CHAPTER 19: Until Tomorrow

1.4K 21 2
                                    


CHAPTER 19: Until Tomorrow

Madilim ang tanawin na dinadaanan ng sasakyan ni Gabriel, ngunit maliwanag ang bilog na buwan kaya't naaaninag pa rin ni Star ang mga palayan at taniman na dinadaanan nila.

Lalong kinabahan si Star. Mukhang totoo nga ang hinala niya. Sa Baguio nga ang tungo nila. Kung nung unang attempt ni Gabriel ay hindi ito nagtagumpay, mukhang ngayon tinotohanan na nito ang balak.

Nag-aalala na din siya. Sigurado siyang hahanapin siya ng nanay niya. Hindi naman niya matext si Krissy dahil sigurado siyang mas lalong gugulo pa ang sitwasyon. Linabas ni Star ang kanyang cellphone at nagsimulang magtext.

Jen, tinakas ako ni Gabriel.

Hi girl! Good! Dumating na ang tamang panahon na magkabukinangan na kayo. Ikaw kasi pakipot ka pa.

Jen, hindi ako nagbibiro. Nanganganib ang buhay ko.

Ano k aba? Sira k aba? Si Gabriel ang kasama mo. You're in good hands.

Paano kung di na ako makabalik sa Sirens?

Dapat matagal ka nang umalis doon.

Jen naman eh.... Pakitawagan na lang si Nanay. Baka mag-alala yun. Tama ka, panahon na nga siguro para tapusin na ito.

Tama, tapusin na ninyo ito sa simbahan. Hahaha!

Ah ewan! Nakakainis kang kausap.

Oh well, enjoy mon a lang kasi.

Basta, call Nanay.

Yes, I will.

Thanks Jen.

Ingat ka lagi Gel. Dasal lagi.

Thanks.

"Mukhang napapasarap ang text ah." Nagkomento si Gabriel na patuloy pa rin ang pagdrive sa sasakyan. Hindi ito pinansin ni Star. Itinago niya sa bulsa ang cellphone at patuloy na nakatingin sa dumaraang tanawin na pinaliwanag ng bilog na buwan. "Gel, kibuin mo naman ako." Nagulat si Angel sa pakiusap ni Gabriel. Napatingin siya bigla rito. Naramdaman ni Gabriel ang tingin ni Angel kaya't napangiti ito.

"Galit ako sa'yo." Yun na lang ang nasabi ni Angel.

"Aalisin ko yang galit na 'yan mamaya." Buong yabang na saad ni Gabriel.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Mayabang ka pa rin." Saad ni Angel. Binalingan muli ni Angel ang tanawin sa labas ng sasakyan.

"At palaisipan ka pa rin sa akin. Alam ko naman na gusto mo ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hinding hindi mo maamin sa akin. Wala na naman kami ni Bree." Hindi ito sinagot ni Angel. Nakatuon pa rin ang ulo niya sa bintana. "Dati, klarado sa akin na ayaw mo dahil mag-on pa kami ni Bree. Ngayon wala na kami. Bakit ayaw mo pa rin? May mahal ka na bang iba?" direktang tanong ni Gabriel. Napapikit si Angel sa inis.

"Makulit ka pa rin talaga. Katulad pa rin ng dati." Sagot ni Angel.

"Babe, paanong hindi ako kukulit, hindi mo sinasagot ang mga tanong ko." Napahinga ng malalim si Angel. Nagsimula nang mamintog ang kanyang sentido.

"Pagsinagot ko ba titigilan mo na ako?" hinarap na ni Angel si Gabriel.

"Yes." Sagot ni Gabriel.

"Hindi kita mahal Gabriel." Parang pinipiga ang puso ni Angel na sinabi ang mga salita.

"I don't believe you." Gabriel answered confidently.

Star Siren (Reluctant Bride No. 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon