FH 27:

35.1K 877 50
                                    

stressful week, partida hindi pa kumpleto ang mga instructor niyan, pasensya kung ito lang,

………………….

#unedited

 

FH 27:

 

 

From the airport, Luke took a cab and went straight to his condo. Hindi rin naman kasi alam ng kaniyang pamilya ang kanyang pag-uwi, isa rin dahilan, hindi pa siya handang magpakita sa kaniyang pamilya, matapos ang hindi niya pagpaparamdam sa mga ito sa nakalipas na dalawang taon. It feels so empty, pagbukas nita palang, wala na yung energetic na bati ng kanyang asawa after a tiring day from work. Inilapag niya ang mga gamit sa sala, malinis ang paligid, well maintained, sa kanyang naiisip, pumunta siya bigla sa kanilang kwarto, humnga muna siya ng malalim, bago binuksan ang closet na lagayan ng damit ni Pyne.

Pero sa kanyang pagbukas, wala yung laman.

Walang laman kahit isa. Lumingon siya sa paligid, wala na yung wedding picture nila na nakasabit sa tapat ng kama, wala na yung mga gamit nito sa vanity table, wala na ang mga gamit nito doon.

Hindi nga ba’t masyado ng napakalaki ng kanyang ulo para isipin na ito ang pumupunta para maglinis ng bahay?

Hindi ba’t kahangalan ang isipin na magpahanggang ngayon hinihintay pa rin siya nito?

Napahiga siya sa kama, habang inaalala ang sinabi ng babae kanina sa airport. Tumagos ang mga sinabi nito. Ganoon nga talaga siya kasama,ang huling ginawa niya dito, ay pag-apak na rin sa pagkatao nito…hindi niya alam…nilukuban na siya ng galit, patong patong, hanggang sap unto na hindi na siya tama mag-isip, ang naging mahalaga lamang noong panahon na iyon ay makaganti siya sa mga panloloko ni Pyne. Doon umiikot ang kanyang mundo, akala niya, magiging masaya siya kapag nakaganti kay Pyne, akala niya magiging masaya siya kapag may isa sa kanila ang lumayo…

Pero ilan na nga ba ang namamatay sa maling akala? Ilang sandali na lang at posible na magiging kaisa siya doon…

Napakalungkot, at siya mismo ang gumawa ng kaniyang kalungkot…

……………………………………………………………………………………………..

“Nabuhay ka!”  bati sa kanya ni Mir matapos siyang bigyan ng yakap nito, namiss niya rin ang kaibigan…halata ang pagkamiss nito sa kanya sa higpit ng yakap nito.

“Buhay pa nga ako, pero mamaya baka mamatay na ako sa higpit ng yakap mo,” reklamo ni Luke dahil matagal bago siya nito pakawalan…

“Sorry naman,” bumitiw ito at naupo sa kanyang tapat, “Ninanamnam lang kita, akala ko kasi aparisyon ka lang eh,” sinenyasan na nito ang waiter para maibibigay ang menu.

“Anong palagay mo sa akin?” nagkibit balikat lamang ito sa tanong ni Luke…”Kumusta pala?”

Matapos nitong sabihin ang order sa waiter na todo nitong nginitian, saka nito hinarap ang pang-uusisa ni Luke.

 “Heto ma-beauty pa rin, lumpit ako sa Romualdez Corp., mas maganda ang sahod, mas maraming gwapo!” excited na sabi nito, halata nga ang kasiyahan dahil sa kumikislap nitong mga mata.

“Good for you then, ano doon ka na naglalabas ng itim mong kaluluwa? May nabiktima ka nab a doon? “ pinagtaasan niya ito ng kilay, pati ang kalandian nito ay namimiss niya.

“Swerte nga at maraming gwaping na matatalino, kaya lang marami ding mga babaeng-“

“Magaganda, sexy at matatalino,” siya na ang nagpatuloy sa sasabihin nito, halata kasi na bigat na bigat ito sa katotohanan na wala itong panama sa mga babae.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon