Okay. Epilogue na after a long long long long long time. XD Hahaha, busy kaya sa school. XD Anyways. Eto naaaa. :3
EPILOGUE ♥
[JAMI]
"Okay class. May 30 minutes extension tayo ngayon. Kinausap ko na yung adviser niyo." Sabi ni Ms. Ferri.
"What?! Ano ba yaaaan." Yan ang sabi ng mga kaklase ko. Nako kahit kelan talaga ang tamad. Parang ang sipag ko eh noh?
Okay, kung itatanong niyo kung anong nangyari sakin. Kung successful ba yung operation ko. LOL. Obviously, successful siya.. Gaya ng sabi ni Ms. Ferri kanina, extended ang klase niya. Ako naman.. Extended ang buhay ko.
Masaya, syempre naman. Kaso ang hirap. Kasi alam ko na sa sarili ko na malapit na rin tong matapos.. Ouch lang. </3
Eto pala yung nangyari after ko mag paalam kay Kyler..
<<FLASHBACK>>
Ayoko umalis. Promise. Ayaw kong iwan ko yung mahal ko.. Pero ano pa naman ba ang magagawa ko? Tadhana ang kalaban ko. Tadhana ko ito eh..
Lumingon uli ako sakanya bago lumabas ng gate.
Nakita ko siyang nakayuko..
"Mahal na mahal kita Kyler."
At dun, tuluyan na akong lumabas at pumasok sa kotse namin.
"Baby, are you alright? Nasabi mo na ba kay Ky--"
"Mom!" Sabi ko sabay yakap sakanya ng mahigpit. Di ko na kaya eh. Wala na, bumuhos na ang luha ko.
"Shh baby. Shh. Magiging okay din lahat."
"S-sana nga po Mommy.."
And then.
It all went black.
[END OF JAMI's POV]
[KYLE]
Andto ako ngayon sa hospital. Tinawagan ko si Tita eh. Ngayon na daw ung operation ni Jami. Actually tapos na siguro yun by now. Kanina pa kasi eh.
Asan na ba kasi yung room na yun! 0328 asan ka naaaa?!
Ba yan! Makapagtanong na nga.
"Nurse, san po ba dito yung room 0328?"
"Ay sir. Lagpas na po kayo. 4th floor na po to eh."
Ay tanga mo Kyle! Ba yan! Iba na talaga pag lutang. Shit oh.
Miss na miss ko na si Jami eh!
Bumaba na ako ng 3rd floor. Ayun! 0328. Bat ba di ko nakita kanina yun? Bayun bayun! >_<
Kumatok muna ako.
Bumukas na. At lumitaw ang napakagandang mommy ni Jami.
"Uy, iho. Andto ka na pala. Pasok ka."
"Good afternoon po."
"Upo ka."
"Salamat po. Kamusta na po si Jami?"
"Ayun. Okay naman na yung operation. Successful." SUCCESSFUL? Talaga. Nice. :D thank GOD.
"Buti naman po." Nakahinga akong malalim. :))