FH 12:

32.1K 876 29
                                    

A/N :finals nextweek pero dami pa rin requirements, hay buhay...kulang sa tulog parang bampira..sa mga nagtatanong ng update ng story ni Ren at Ran, yayariin ko muna po ito, hindi naman to kahaba gaya ng BMO, pero depende sa free time ko, suntok sa buwan kasi kung mapahinga ako ng isang araw ganoon ako kabusy...2 YEARS na lang naman, wish me goodluck!

#UNEDITED/KONTING WARNING

FH 12:

Inaaliw ni Luke ang kanyang sarili sa pakikipagsayaw kay Jholan, unti unti niyang niyayakap ang mga pagbabago sa kanyang sarili, sa kanyang mga nararamdaman. Aminin niya man o hindi, may atraksyon siyang nararamdaman sa babaeng kaharap na hindi lingid sa kanya na hayagang nagpapakita ng motibo. Hindi mo naman kailangang maging sobrang matalino para mabasa ang mga kilos nito, wag ka lamang maging manhid at makikita mo ang mga bagay na gusto nitong ipakita.

"I'm loving this, are you?" inilapit nito ang mapulang labi sa kanyang tainga habnag kinukuha nito ang kanyang kamay para ipaikot sa beywang nito, mahihiya ang hangin na pumagitna sa kanilang dalawa. Jholan's aggressive and liberated, hindi na rin siguro masama kung magpadala siya ngayong gabi dito. Ang tanging iniintindi niya lamang ay sa isang opisinasila pumapasok. Luke's aware on what moght happen in the future. Maaring maging clingy si Jholan at pwedeng dalhin kung ano mang mangyari sa kanila nagyong gabi sa opisina. Kaya naman hidni niya maiwasang itanong sa sarili kung handa ba siya sa mga ganoon?

"Let's take this slow," balik nya dito. He saw her disapproving Luke.

"Why? Hindi mo ba ako gusto? Didn't I affect you like you you did to me?" she whispered in a sensual voice. Buong pwersa na ang ginagawa nitong pang-aakit sa kaniya, sinasamahan ng paghaplos sa kanyang dibdib.

Apektado siya oo, pero hindi kasing lakas ng sinasabi nito, kasi tuwid pa siyang mag -isip, hindi pa siya nagpapaanod sa init na dinadala ng mga kamay nito sa kanyang katawan.

Hindi na nito hinintay pa ang kanyang sagot, kinabig nito ang kanyang mukha at agad saying hinalikan. Ang halik nito ay puno ng pagnanasa at mapaghanap, ilang saglit pa tumutugon na siya sa mga halik na nito pero bago pa siay tuluyang madala sa inntesidad ng halik ng babaeng kaharap, isang sigaw ang nagpatigil sa kanya.

Sigaw ng taong kakakita niya lang ulit pero saulado niya ang boses. Pero imbes na makaramdam ng galit matinding takot ang bumalot sa kanya base sa pagkakasigaw nito sa kanyang pangalan. Madali niyang nailayo ang kanyang katawan kay Jholan upang mahanap ang babaeng yun.

"LUKEEEEEE!" muli pang sigaw nito na naging dahilan upang makita niya kung nasaan ito,pakiramdam niya tumigil ang musika sa paligid, ang mga maiingay nagsitahimik, nawala ang mga tawanan, tumigil ang paligid, binalot siya ng kaba ng paulit ulit. Inilang hakabang niay ang distansya sa pagitan nila.

"GAGO KA!" kakaibang galit ang nararamdaman ni Luke ng makita ang sitwasyon ng babaeng sumigaw sa kanyang pangalan. Dinala siya ng paa niya dito, Kung tutuusin wala siyang dapat pakiealam, pero hindi maatim ng kanyang sikmura na maabuso si Pyne ng ganito, ang makita siyang pagsamatalahan ng isang mapangahas na lalaki, isa lang ang gusto niyang gawin, saktan ang lalaking nanakit dito. Parusahan ito hanggang sa hindi na makatayo pa. Kaya naman hinala niya ito at sinuntok agad, natumba ito sa ibabaw ng mesa, hindi pa ito nakakatayo pero sinugod niya na naman at pinagsusuntok ng sunod-sunod. Hindi niya alam na ganito pala siya kalakas sumuntok, tumutulo na ang dugo sa mukha nito at wala siyang balik itigil ito, kung hindi lang may taong yumakap sa kanyang likuran, hindi pa rin siya titigil...siya na ring pagdating ng mga bouncer, medyo nahirapan ang mga ito sa dami ng mga taong nakapaligid sa kanila.

"Tama na Luke, you might kill him," garalgala ang boses ni Pyne, hindi pa rin humuhupa ang matinding galit sa kanyang dibdib. Hinarap niya si Pyne, marami siayng gustong itanong. Galit siya dito. Malinaw kasi na sinusundan siya nito dito kaya ito napahamak.Kaya lamang, sa isang iglap napawi ang galit niya ng makita ang punit nitong damit, nakakababa na ang strap ng kanang strap ng bra nito.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon