw siya at sayang ang pera e nagagamit pa nga naman ng maayos ang cellphone.

“Baka… baka naman kamukha lang ni Angel?” Jenny said softly.  Halos pabulong.  Almost like thinking out loud.  She was trying to think of reasons why this phone in her hand is in the possession of that dancer.

“Kung kamukha lang, bakit nasa kanya ang cellphone ni Angel?” tanong ni Gabriel.

“Baka kapatid lang ni Angel o kambal niya at pinahiram niya itong cellphone niya?” Jenny tried to argue.

“May alam ka bang may kapatid siya o kambal?” tanong naman ni Gabriel.  Hindi makasagot si Angel.  Only child si Angel.  Ayon sa kwento niya, matagal nang patay ang tatay niya nung three years old lamang siya.  Sundalo ang tatay niya at namatay ito sa isang ambush sa Mindanao.

“Pupuntahan ko si Angel sa bahay niya.  We need answers kung totoo nga ang sinasabi mo.” Pasiya ni Jenny.

“No.  Don’t do that.” Namilog ang mata ni Jenny sa sinabi ni Gabriel.

“Ano?! Involved na sa prostitution ang best friend ko hahayaan ko lang?  Si Angel ‘to Gab.  Cum Laude sa U.P. Matalino.  Mabait.  Maganda.  Her future is so bright.  Why would I allow her to ruin her life like this?” Pag-insist ni Jenny.

“Exactly.  Why would she do that?  We need to know why first before doing anything.”  Explain naman ni Gabriel.  “Don’t let her know that you have an idea tungkol sa tunay niyang trabaho.” 

Nakakunot noo si Jenny.  The information that Gabriel gave her worried her.  Hindi niya pwedeng pabayaan ang best friend niya sa ganoong sitwasyon.  It was just so out of Angel’s character.  She was not your typical conservative Filipina, but she will not do this for money.  There must be a more pressing reason for her to do this.

Ang isa pang kinasasama ng loob niya ay kung totoo nga ang sinabi ni Gabriel, bakit hindi man lang siya sinabihan ni Angel.  Kung nasabihan man lang siya, at least napigilan niya ang kaibigan.  Natigilan siya bigla sa kanyang naisip.  Baka yun na nga.  She didn’t tell her because she will definitely talk her out of it and if Angel is truly decided to get into this kind of work baka maging mitsa pa ito ng kanilang di pag-kakaunawaan at eventually simulan ng away nilang magkaibigan.

Kasalukuyang umiinom si Jenny ng beer nang nag-ring ang cellphone niya.  Kinuha niya ito sa kanyang shoulder bag at nakitang wala sa phonebook niya ang number na tumatawag.

“Yes?” sinagot ni Jenny ang telepono.

“Jen!  Hay salamat!  Nawala ang cellphone ko!” bungad agad ng boses na nasa kabilang linya.

“Ah talaga?” Jen answered drily.  Pinipigilang magtanong sa kaibigan.

“Oo.  Naiinis ako.  Memorable pa naman yung cp na yon sa akin.” Sagot ng nasa kabilang linya.  Napansin ng kausap na tahimik si Jenny.  “Jen, okay ka lang ba?”

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon