FH 17:

32.1K 721 15
                                    

#unedited

.................

FH 17:

Newton invited her for lunch, para magcatch- up na rin sa mahabang panahon na hindi nila pagkakakita. Kapwa sila masaya at hindi pa rin makapaniwala na of all places doon pa sila magkikita. Ang buhay nga naman!

“We lost contact,” iyon ang nakalabing sabi ni Pyne, tapos na silang kumain, both have their cup of tea. Noong unang buwan niya sa America ay contant pa ang communication nila ni Newton, or Ton ton, when she feels like calling him.

“I got busy sa studies and I miss you more kapag nakakausap kita,” sagot naman ni Newton dito. Pyne understand it naman, galing kasi si Newton sa pamilya ng mga doctor, both on his parents side, kaya matatalino at tutok sa pag-aaral.  Hindi rin kaila sa kaniya na medyo hindi siya gusto ng parents nito bilan g kaibigan ng kanilang anak dahil isa daw siyang bad influence. Pero hindi naman naging hadlang iyon para mapaghiwalay ang dalawa, if PJ is Luke’s bestfriend, si Newton naman ang kanyang bestfriend slash sidekick slash partner in crime. Noong bata sila, matangkad siya ng isang dangkal dito, nakasuot pa ito ng salamin at laging nakabuntot sa kanya habang bumubuntot naman siya kay Luke.

Si Newton ang kasama niya kapag nakakaisip siya ng mga kalokohan sa mga babaeng nagiging hadlang sa kanila ni Luke. Ito yung katulong niya sa paghuhukay ng bulate sa likod ng school para ilagay doon sa bag ng babaeng nakapartner ni Luke sa dance. Inggit na inggit siya noon dahil hindi siya ang napili and worst  ikiniss pa nito si Luke sa kanyang harapan, mga bata pa sila noon, gradeschool, pero hindi iyon kayang palampsin ng kanyang murang puso. Naging successful ang kanilang plano, yun nga lang sa guidance sila the following day.

Si Newton din yung ngumuya ng bubblegum na inilagay niya sa buhok ni Salve, yung babeng umagaw sa upuan na katabi ni Luke, dapat siya yun eh, pero inagawan siya nito, kaya bilang ganti, nilagyan niya ng bubblegum ang mahaba nitong buhok. Lagi kasi nitong pinapaiggit ang mahaba at straight daw nitong buhok, kaya naman sa sobrang asar niya sa kaartehan nito, buhok ang kanyang napagdiskitahan. Iyak ito ng iyak at kinabukasan naputulan ang mahaba nitong buhok, kaya naman hindi na nito muling naipagmalaki ang buhok nito. Yung kalokohan din na yun ang muling nagpadala sa kanya sa guidance at muntik ng magpaexpel sa kanya, buti na lang at nadaan sa pakiusapan ang magulang at ang eskwelahan, dahil iiyak talaga siya kapag hindi sila nagkasama sa isang school ni Luke.

  Marami pang mga kalokohan ang kinasangkutan nilang dalawa, madalas pasikreto para hindi mabuko. Noong magdesisyong magkahiwalay ang parents ni Pyne, si Newton ang kasama niya, yung karamay niya sa kanyang pagiyak, si Newton ang present.  Bata pa siya noon at wala siayng nagawa ng magdesiyon ang mommy niya na isama siay sa America,  nahiwalay siya sa kanyang daddy, kay PJ, kay Newton lalo na kay Luke, but her mother insited, sino siya para tumanggi? Kaya naman hiningi niya ang tulong nito para maging kamukha si PJ noong araw na iyon, ito ang nagsakatuparan sa kanyang plano.  Kailangan niya kasing umsiip ng paraan para pagbalik niya libre pa rin si Luke, yung idea na yun ay napanood niya , pero kailangan niyang magbakasakali at wala na rin siyang oras. Pabor kasi kay Luke ang pag-alis niya sa bansa kaya kailangan niyang gumawa ng paraan at iyon nga ang naisip niya. Sino nga ba ang mag-aakala na magiging effective yun?

Hiningi nila yung tulong ng tita ni Newton  na make up artist, clueless pa ito kung ano ang gagawin nila, sila lang naman ni Newton ang may alam ng plano na yun, at dahil nga doon sa kalokohan nila na yun napaniwala ng mahabang panahon si Luke sa isang kasinungalingan. Si Newton ang gumawa ng paraan para mapunta sa storage room si Luke, kung saan nandoon din si Pyne.

Si Newton na laging nakasuporta sa kanya, kahit gaano pa kabaliw ang naiisip niyang ideya, naghanap din siya ng pwedeng kapalit ni Newton sa America, pero wala, wala siyang nakita. Walang taong magiging sunod-sunuran at nagpapauto sa lahat ng kanyang kapritso kung hindi si Newton lang.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon