FH 47:

36.2K 996 49
                                    

HAPPY VALENTINES DAY ULIT!

#STILLUNEDITED, wag nyong kakalimutan na tamad/walang time mag edit o back read...busy po masyado eh...

FH 47:

“kung bakit naman kasi ang tanga at pinuntahan pa yung bata.” Wala sa sarili na nasabi Pilo sa gitna ng kaba, magkakatai silang tatlo, siniko naman ito ni Damian habang nginguso ang ina ng bata na sinagip ni Luke. Gasgas lang ang nangyari sa bata, nagamot na rin ito. Tulog ito sa bisig ng ina, may bandage sa ulo , sa braso at sa tuhod. Humihikbi pa rin ito, nawala kasi sa paningin nito ang anak, tumakbo ito sa kalsada para kuhanin ang bola na gumulong. Paglingon niya ay nakita niya na gumugulong ang isang lalake habang yakap ang kanyang anak.

May buhay na nasa bingit ngayon ng dahil sa kanyang kapabayaan. Malaking utang na loob niya sa pagsagip nito sa kanyang anak, kaya naman patuloy ang kanyang panalangin na sana maligtas ito.

Napatayo ang tatlo ng makita tumatakbo ang kanilang boss, ang mga assistant nito at isang magandang babae.

“Sir” sabay sabay nilang bati sa mga ito, sa kabila ng pagtataka, bakit sinadya pa ng boss nila ang isang kasamahan.

“Nasaan ang kapatid ko!” matigas na tanong ni Kris na nagpagulat sa tatlo, higit pa sa panlalamig ang kanilang naramdaman. Lumabas ang doctor at ito ang binalingan ni Kris.

“Kumusta po ang asawa ko?” si Pyne na ang unang nagtanong. Malungkot na sumagot ang doctor.

“To tell you frankly, he Is in a very critical condition, we need more prayers Misis, nothing is impossible with him.”

“No,” sapo ni Pyne ang kanyang bibig, patuloy sa pag-iyak. She wanted to see Luke, pakiramdam niya guguho ang mundo niya kapag hindi pa niya ito na kita. Gusto niyang malaman  kung ano ang detalye ng nangyari.

Inalalayan siya ni Kris na mapaupo habang inaalo, nasa emergency room pa si Luke at inooperahan, bumalik doon ang doctor. Iyak lamang siya ng iyak habang paulit-ulit na nagdadasal.

“Kuya, bakit ganito? Kaka okey lang namin? Bakit ganito? I can’t lose him, nangako siya sa akin eh, babawi siya?” niyakap siya ni Kris.

“He will make it, nangako siya diba? Trust him.”

Yung tatlong kasama ni Luke sinalaysay ang nangyari, namumutla ang mga ito ng malaman na anak ng may-ari si Luke. Yung kasamahan na inaapi nila ay amo pala nila.

“Wala na mawawalan na tayo ng trabaho,” bulong ni Damian sa dalawa. Sa nagawa nila, imposible na hindi sila sisantehin. Kung tinulungan nila si Luke , mas napadali ang pag-aalis nila  sa lugar. Hindi sana aabot sa ganito.

Umiiyak si Pyne sa bisig ni Kris ng lumapit ang isang babae na may hawak na bata. Umiiyak ito habang humihingi ng patawad.

“Patawarin nyo po ako mam, ako po ang may kasalanan, dahil sa kapabayaan ko…naaksidente ang inyong asawa, patawad po, sinagip po niya ang anak ko, bayani po siya, habang buhay ko po itong tatanawin sampu ng aking pamilya. Nagising ang bata sa pag-iyak ng kanyang ina, animo naka intindi, sa tantiya ni Pyne tatlong hanggang apat na taon ito. Nakisimpatiya ito sa inang umiiyak, umiiyak din ito.

Napahawak si Pyne sa kanyang impis na tiyan…

Humihingi siya ng lakas sa kanyang anak, sana hindi sila iwan ni Luke, sana habang nakikipaglaban ito, isipin silang dalawa.

Dumating ang kanilang pamilya, pati si Newton na sinamahan siya sa chapel.

“hindi pa pala happy ending, may ganito pa pala,” tumawa siya ng mapakla habang pinupunas ang luha na hindi halos maubos. Buti at napilit siya nitong kumain  dinner, wala siyang gana, pero ng banggitin nito ang bata sa kanyang tiyan na magugutom ay pinilit niyang kumain. Binatayan siya ni Newton, paulit-ulit nitong pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng kaibigan na gaya nito.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon