Maraming salamat dahil hanggang sa huli na suportan niyo sina Pyne at Luke…oras na para isara para may magbukas naman na iba.
Thank you so much…hanggang sa mga susunod na story.
Malawak ang timeframe nito kaya wag malito okay?
#UNEDITED
EPILOGUE:
“Mommy boses coakroach po ba ako?” malungkot na bati sa kaniya ng kanyang anak, nasa grade one na ito at napakabibo na bata. Laging masayahin at madalas maraming kwento, pero iba ngayong araw na ito. Parang galing ito sa pag-iyak.
“Bakit mo naman nasabi baby?” tanong niya dito, inilapag niya na sa crib si baby Phytus, ang bunsong anak nila ni Luke. Nakakakilig lamang na nabuo si baby Phythus noong nag tour de mansion sila sa kanilang bagong bahay. Alam nyo na kung ano yun.
“Kasi po, sabi ni Ron ang pangit ko daw kumanta, para daw coakroach, “nakalabi na sabi nito habang kinukwento kung paano na naman sinungitan ng paboritong kalaro. Nasa Japan kasi si Aki ang anak ni Newton kaya sa mga Romualdez lang madalas si Phin dahil paborito naman nito si Ran at lalo na si Ron na kaklase din nito, yun nga lang may attitude ang batang iyon na laging inaayawan ang kanyang anak.
“What did you sing to him ba?” tanong niya dito, hindi naman kasi niya magawang magalit sa batang iyon, sadyang ganoon lang talaga ang ugali nito kahit sa ibang tao. Sa totoo lang mas malala pa nga ito sa kanyang Luke noon, si Luke namamansin, si Ron, totally hindi talaga, laging nagbabasa, parang may sariling mundo. Kaya nga rin, may parte na gusto niya na maging ka close ito ng kanyang anak, para naman hanggang bata ma enjoy nito ang buhay at di mayadong magseryoso.
Saka may isa pa siyang dahilan na magagalit si Luke kapag sinabi niya. Nakikita niya kasing kahit mga bata pa bagay na bagay ang dalawa pag lumaki. Sana nga lang magbago ang ugali ni Ron, pero wala namang imposible diba ? halimbawa sila nalang ni Luke.
“What did you sing to him ba?”
“Yung baby baby po ni Justine Bieber, sabi niya ang ugly daw, nagtawa mga classmates naming, tapos umalis siya agad kasama yung yaya niya.” Himutok ng kanyang anak.
“Ahm, siguro wala lang siya sa mood, may nangyari ba kaya siya nawala ng mood?” tanong niya dito.
Napaisip ang kanyang anak.
“he got one mistake sa quiz, mas may highest sa kanya, kaya kumanta ako sa kanya para matuwa siya kaya lang lalo siya nagalit….” Natuwa naman siya dahil yun pala ang dahilan, napakabait pala ng kanyang anak.
“I don’t want to sing anymore mommy, Ron hate me when I sing,” himutok ng kanyang anak. Sayang naman, maganda kasi ang boses ng kanyang anak, pero eventually, magbabago rin ang isip nito.
“Let’s just eat icecream, gusto mo?” yaya niya dito, ngumuso ang anak, pero halata naman na gusto ang icecream.
“Diba bawal po sabi ni daddy,”
“ Not if you won’t tell him.” Humagikgik ang dalawa habang magkahawak kamay na nagpunta sa kusina. Focus muna sa pamilya si Pyne, since ang bata pa ni Phytus, inaaupdate lang siya lagi ng kanyang assistant. Hindi niya kailangan lagi nasa opisina.
Lingid sa kaaalaman ng dalawa , kanina pa nakikinig ang nagtatago na si Luke, minsan natutulala na lang siya habang lihim na nakamasid sa kanyang mag-iina. Hindi niya alam na possible palang maging ganito kasaya. Yung babae na binalewala niya lang dati, yun pala yung pupuno sa kanyang pagkatao. Ipinanganak si Phineas , nangako siyang mas mamahalin ito, nakita niya kung paano nito ibinuhos ang lahat lumabas lang sa mundo si Phin, matapos ang ilang taon, dumating si Phytos Llonel …ang kanilang unico hijo, kamukhang kamukha niya ito noong bata. Meron na silang babae at lalake , okey lang naman na humirit pa ng isa, gusto niya din kasi ng maraming anak para mas masaya.
BINABASA MO ANG
FOOLED HEARTS (BMO side story)/completed
General Fiction(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa na syang lumantad at umamin, ano nga naman ang masabihan ng bakla kung nagpapakatotoo ka naman? pero...