HAPPY VALENTINES!
#UNEDITED
…………………………………………………………….
FH 46:
“Let’s go,” yaya ng kuya ni Luke kay Pyne, paalis na kasi ang truck na sasamahan ni Luke para magdeliver. Pyne look at him nanghihingi ng tulong. Hindi niya talaga magawang mapalagay.
“Can you do something? May sakit pa si Luke , di mo ba nakita?” turo ni Pyne, ramdam niya talaga na pinipilit lang ni Luke ang sarili. Naaawa siya sa asawa. Hindi naman na kailangang gawin ito ni Luke, she’s a boss herself , owner ng isang sumisikat pa lalo na kumpanya. She can provide to the both of them pati sa kanilang magiging anak nila. Para sa kanya hindi na kailangang gawin ito ni Luke to win his father’s trust back.
“Sorry, like I told you, he chose this, “kibit balikat nito sa kanyang kahilingan. Mukhang mahirap kumbinsihin ang kapatid ng asawa base sa hitsura nito na walang bahid ng pag-aalala sa kanyang asawa.
“Hindi ka ba concern sa kapatid mo?” Pyne arched her eyebrows, kung si PJ ang pinarusahan ng papa niya ng ganito, syempre hihilingin niya sa ama na patawarin na ito. Why can’t Kris do the same for his younger brother.
It seems unfair.
“Di naman niya kailangang gawin ito eh, I can provide him everything-“ pinutol ni Kris ang anumang balak sabihin ng hipag. Sunod sunod ang pag-iling na ginawa niya dito.
“Don’t ever say that to him, para sa taong handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya at minsan nasaktan, wag mong sasabihin yan sa kanya…mas lalo lang siyang masasaktan at baka isipin niya na masyado kang mahirap abutin. He is doing this for you, kahit mahirap, like what I had said kinakaya niya.” Wala ng nagawa si Pyne kung hindi ang tumango kahit labag sa kanyang kalooban.
Hindi naman na kasi kailangan.
“Okay, to lift you up, medyo lumalambot na ang puso ng daddy namin. Happy ka na?” ngumiti si Kris sa kanya, kahit paano nagawa nitong pagaanin ang kanyang nararamdaman, but still.
“Let’s eat lunch, sayang naman yang hinanda mo.” Nguso nito sa kanyang dala. She exerted so much effort sa pag kain na dala.
“But it’s for Luke,” nakalabi na sagot niya dito. Tumawa ng marahan si Kris, ito pa rin talaga ang batang babae na sagad hanggang buto ang pagkagusto sa kanyang kapatid. Hindi niya maiiwasan na maalala yung mga memories na kagaya nito, kapag pumupunta si Pyne sa kanilang bahay na may dala na kahit na ano para kay Luke. He will bug her and tease her, kapag pagkain naman napapagtripan niyang hingin. He find it cute, he find her cute, pero hanggang doon lang yun. May mga linya na hindi mo dapat lampasan lalo na araw araw na binibigyan ka ng warning na bawal.
“Like the old times, ako na lang busugin mo, magkapatid naman kami, kaya parang nabusog na rin ang bituka niya.” Wala ng nagawa si Pyne ng hablutin nito mula sa kanyang kamay ang lunch box na para sana kay Luke. Hindi naman niya ito maibibigay kasi mabubuking na alam na niya ang trabaho nito. Imbes na masayang bakit hindi nya nga lang naman ipakain sa kapatid ng asawa.
“Kuya talaga, always PG!” pang-aasar niya dito, natawa na rin siya ng sinimangutan siya nito. kahit mataas na ang naabot ng kapatid ni Luke ay ganoon pa rin ang ugali nito. Mabait pa rin at medyo matakaw.
“May PG ba na ganito kaganda ang katawan?” sabay na silang naglalakad, nagdesisyon ito na bumalik sila sa kumpanya. Doon na lamang daw sila maglunch. Inirapan na lamang ito ni Pyne, sanay naman na rin to sa pakikitungo niya na ganoon, minsan kasi sobrang yabang nito.”Mahilig ako sa exercise,” pagmamalaki nito.
BINABASA MO ANG
FOOLED HEARTS (BMO side story)/completed
General Fiction(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa na syang lumantad at umamin, ano nga naman ang masabihan ng bakla kung nagpapakatotoo ka naman? pero...