[dedicated to Mae027, thankyou sa paglagay sa reading list mo. ^^ Keep supporting~]
Akiahn's Note: Bat nasa unahan ung note ko? ABA MALAY ko. Hahaha de joke. Wala lang. ^^ trip ko eh. De hahaha. Kasi gusto ko lang sabihin na alis muna tayo sa mga steps ng plan ni Fafa Kyler ko. :") Punta muna tayo sa mga sides nila kasi.. Wala lang. Para maintindihan niyo ng maayos . Kasi nung binasa ko, parang ang bilis nung kwento eh. O sadyang ako lang kasi ang gumawa neto? Hahaha. :))) Yun lang.
Votes and Comments ah?
---------------------------------------------------------> MICHELLE nga pala. =))
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
6: His and Her POV's
Kyle's POV.
Mahal na mahal ko si Michelle na dadating sa point na gagawin ko ang lahat mapasaakin lang siya.. ULIT..
Sophomore years. Nung nakilala ko si Michelle Perez, she's so damn pretty. Halos ata lahat ng lalaki dito eh may gusto sa kanya. New student siya nun, and ang saklap lang kasi hindi kami magkaklase, Section-2A ako , siya naman ay Section-2C. Sabi nga nung iba eh nasa kanya na daw ang lahat: Mayaman, maganda, mabait, sexy, hot. LAHAT NA. Utak lang daw talaga ang wala.
Parang ang sama naman mag judge noh? Pero totoo naman kasi eh. Kaya eto ako, gumawa ng way para mapalapit sakanya. Na Love-at-First-Sight ata ako eh?
Lumapit ako sa kanya..
<flashback>
Nasa cafeteria ngayon si Michelle, tanaw na tanaw ko siya dito mula sa room. Ang ganda shit. Teka, mapuntahan nga. Nang makaporma na. HAHAHA.
"Uhmm.. M-michelle right?" Sabi ko.
"Yeah. And you?"
"Kyle Landon Cruz, Kyle nalang." sabi ko then inabot ko ung kamay ko. Ung parang nagsshake hands.
"Michelle Perez, nice to meet you." sabi niya then she smiled.
"Hmm. Pwede ba makipag friends?" Sabi ko namang ganun.
"Ofcourse hahaha! Pero wait, diba sikat ka dito sa school? Baka naman magalit sakin mga fangirls mo kapag nakita tayong magkausap. Naku naku, ayaw ko ma-issue." Sabi naman niya sabay pout. Tapos turo dun sa mga fangirls sa may ibang side ng cafeteria na nakatingin samin ng masama.
sa kabilang side ng cafeteria..
'Ba yan! Sino nanaman ba yung kumakausap sa Kyle ko?'
'Oonga eh! Nakakainis!'
'Maganda nga wala namang utak!'
'What is beauty if the brain is empty?! Hahaha'
Although malayo sila, medyo rinig parin hanggang dito yung boses nila.
"Tss. Wag mo na aalalahanin un. Fan girls lang sila, eh ikaw gusto ko maging ka-close." Bigla naman siya nagblush.
"H-haha. O-okay." Fake laugh. Lol, alam ko naman eh.
"Hmm. So ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko, sabay turo sa may notebook na nasa harap niya.
"Ah, eto. Lesson kasi namin kanina eh. Di ko lang masyadong gets. Kaya pinag aaralan ko. Tapos yun may assignment din kami eh. Ang hirap naman kasi eh." sabi naman niya.