#UNEDITED
………………………………………………………………………………………………………………………
FH 37:
Imbes na sa opisina dumiretso pinalipas ni Pyne ang kanyang oras sa pag-ikot ikot sa mall, namamasyal , checking new designs from competitors, mag unwind, mamili ng kung ano, kumain at balewalain ang kanyang diet. Madali naman bigyan ng instruction ang kanyang secretary, tutal, ngayon lang naman siya tinamad sa kanyang trabaho.
Di niya tuloy maiwasang makakita ng masasayang pamilya, a woman about her age , carrying a cute child. Sa tingin niya nasa two years old yun, di niya maipigilan ang manghinayang, meron na rin sana siyang anak ngayon. Umiiyaka ng baby at hirap ang mommy nito na patahanin, napansin siya ng ina nito na nakatingin, lumapit ito sa kanyang table, dala ang baby bag nito.
“Excuse me Ms. , can I ask you a big favor?” pakiusap nito sa kanya.
“Sure,” ngumiti si Pyne sa babaeng kaharap.
“Can you hold my baby for a while, gagawan ko kasi siya ng milk,” she love the idea, pero nag-aalangan siay dahil hindi niya alam kung paano hawakan ito.
“i-I don’t know how to hold her,” pag-amin niya dito, baka kasi masaktan niya ang baby, napaka cute pa naman nito.
“It’s easy, ganito lang,” tinuruan siya ng babae hanggang sa mapunta na sa kanyang bisig ang baby na humihikbi pa rin,kakaibang kasiyahan ang naramdaman niya sa paghawak dito…hindi niay mapaigilang isipin na ito sana ang mga tagpo na nararansan niya ngayon. She wants her elf to hold and take care a baby, kung sana binigyan lamang siya ng chance, kung sana hindi nangyari ang mga bagay nay un, wala n asana siyang hihilingin pa.
“What’s wrong? Why are you crying?” nag-aalala ang boses ng babae habang nilalabas ang isang feeding bottle at milk dispenser sa loob ng bag.
“Wala masaya lang ako…ang totoo nakunan ako two years ago, I didn’t know I was pregnant, I met an accident habang hinahabol ko ang asawa ko para hindi ako iwan,” malungkot niyang sabi, hindi niya kilala ang babae pero parang napakagaang sabihin dito ang nangyari sa kanya noon. How broken she is right now. Hindi niya pa rin matanggap, hinding hindi na nawala ang bata nay un dahil sa kanyang sariling kapabayaan.
“Sana may baby na rin ako ngayon, kahit hindi ako marunong humawak at mag-alaga ng baby, I can take good care of her kung sana nagkaroon lang ako ng chance.” patuloy ni Pyne na ang mga ay nakatingin pa rin sa maamong mukha ng baby, tahimik na ito dahil busy na sa padede nito. hindi pa rin naman ito kinuha ng mommy nito, nakamasid lang ito sa babaeng kaharap na nagconfide sa kanya. Iniisip niya na ganoon din siguro ang nararamdaman niyo kung nawala ang kanyang baby…
“I almost lost him, si baby Daniel,” tukoy ng babae sa anak na nasa kamay pa rin ni Pyne,” but we prayed so hard para hindi siya mawala, siya na kasi ang , I lost my husband, the day I gave birth to him…masakit pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay para sa kanya, Daniel is a living part of my husband, , I blame God, sabi ko noon, bakit ang aga mo namang pinutol ang happiness ko? I cried so hard…napabayaan ko ang baby dahil sa pagluluksa ko, gusto ko na ring sumunod sa kanya, but then he visited me, in my dream, and he was lonely…hindi dahil sa iniwan niya kami kung hindi dahil pinapabayaan ko ang bata na galing din sa kanya, that was my cue…bakit ako malulungkot, meron naman akong Daniel, I can always see my hisband in our baby, masa minamahal ko siya,” dama ni Pyne ang lungkot ng babaeng kaharap pero nandoon pa rin ang nag-uumapawa na pag-asa at pag-ibig.
“Gaya ng sabi ng husband ko sa panaginip ko…God has other plans, hindi man klaro ngayon, hindi mo man maramdaman ngayon, surely he has plans, patas siya magmahal, pantay pantay, hindi mo panahon ngayon, pero baka bukas ikaw naman,” hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil iyon…”Don’t lose hope, don’t let your anger eat you, pakinggan mo yung puso mo, nararamdaman ko na malalim ang galit mo sa asawa mo pero parehas nyong hindi gusto ang nangyari…stop blaming yourself, kung alam mo yun, hindi mo yun gagawin, the last thing that you will do is to hurt the baby in your womb…hindi nga lang siguro yun ang tamang oras.”
BINABASA MO ANG
FOOLED HEARTS (BMO side story)/completed
General Fiction(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa na syang lumantad at umamin, ano nga naman ang masabihan ng bakla kung nagpapakatotoo ka naman? pero...