FH 40:

37.8K 965 72
                                    

HAPPY NEW YEAR!

HAPPY 2015!

Maraming nangayari ngayong taon, our family had a big lost, pero ganoon talaga move on move on! 

salamat sa lahat ng suporta niyo BMO  days at here sa FH...konting chapters nalang.

2015 will be the year of Romuladez kids!

TPS: THE PRINCESS STLAKER

TLL: THE LAW OF LOVE

IWMSB: I WANT MY STALKER BACK

MARAMING SALAMAT! GOD BLESS US ALL!

#UNEDITED

…………………………………………………………………………………………………….

FH 40:

Masama ang tingin na pinukol ni Pyne kay Luke, gusto man niyang humingi ng paumanhin kay Newton ay hindi niya magawa, nahihiya na nga siya sa inasal ni Luke sa harapan ng doctora, nakakahiya din kung bigla siyang aalis sa appointment na ito. Isa pang dahilan gusto niya ring makumpirma kung totoo nga na buntis siya, hindi yung akala niya lang.

“shall we start then,” sabi ng doctora, nginitian niya ito samantalang si Luke ay tumabi na sa kanya, bahagya siyang lumayo dahil naiirita siya dito. Hindi na nakaligtas kay Pyne ang tingin na binibigay ng doctora maging ng assistant nito na nasa room din nay un. Tingin siguro ng mga ito, isa siyang kaladkarin na babae, kasalanan ni Luke, ipinakilala nito ang sarili na asawa niya at si Newton bilang kanyang boyfriend.

Nakakahiya!

Matapos ang mga test na ginawa, masayang ibinalita ng doctor na 5 weeks na siyang buntis, masayang masaya si Luke sa balita na biglang niyakap si Pyne ay nakipagkamay pa sa doctora, ito ang maraming tanong sa doctor kung ano ang mga dapat niyang kainin, mga vitamins na dapat bilhin , pati gatas na pambuntis.  Hindi niya  tuloy mapigil na maisip kung ganito rin ba kaya si Luke ka excited noon kung sakaling nalaman nito na buntis siya.

“Hey, bakit ka umiiyak?” ang kamay ni Luke ay humahagod na sa kanyang mukha, pinapawi ang kanyang luha, napatingin siya sa mga mata na puno ng pag-aalala, bagay na hindi niya nakita noon.

Umiling siya dahil hindi niya kayang sabihin kung gaano siya nasasaktan kapag naalala niya ang kanyang kapabayaan…dir in niay kayang sabihin ang takot na bumabalot sa kanyang puso, paano kung maniwala siya kay Luke? Paano kung muli siyang mabaliw sa pag-ibig niya para dito? Paano kung maging kapalit muli noon ang bata sa kanyang sinapupunan?

He is bad for me.

 

“Mr. , normal lang po sa mga pregnant woman ang maging emotional, kaya sana po intindihin nyo na lang si Mrs.” sabi ng doctor, hinawakan ni Luke ang kanyang mga kamay at tumango, bago ito nagpaalam, inalam muna nito ang kanilamng next appointment.

“Ayusin ko na ang schedule ko para sa next appointment natin si OB mo,” masayang sabi nito, hawaka pa rin nito ang kanyang kamay na kanina pa niya kinukuha. Hindi naman nito iyon  bibitawan, papunta sila sa Drugstore para bilhin ang nasa reseta, pati na rind aw gatas na pambuntis.

“Anong gusto mong flavor ng milk mo? May Vanilla, honey at saka chocolate daw,” tanong ni Luke sa kanya, habanng kausap ang isang pharmacy assistant.

“ikaw na ang bahala,”  walang ganang sagot niya dito. Nakakapanibago,

Mukha itong disappointed sa kanyang sagot, mukha lang kasing ito ang excited, iniiwas niya ang tingin sa mapag hanap na mata nito, binigyang pansin niya ang mga naka display, binabasa yun na parang importante yun sa kanya.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon