UNEDITED (sana walang magreklamo sa wrong spelling o grammar, wala kong time)
#hirapng3rdatmayhinahabol
………………………..
FH 11:
“I know what you did last night,” napapitlag si Luke ng bumulong si Mir sa kanyang kanang tainga, ginaya kasi nito yung linya ng isang sikat na horror show noon. Tinulak niya ito dahil mapanukso pa itong lumalapit sa kanya. Kulang na lang idikit nito nag labi sa kanyang tainga.
“Lumayo ka nga please!” asik niya dito, tumayo ito ng tuwid at humalukipkip sa kanyang reaksyon.
“Ganyan ang ginaganti mo, matapos akong magsinungaling kung bakit wala ka pa sa table mo? Hinanap ka kaya ng boss natin, umikot kanina, natuto ka ng maging late sa pagpasok palagi ah,” sinamahan na naman nito ng nakakalokong ngisi.”Balik ka na lang kasi sa negosyo ng pamilya niyo ng hindi ka nakikisiksik dito, at least doon pwedeng pwede ka pang mag-absent o ma-late kung gusto mo…tapos sama mo na rin ako, balita ko marami daw gwapo doon eh, malay natin nandoon yung destiny ko,” tudyo nito na nagnining ning pa ang mga mata sa kababalaghang naglalaro na naman sa isipan nito.
Ilang beses nya na bang narinig ito dito, kulang na lang itulak siya sa kumpanya ng kanyang papa…hindi pa rin nagbabago ang desisyon niya…hindi pa rin siya papasailalim sa kapangyarihan ng kanyang ama…siguro darating ang panahon, susuko siya at pagbibigyan ito,pero hindi pa sa ngayon. Gusto niya pa ang buhay na kinagagalawan niya ngayon, yung malayo sa mga galamay nito.
“Salamat, pero pwede tama na, kung gusto mo pala doon bakit hindi ka mag-apply doon?”
“Geez! Ang manhid mo! Kailangan ko nga ng backer allright, kaya nga kita hinihikayat , doon na lang tayo!” kung magsalita ito parang walang nakakarinig, good thing malapit sa kanila yung mga tao na nasa palgid ng kanyang cubicle, kaya yung mga usapang paglipat gaya nito ay hindi big deal. Pero nakakahiya pa rin para sa part ni Luke, kung pwede nga lamang i-zip ang bibig ng kaibigan, matagal niya ng ginawa. Kahit pa puhunan nito ang kadaldalan nito.
“Ewan ko sayo, balik ka na nga sa table mo di ako makapagtrabaho dahil sayo,” taboy nya dito pero hindi pa rin natitinag..
“May utang ka sa aking kwento ano ka ba? Ano masarap bas a pangalawang pagkakataon? Puma flagpole na ba talaga?” makahulugang wika nito , surely nakakapikon ang lumalabas sa bibig nito, buti na lang at ,edyo sanay na rin siya.
“Your mouth Mir,”
“My mouth? You want to try my sweet juicy mouth na full of juiciness just like Anne Curtis?”
“hibang ka na,” di pa rin inaalis ni Mir ang makahulugan na tingin sa kanya, bumuntunghininga si Luke,” walang nangyari sa amin okay? At walang mangyayari in the future!”
“Tsk!Tsk! ikaw ang tunay na hibang, I gave you chance to be alone with her, tapos wala? As in walang kilig sa bawat ginagawa niya? Kasi alam mo, ako kinikilig eh… kung nakilala ko siya ng mas maaga, malamang hindi ako Eba ngayon, tapos ikaw, binabalewala mo lang? kahit na alam mo sa sarili mo na kung ano talaga ang gusto mo.”
“What do you mean?” hindi magawang maintindihan ni Luke ang sinasabi nito.
“Jusko ang boba ng mapagpanggap na bakla na ito,” sabi nito habang sapo ang ulo at naupo na sa kanyang tapat…
“Isipin mo nga, bakit hindi ka attracted sa ibang lalake, kay PJ lang samantalang maraming masusutansya na naglipana sa paligid? Kasi nga ang totoo, hinahanap mo yung pakiramdam noong hinalikan ka ni Pyne dati … yun ang hanap mo na buong akala mo si PJ, pero ang totoo kay Pyne ka attracted… hindi sa lalake sa kanya!period with exclamation point!”
![](https://img.wattpad.com/cover/7852698-288-k429491.jpg)
BINABASA MO ANG
FOOLED HEARTS (BMO side story)/completed
General Fiction(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa na syang lumantad at umamin, ano nga naman ang masabihan ng bakla kung nagpapakatotoo ka naman? pero...