FH 8:

34.9K 910 47
                                    

UNEDITED

FH 8:

 

Muli pang sumulyap si Luke sa Male restroom kung saan naiwan pa ring tulala si Jholan…hindi niya dapat ginawa yun, pero hindi niya napigilan. In the first place ito naman ang unang lumapit at umubos sa kanyang natitirang pasensiya.

“Anong ngingiti mo?” usisa ni Mir na nakadukwang na  pala sa kanyang table.

“Bakit bawal nab a akong ngumiti?”  Tinaasan niya ito ng kilay , bagay na nakawilihan niya ng gawin…pero nakikipagkumpitensya talaga sa kanya ng pataasan ng kilay ang bading na kaibigan.

“Wala sanang problema,ang kaso kanina ka pa mukhang tangang nakangiti, kinikilabutan ako!” umakto pa ito na kinukuskos ang mga braso na para bang tinataasan ng mga balahibo ng buong katawan…”at ito pa ang isa,” lumapit pa ito sa kanyang tainga para bumulong,” yung bruhang maharot na ang pangalan ay Jholan kanina pa nakatingin sayo, hindi mo ba napapansin, para kang hinhubaran sa mga tingin nya, nandidiri ako!” nanggigigil pang sabi nito, bahagyang nilayo ni Luke ang bibig nito dahil tumitinis na ang boses at baka maisipan pang sumigaw, kawawa ang kanyang tainga.

Sinalyapan niya ang table ni Jholan, ilang cubicle yun mula sa kanya, ang Mir was right, nakatingin nga ito sa kanya habang nakakagat sa labi nito. She must be remembering their kiss! Nagtama ang kanilang mga mata, may tinuro ito sa wall, sinundan niya yun, tinuturo nito ang oras, malapit na mag 5pm…yun ang gusto nitong iparating and she wanted to meet him after that.

Napailing na lang siya dito, nagulat naman siya ng hinawakan siya ni Mir sa kanyang baba at iniharap dito. Iritado ang itsura nito.

“Na-deverginize ka lang ng isang babae, natuto ka ng makipaglandian?” pabulong na hirit nito sa kanya.

Sa unang pagkakataon…marahil siguro noon nangyari na ito, pero madalas siayng mairita noon kapag natutukso sa babae, pero mahusay niyang naitatago ang kaniyang iritasyon, pero ngayon pakiramdam niya parang ang normal ng lahat. Ganito pala ang pakiramdam!

 

“Ano malandi ka na sa babae ngayon? May nangyari na ba sa inyo?” hindi pa ito nakuntento sa pang-uusisa nito at inamoy pa siya na parang watched dog.

“Tumigil ka nga Mir!” tinulak niya ito kaya napatayo, nakatingin na kasi sa kanila ang mga kaopisina…kung si Mir lantad na bading…siya naman yung nakatago pa kuno at nahihiya pang tanungin…pero kahit ganoon hindi siya hinuhusgahan ng mga ito… si Jholan lang talaga na ang totoo pala ay mayroong pagnanasa sa kanya.

“Guilty ang lola,” tudyo pa nito,”Ay lolo nap ala, nakatikim ng flower eh,” sabi pa  nito na tatawa tawa…gusto niyang lumubog sa hiya sa mga lumalabas sa bibig nito. Hindi naman kahapon lang ipinanganak ang mga kasamahan niya sa trabaho para hindi maisip ang hidden meaning doon.

“Bumalik ka na nga sa table mo,porke’t wala  yung boss natin, pagala gala ka!” kekembot kembot pa itong lumakad palayo. Napailing na lang siya at natatawa sa inis. Paano na nga lang ang buhay niya kung hindi niya nakilala si Mir?

…………………………

“Dalhin mo naman ako doon sa lugar kung saan ka namulat sa katotohanan? Baka malay mo may pag-asa pa pala ako,” magkasabay sila ni Mir sa elevator, buti at apat lamang sila doon, hindi kasi sila sumabay sa mga nag-uunahan na umuwi kanina. Wala pa kasing 5pm, malinis na ang table na mga katrabaho nila…atat ng mag-siuwi, yung mga may asawa na sa kanilang pamilya, yung wala naman, nagtatalo kung saan pwedeng gumimik.

“Pwede ba ang ingay mo, di ka ba nagsasawa nakakahiya ka na,” tinakpan niya ang bibig ni Mir hanggang sa bumukas ang elevator.

“Aray!” nabitawan niya ito dahil sa kinagat nito ang kanyang daliri.

“Why did you!”

“Why did you, why did you ka dyan? Napapa English? Wag ka ng mawili I hug ako kasi feeling ko, hotdog ka na ulit…bahala ka baka pagnasaan na kita diyan?” ngumisi pa ito ng nakakaloko.

“Siraulo!”

“Hahahaha!, nagblush ka tol!”  Nakisabay na rin siya sa pagtawa dito, hindi naman siya natatakot… hindi mahuhulog ang puso ni Mir sa kanay… at kung mangyari man na mahulog ang puso nito sa kanya, aapak apakan niya yun bago ipapakain sa mga buwaya. Nakakadiri kaya. Hindi sila talo, hindi kailanman at hindi magiging ngayon.

“OH MI GO-DESSS!” tumigil sa pagtawa ang bakla sa tabi niya. Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa harap. Nagtatakang tumingin siya sa tinitignan nito. Ganoon nalang ang inis na maramdaman niya ng makita ang babaeng naglalakad palapit sa kanila.

“Hi Luke, uwian nyo na right? Let’s date!” ngiting ngiti ito sa kanilang dalawa, nakasuot ito ng pink na fitted dress, napakaikli na tipong yumuko lang makikitaan na ito, na bun ang buhok nito showing her long neck.  Yung mga dumaraan hindi mapigilang mapatingin. At wala itong kaalam alam na pinagnasasaan na ito ng mga kalalakihan sa building na yon.

Nakakainis na babae!

Tinignan ito ni Luke ng masama. He dislike that she is right in front of him. Hindi talaga malinaw dito ang mga  sinabi niya, samantalang nito lamang iyon. Napakakulit talaga ng lahi nito.

“what are you doing here?” matabang na sabi niya dito, hindi naman napawi ang ngiti sa labi ni Pyne,”umalis ka na, ayaw kitang makita diba? O mabuti pa bumalik ka kung saan ka nanggaling!” mahina pero may diin na wika ni Luke dito.

Nakanganga lang si Mir sa kanilang gilid habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

“Kaya nga bumalik ako diba? Because I belong to your heart, diyan kaya ako galing,” Pyne even pointed at Luke’s heart. Luke was fast to remove her hand from his chest.

Malambot ang kamay niya, yet he dislike her touch.

Napawi ang ngiti sa labi ni Pyne, hinawakan nito ang kamay na itinaboy, pero ngumiting muli kay Luke. Ngiting pilit pero puno ng pag-asa.

“PWEDE-“bago pa muli magsalita ng hindi maganda si Luke, pumagitna na si Mir, kinuha nito ang kamay ni Pyne at paulit ulit na shinake…               

“Nice meeting you! ” bumaling ang atensyon nito sa exasgerated na si Mir an ang lawak lawak ng ngiti.

“ay sorry, you must be my Luke’s friend, sorry for not introducing, my name is Pyne and you are?”

“Miranda!” sigaw pa nito.

“Miranda?” amuse na ulit nito, ngayon turn naman ni Luke na magpalipat lipat ng tingin. He can’t be serious on what he said.

“Joke, Mir na lang…masyadong maganda ang Miranda.”

“okay Mir then,” muli itong tumingin kay Luke. Si Luke naman tinignan si Mir ng makahulugan, na wag siyang magkakamali ng sasabihin.

“May lakad kasi kami ni Luke,” sabi niya kaya naman lumungkot ang itsura ng magandang babae.

“Yes, may lakad kami!”

“Ganoon ba saying…”

“But you want you can go with us,” yakag ni Mir dito,

“Really, that’s awesome!” kung anong excited ng mukha ni Pyne , siya namang ikinalugi ng mukha ni Luke.

“Come on, tara na dala ko kotse ko,” tumalikod na ito at masayang naglakad. Pinagtitinginan pa rin. Nakakaasar.

 

“Anong ginawa mo? Alam mo namang iniiwasan ko yun diba? Bakit niyaya mo pa?!” inis na sabi ni Luke. Pero ngumiti lang ang bakla.

“Yun ba yung obsess sayo? Paka lalaki ka na talaga, sobrang ganda at sexy eh, jackpot ka doon!” sinabayan pa nito ng tawa bago sundan si Pyne. Tawa ito ng tawa ngayong araw. Sobrang nakakainis na!

 

“Jackpot may ass! She’s crazy!”

“So ayaw mo?” huminto ito at lumingon sa kanya, nakataas ang kilay.

“Hindi lang ayaw! Ayaw na ayaw na ayaw!”

“Okay so pwedeng akin na lang? Malay mo may pag-asa pa pala ako?” nakakalokong wika nito.

Napanganga siya sa sinabi nito. He can’t be serious!

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon