PANAHON

20 1 0
                                    

03-09-21

Kung kaya lang piliin ang panahon na tinatahak

Tatakbo ako nang matulin palayo sa panahon ng tagtuyot at taglagas

Aalis sa sitwasyon na tila'y walang malagong dahon at walang paglago

Sa oras na halos lahat nahuhulog ay walang handang sumalo

Lilisanin ang tuyot na daan at paghihirap na nararamdaman

Tatalikuran ang panahon na puro pagbitaw at pagpaparaya

Ang mga panahon na puro kalungkutan- walang bahid ng saya

Gustong layasan ang panahon ng kasalukuyan.
Nais lumipad palayo sa sakit na pinagdadaanan.

_____________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon