MAGULONG TAHIMIK

49 8 0
                                    

10-16-19

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa kaluluwa't kalamnan
Napakahiwaga ng bagong mundong kinakatayuan
Dahil ang katotohan nito,
Sa likod ng tahimik na pagkatao,
Ay naglalakad ako sa lugar na puno ng ingay at gulo
Walang kapayapaan, halos lahat ng makikita ay problemado
Mga sasakyan ay kanya-kanyang busina ay padumihan ng tambutso
Mga sari-saring salita ang lumalabas sa bibig ng mga tao
At ang isang tulad ko ay naglalakad lamang ng tahimik, walang kibo

Ngunit sa kabila ng katahimikan ay ang magulong puso't isipan
Buong katawan ay ramdam ang kalungkutan
Parang kanina lamang ay puno ito ng kasiyahan,
Dahil mga tao ang nakapaligid sa aking harapan
Bawal kasi ako manghina,
Hindi raw sila sanay

Pero dahil ngayon ay nag-iisa,
Ramdam ko ang unti-onting pagkaubos ng enerhiya
Magiging tapat sa sarili na kapaguran ay damang-dama
Naghahanap ng kaonting pwersa pero hindi ito mahagilap saan mang sulok magpunta
Dahil ang lakas ko ay nasa kabilang mundo pa
Malayo sa bagong mundong aking inuukupa

Tahimik man pero magulo ang puso
Kalungkutan ay hindi nagsasawang pahirapan ako
Ibang-iba na talaga ang buhay ko
Totoo na 'to!
Wala na ako sa dating ginagawa ko lamang piksyon ang kwento ko,
Ngayon kasi 'di ko na magawa,
Dahil ang realidad ay sinasampal ako nang sadya
Sinasadya akong palungkutin
Sinasadya akong saktan at pahirapan
Sinasadyang maranasan ko 'yun para matuto at patuloy na lumaban

Masyadong tumbalik pero totoo,
Sa kabila ng lungkot, hirap, at pagod ay dapat lalaban pa rin kahit pakiramdam ay talo
Dahil dito, kapag hindi lumaban walang premyo
Hindi makukuha ang dahilan kung bakit nilisan ang mundong kinasanayan ko

Sa pagitan ngunit tahimik kong pagkatao ay ang katotohanang nananabik akong balikan ang kabilang mundo,
Kung saan masaya ako at hindi pa nag-iisip masyado
Ngunit may kung ano sa akin na kailangan ko 'to ilaban para sa naghihintay sa aking pa-premyo,
Matatapos din ito, konting tiis
Malalagpasan ko rin ito.

___________________________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon