#unedited
#thelastcutisthedeepest
.................................................
FH 24:
Sinalubong si PJ ng umiiyak na si Pyne, mabilis ang hakbang nito na agad niyang niayakap. Buti na lang talaga at hindi siya umalis, alam niyang may hindi magandang mangyayari ngayong gabi…gusto niya na rin magising ang kakambal kaya naman hinayaan nya ito, nakita niya kasi si Luke na may kasamang babae paakyat, minuto lang naman ang pinapapalipas niya bago sana akyatin ito, pero hindi niya nap ala kinakailangang akyatin ito, dahil nandito na ito sa kanyang harapan.
“P, uwi na tayo” yaya nito, kaya naman sinakay niya na ito sa loob. He wanted to confron Luke pero mas importante ang kalagayan ni Pyne. Mukhang hindi rin ito handang magkwento ng kung ano…oo nga at mali ito sa ginawa, pero hindi kailanman magiging tama ang ginagawa dito ni Luke…
Ginagap nya ang kamay niti, pinisil niya iyon para maramdaman nito na hindi ito nag-iisa.
“You should give each other’s space, masyado lang kayong magsasakitan ngayon,” gustong sawayin ni PJ ang sarili, pero kung hindi niay ito sasabihin ito ngayon, kailan pa? Mas nasasaktan siya sa ginagawa nito, kung pwede lang na iuntog na lang ang ulo nito para magising, noon niya pa sana yun ginawa, pero hindi, mas matigas kasi ang ulo nito sa kanya.
……………………………………………………………………………………
“Siraulo,” wika ni Yinyin habang isusuot muli ang damit, pinapanood niya ding dinampot ni Luke ang brown envelop, nakidungaw ito sa tintignan ni Luke.
“Diba yan ang gusto mo? Bakit biyernes santo ang mukha mo?” komento nito.
“Sinong nag sabi, masaya ako,” umikot si Luke at nilagay sa cabinet ang envelop, kumuha din siya ng shirt at sinuot. Nakatitig lamang si Yin sa kilos niya,
“Don’t look at me like that,” huminga ito ng malalim at napailing…
“Wala kang karapatan manakit ng babae ng ganun, nakita mo naman siguro ang lungkot sa kanyang mata…she just love you so much,”
“Don’t lecture me about love,” naiinis na putol ni Luke sa sinasabi nito, napapalatak na lang ito sa kanya. “Tapos na ang usapan natin, you know your way out,” marahang utos ni Luke dito, naiinis siya sa sinasabi nito, binabanggit na naman ang kahibangan ni Luke na tinatawag nitong pag-ibig.
Nakakagalit.
“Someday, baka umiyak ka pa ng mas higit sa iniyak niya, at wala kang magagawa kung hindi ang manghinayang ng sobra….kung ako ang nasa posisyon niya kanina, pinagbuhol ko na kayo ng babae mo, hindi ako aalis hangga’t hindi ako makasakit…sobra yun…pasalamat ka kailangan ko talaga ng pera, kung hindi labo kitang tulungan, pasalamat ka talaga…” huminga muna ito ng malalim bago muling tumingin sa kanya,” Aalis na ako, lalo akong nakokonsenysa pag natagal pa ako lalo,paalam, salamat sa bayad at sa nakakakonesyang pakiramdam..”
Si Yinyin ay kaibigan ni Mir, nasabihan niya at nabayaran para sa eksenang ito, siya ang nag-isip nito para magantihan si Pyne, kailangan niya itong masaktan ng sobra, tingin niya sa ginawa niya dito, hindi pa sapat, dahil hinhintay nyang pakawalan siya nito.
Sabi ni Mir, nababaliw na rin siya. Nakakahawa yata ang pagkabaliw ni Pyne, kasi sa ngayon pirma niya na lang ang kulang at mapoproseso na ang annulment, pero bakit, bakit, galit pa rin ang kanyang nararamdaman?
Hindi ba dapat masaya?
…………………
Pabalik na si Pyne sa kanyang kwarto ng marinig niya ang mga nag-uusap sa Library room, hindi niya mapigilang dumungaw dito,masama ang kanyang pakiramdam pero gustong guto niyang kumain ng slice bread with peanut butter and coco jam… hindi na siya nag-abala ng maid.
“He will leave anytime now, tama na rin yung pumunta siya abroad, para maiayos ang mga nagulo, hindi natin siya mapipilit to stay and take everything dahil nagsinungaling ang kapatid mo sa kanya,” it’s their father talking to PJ, dismayado ang boses nito.
“I know dad, nag-usap na rin kami, and I thinks it’s the best for the two of them,” sagot ni PJ
“Aalis si Luke?” nabitiwan niya ang mga dala, nabasag ito sa kanyang harapan.
“Hey, Pyne ,” tawag ni PJ
“A-aalis siya and you didn’t tell me?”
“He need space-“ umpisa ni PJ pero tumalikod na siya , hindi niya na rin pinansin ang ama. Aalis si Luke! The thought of him leaving, hindi niya matanggap, siya dapat yun eh, sana’y siyang umalis, may pupuntahan siya, but Luke? He belong here, ayaw niya siyang malungkot somewhere.
Pumunta siya ng kwarto and get her car key, nilagpasan niya PJ na hinaharangan siyang umalis, naiinis siya dito, bakit hindi sinabi sa kanya?
“Hey Pyne, wag mong sabihin susundan mo siya, diba pinakawalan mo na siya? Let him leave, kailangan niya ito.” Tutol sa kanya ni PJ, nakaharang ito sa pinto ng driver seat.
“Go away.” Saway ni Pyne.
“Pyne! Can you get your sanity back!” napikon na ang kaharap at sumigaw sa kanya. Ano nga bang pinaglalaban niya, yes she let him go, but the thought of him leaving.
Hindi pa rin pala niya kaya.
“Don’t be such a fool, nakakasawa ka ng intindihin-“ pikon na sabi nito, galit na tinulak ito ni Pyne,
“Then stop minding me!” she retorted as she drove off.
At least, let me say goodbye, if he tells me to wait, I will….
Iyon ang laman ng isip niya na hindi niya masabi kay PJ, nakakatanga, nakakabaliw, mabilis siyang nagmaneho sa pag-asang maabutan ito, hindi niya nga magawang magbihis, hindi niya na rin napansin ang paparating na kotse na babangga sa kanya.
Napakabilis ng pangyayari, parang eksena lamang sa pelikula, kung saan nag-aagaw buhay ang bida.
“Pyne! pyne! hold on! Hold on! Pyne! OH! SHIT NO!” that was PJ’s voice that she wishes to be someone else, pero hindi….kahit sa huli,si Luke pa rin…now she can fall asleep, she’s to weak to open her eyes, nakikita niyang sinasalubong siya ni Luke, nakangiti ito sa kanya, habang inaabot ang kamay.
At least sa kanyang panaginip, kasama niya ito.
……………………………………
Di mapakali si PJ sa harap ng emengency room, he can’t help but to blame himself, sa mga nasabi niya, doble doble ang kanyang pagsisisi.Paulit-ulit siyang nagdadasal na sana okey na ito, ang daddy niya at asawa nito ay nasa chapel, delikado din sa kanilang daddy, hindi pa alam ng mommy nila ang aksidente, he think hindi niya kayang ibalita.
Maya-maya pa lumabas ang doctor, madali itong nilapitan ni PJ.
“Doc, how’s my sister?” kaba-kabang tanong nito.
“She’s out of danger,” natuwa siya sa balita nito, pero mukhang hindi masaya ang doctor sa sinabi,
“Is there something wrong?’ muling tanong ni PJ, bumalik ang matinding kaba.
“The patient is fine, but we lost the baby,” malungkot na wika nito,
“What?” di makapaniwalang ulit ni PJ.
“I’m sorry, but we did the best that we could, I’m sorry,” natutop ni PJ ang bibig, that explains the blood in her short.
At naniniwala siyang hindi alam ng kapatid na buntis ito.
Oh God!
……………………………………………..
BINABASA MO ANG
FOOLED HEARTS (BMO side story)/completed
General Fiction(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa na syang lumantad at umamin, ano nga naman ang masabihan ng bakla kung nagpapakatotoo ka naman? pero...