CHAPTER 5: Sa Ospital

2.8K 38 1
                                    

CHAPTER 5:  Sa Ospital

Inis na inis sa sariling naghihintay si Gabriel sa hallway sa labas ng kwarto kung saan naka-confine si Atty. Santillan.  He was starting to hate himself for being the nice guy that he is.  Sinulyapan niya ang relo niya.

Shit!  What’s taking them so long.  Ang tagal nila sa loob.

Magtre-trenta minutos na sila Star dito sa ospital.  Kasama nito si Krissy sa loob pero wala siyang tiwala sa baklang ‘yun.  Halos ipagtulakan na niya sa abogodong yun si Star and as long as she is with him, hindi siya mapapakali.  Gusto na niyang lusubin ang dalawa sa loob kaya’t tumayo na si Gabriel sa pagkakaupo nito sa isa sa mga benches sa hallway para pasukin ang kwarto nang lumabas si Krissy at nakasalubong niya sa may pinto.

“Where’s Star?” tanong ni Gab, his impatience evident.

“Nasa loob pa.  Mag-uusap pa daw sila ni attorney.” Mataray na sagot ng bading.  “Ikaw?  Bakit nandito ka pa?” nakataas pa ang kilay habang nagtatanong si Krissy.

“Hinihintay ko si Star.  Ihahatid ko pa siya sa tinitirhan niya.” Sagot ni Gab.

“Pasensya na ha.” Krissy started with a false air of respect, malumanay ang boses pero sarkastiko pa rin ang tono.  “Bawal kasi maghatid ang guests sa mga sirens namin.” May diin ang pagkakasaad ni Krissy.  Lalong uminit ang ulo ni Gab.

Kung hindi lang kaibigan ‘to ni Star uupakan ko na tong baklang ‘to. Naisip ni Gab.  Nagtimpi siya.  He didn’t want to start hostilities with anyone.

“I brought her here.  It’s just right that I take her home safely.” Direktang sagot ni Gab.

“Bawal nga.  Bakit ba ang kulit mo?” May inis na rin ang tono ni Krissy.  Kung hindi titigil ‘to uumbagin ko na ‘to eh. Naisip ni Krissy. 

Malaking bading si Krissy.  Standing at 5’9” tall, kayang kaya niyang umbagin ang lalaking ito.  Bago pa siya nag-out dati siyang varsity basketball player ng university.  At magaling siyang atleta, kung hindi nga lang nagbago siya ng competitive sport, sa mga gay beauty contest, inaabangan na siya ng mga scout para sumali sa PBA.  Dating sexy, pero lumaki na at tumaba nang tumanda na at nahinto sa kakasali sa mga gay beauty contest.

“I just want her safe and protected.  Masama ba ‘yun?” insistent ang tono ni Gab.

“Actually Sir, Mr. Atty. Gabriel, it is also for her protection why the club has implemented that policy.  Hindi naman po sa wala kaming tiwala sa mga guest namin, pero mas maproprotektahan namin ang aming mga girls if we keep them away from the guests in this manner.  Maraming gagong guests diyan, ihahatid kunwari, yun pala re-rape-in na ang aming alaga.  Nag-iingat lang kami.” Super explain si bakla. 

Napangiti si Gabriel.  Magaling ang baklang ‘to.  Naisip niya.

Hindi niya alam, valedictorian si Krissy from pre-school to high school at cum laude naman from college to graduate school.  Yes.  Graduate school.  MBA graduate si Krissy.  Pero dahil sa nalulong sa droga at sa iba pang masamang bisyo, nakuntento na lamang sa trabahong maging manager ng mga top sirens ng club nang lumabas na sa rehab.  Kahit papaano, marangal naman na trabaho at maniwala kayo sa hindi, malayo sa droga.

Gusto pa sanang maki-pag debate ni Gabriel pero lumabas na si Star.

“Krissy, tara na.” saad nito sa kaibigan, hinawakan ang bisig nito akmang lalakad na nang napansin nito si Gabriel.  “O, nandito ka pa?”

“Yes, I was waiting for you.” Sagot ni Gab.

“Naku Gab, salamat ha, pero pasensya na.  Hindi pwede talaga.  Nandito na naman si Krissy para samahan ako.” saad ni Star.  Tinaasan ng kilay ni Krissy si Gab habang tinutok ang mata rito parang sinasabing i-told-you-so.

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon