8: Step 3 - Make Her My Girlfriend

343 5 0
                                    

8: Step 3 - Make Her My Girlfriend

[Kyle's POV]

"Hahaha. Ang cute mo talaga! Bye tita, bye tito." Smirk. Hahaha ang cute ni Jami. Namumula to panigurado. "Bye Jami, see you tomorrow. I love you. I'm forever yours." Tapos sabay kindat pa yan. HAHAHA. 

Lumabas na ako ng bahay nila at habang naglalakad ako, naririnig ko yung tawa ni Jami. HAHAHA kahit kailan talaga, loka loka ang babang yon.

*

Pagkauwi ko, chinarge ko muna yung cellphone ko kasi nga nalowbat, pinaglaruan ata ni Jami eh. Okay, wait ano to?

Wow, picture ni Jami. Ang ganda shet. 

Eew Kyle, so gay. -____-'

[A/N: Yung picture pala na tinutukoy ni Kyle is yung picture sa previous chappy, look niyo nalang uli, kung nakalimutan niyo na kung ano yun.]

*

2 weeks na since nung pinakilala ako ni Jami sa parents niya. Di ko papala nakkwento, okay lang naman. Ang babait nung parents niya. Tapos ang cute pala ni Jami nung bata, grabe lang.

ANYWAYS.

Andito ako ngayon sa classroom, free time namin eh. Kaso bored ako. Wala kasi akong kadaldalan. 

Si Jami? Andun! Ang rami niya nang friends eh. Kaya nakikipagkwentuhan siya dun. Tawa nga ng tawa eh. Pero mas close sila ni Clarisse, bestfriends na nga ata eh. Pero ewan ko. Baka? Baka din hindi. ABA! Siya nalang tanungin niyo.

Minsan din, di na sumasabay sakin si Jami magrecess and lunch kasi gusto daw niya kasabay ang kanyang mga girl friends. Oh edi okay sakin yon noh! Mabuti nga eh. Minsan nakakasawa na rin yung siya nalang lagi kasama mo. At saka, OY! Miss ko na ang mga gago kong kaibigan. Hahaha. So gay. =_=

Nga pala, sa isang araw na yung birthday ni Jami. Wala pa akong regalo sa kanya. Di ko naman kasi alam kung anon ang pwede iregalo dun. Kasi, parang araw araw nabigay ko na yung mga gusto niya, remember? yung ponki niya, chocolates at flowers. Alangan naman ganun nalang uli yung ibigay ko sakanya.

Papunta ako ngayon sa tambayan namin, free time nga diba? May meeting kasi ung mga teachers namin, kaya ayun. Nagkalat ang students dito sa labas.

Pagpasok ko, aba! Ang mga gago tulog. AYOS. Di ko pa pala na sasabi na yung tambayan namin eh isang room. LOL, kasi yung girlfriend ni Enzo yung anak ng may-ari ng school, syempre special treatment kami. Siya pala si Ynna Laureles. 

"HOY!" sigaw ko. At ang mga itsura nila, ganto oh

O______O

Hahaha pano ba naman kasi, napabalikwas sila sa gulat. HAHAHAHA. Laughtrip tong mga gagong  to. XD

"Ano ba?!" Sigaw ni Michael.

"Hahahah!" Tawa lang ako ng tawa dun.

"Oh pare, nandito ka. Ano nangyari? Bat di mo kasama si Jamie?" Tanong naman ni Rick. Buti di mainit ulo nito. Hahaha si Michael lang talaga ang mainit ang ulo kapag ginigising eh.

At si Enzo, ayun tulog parin. Batugan talaga kahit kailan.

"Malamang namiss na tayo ng gago!" Asar naman ni Michael. ABA! Maasar nga rin.

"Oonga eh, I miss you guys." sabi ko na parang babaeng boses sabay may flying kiss pa.

"YUCK! Pre! Kilabutan ka nga!" Sigaw naman ni Rick at Michael. So kelangan talaga sabay sila at parehas ng sasabihin? HAHAHA.

Undesired Plan for Her. [Completed♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon