FH 23:

30.7K 773 57
                                    

# UNEDITED


………………………………………………………………………

 

FH 23:

Pyne stare at the ceiling blankly, hindi ito yung plain white na kwarto that she used to live, instead kulay light pink iyon, pati ang kurtina. Mabigat ang kanyang pusong pinagsasawang titigan ito, hindi niya rin narinig ang marahang pagpihit ng pinto at pagtayo ng kakambal sa kanyang harapan.

 

“hindi ka daw kumain kagabi,” umpisa nito sa malungkot na tinig.

“Wala akong gana,” sagot niya dito, hoping that he will leave after that, because she wanted to be alone, hindi niya alam kung para makapag-isip, para hindi kaawaan…o gusto niya lang sarilinin ang sakit. She knows kung ano man ang sabihin nito, tama naman ito, siya ang pumali ng daan para masaktan siya ng ganito. Pakiramdam niya ayaw niya ng huminga, yung pakiramdam na pinipiga ang puso mo kahit wala ng katas ng dugo. Sa tuwing naalala niya ang mukha nito ng malaman na hindi siya buntis, na muli na naman niya itong ikinulong sa isang kasinungalingan…kung iba yun, baka nakatikim pa siya ng pisikal na sakit…pero ano nga ba ang mas masakit at dapat indahin? Yung sugat na may pag-asang humilom kapag nagamot ng ointment? O yung puso niya na hanggang ngayon humihiling pa rin  na may pag-asa…alam niya kung mabobroadcast lang ang kaniyang kahibangan sa pag-ibig niya kay Luke, malamang paulit-ulit siyang pakakainin ng hindi magandang salita, tamang higit pa siya sa tanga, mas malala pa sa martir…pero gusto niyang lumaban hanggang sa huli, ayaw niyang matulad  sa kanyang pinagmulan… oo nga at masaya na ang kanyang mga magulang sa buhay na pinili ng mga ito ngayon, pero ang trauma nila ni PJ noong bata…walang makakapagpapaliwanag…

“Hey, you look so thin, kamukha mo na si Judy Abott,“ tukso ni PJ, matapos maupo sa kanyang tabi, pinagsiksikan nito ang sarili, hindi siya kumibo hanggang sa dumapo ang kamay nito sa kanyang buhok, hinahaplos nito ang kanyang ulo. Buti at hindi nito kailanman tinanong kung okay lang siya, because she will never be..may dalawang linggo na rin ng sunduin siya nito sa bahay ni Luke matapos niyang sabihin na alam na ni Luke na hindi siya buntis. PJ knew it from the start, at kahit labag dito, sinuportahan siya nito, that’s how he loves her, but at the back of her mind, naiisip niya na sana pinigilan siya nito ng matindi, sana kinulong siya nito bago niya pa nagawa yun… pero nasa likod nga lang naman yun ng utak niya, kasi kung ano yung matagal niya ng inaasam, yun ang kanyang sinunod, pwede naman siya rin mismo ang pumigil sa kanyang sarili,pero hindi niya ginawa, but instead she gamble what’s left on her, yun nga lang sa huli, wala pa rin…hindi naman pala talaga sugal  ang pag-isip, something she failed to learned.

 Almost everyday, pumupunta siya sa condo ni Luke, nag-iba na ito ng passcode, pinadala na rin nito ang gamit niya sa kanyang bahay. Nawala ang tiwala sa kanya ng kanyang ama at ng parents ni Luke ng malaman na nagsinungaling lang siya. She saw how disappointed they are. Sabik rin sana sa magiging apo, kaya naman hindi siya nakahingi ng suporta sa mga ito. Galit ang lahat sa kanya, si PJ lang , saka si Newton ang umiintindi sa kanya, pero hindi niya masabi sa kaibigan ang totoo, pero alam niyang nakakahalata na ito, umiiwas siya na makipag Skype dito, ayaw niyang makita ang araw-araw niyang mugtong mata. Inaabangan niya ito, almost midnight na ito umuuwi at lasing, hindi rin siya hinaharap sa opisina…she wanted to talk to him, kahit konti lang ng oras nito, pero ayaw pa rin siyang bigyan ng chance.

“PJ, I want to see him, dalhin mo ako sa kanya,” pakiusap niya sa kambal na bahagya niayng nilingo, she saw the hesitant in his face, magkamukha sila ng mata, lalo na ngayon, parehas nababalot ng lungkot, wala ng ginawa si PJ kung hindi ang umalalay sa kanya, wala siyang gustong gawin kung hindi makausap si Luke at muling mag-sorry, kahit ilang milyong beses pa.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon