ONE NIGHT AT INTRAMUROS

10 1 0
                                    


Mapait na lamang akong napangiti nang makita ko ang arkong sumisimbolong papasok na ako sa loob ng Intramuros. Bakas ang pagod sa aking mukha pero hindi nito matatalo ang bumabagabag sa aking isipan kanina pa simula nang mapag-isipan kong dito na lang kami mag-shoot ng mga Masscom student.

"Kulang tayo ng gaganap John," malungkot na sabi ni Shi kaya naman ngumiti ako at tinitigan ang tatlo pa naming kasama na nag-aalala na rin.

"Baka may mahanap pa tayong pwedeng maging extra. Magbabayad naman tayo," pangungumbinse ko at para ma-encourage sila na matatapos namin 'tong proyekto para sa Finals.

"Anong gaganapan niya kung sakali?" tanong ni Jen.

Lumunok ako at bahagyang tinitigan ang manuscript na hawak-hawak.

"Partner ko," sagot ko. "Si Sheere."

Nagkatinginan ang mga kaklase ko at sabay-sabay na lang na tumango.

Pagkarating namin sa tapat ng Manila Cathedral ay agad silang nag-set up habang ako ay iniikot ang paningin sa pinaka paborito kong lugar at bumubuo ng lakas ng loob para makiusap sa mga dadaang babae na kasing- edad ko lang.

"Okay ka lang?" tanong ni Kian.

"Oo," sagot ko at mabait siyang nginitian.

"Kung ako na lang kaya ang ang gawin mong Sheere?" suggest ni Rain pero mabilis akong umiling.

Masyadong mataas si Sheere. I mean mataas ang standard ng character niya sa kwentong nakasulat sa manuskritong hawak ko.

"Hindi na. Marami kayong gagawin lalo't ikaw ang direktor Rain," sabi ko.

"Ayun? Try mo kaya?" tanong ni Kian kaya agad kong binalingan ang mag-isang babaeng naglalakad 'di kalayuan sa kinakatayuan namin.

Tinitigan ko ang babaeng kitang-kita ang mapuputing balat lalo't nakasuot ito ng short pero pakiramdam ko hindi niya magagawang bigyang buhay ang karakter na isinulat ko. Kaya't umiling ako at iwinaksi na ang tingin sa kinaroroonan ng babae.

Pero pagkalingon ko ay agad kong natanaw ang balingkinitan at morenang babae na papalapit sa kinatatayuan namin. Mag-isa lang itong naglakakad at ang simple niyang suot na puting dress ang mas nagpaganda sa'kanya. Ang maitim at mahaba niyang buhok ang nag-depina sa halos perpekto niyang mukha. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit nakapag-bigay agad ako ng pang-uri sa'kanya gayong kakakita ko pa lang sa babaeng ito. Hindi ko rin alam kung tama ba ang nakikita kong nakabaling ang mata niya sa akin o imahinasyon ko lang ito.

"Hoy!" sigaw ni Shi at kinalabit ako ngunit hindi ako nagpatinag. Mabilis akong naglakad para salubungin ang babaeng papalapit na rin sa kinaroroonan namin.

At sa pagtapat ng aming katawan sa isa't isa ay naramdaman ko ang koneksyon na matagal ko nang hinahanap-hanap. Ang koneksyon na magbibigay buhay sa karakter na isinulat ko gamit ang mga tinta at papel.

"H-hi?" nag-aalangan niyang bigkas. Ang boses niya ay parang anghel na hinehele ka papunta sa kahapon na paulit-ulit kong binabalikan.

"Hi," confident kong sabi. "Ah-may kasama ka ba?" tanong ko.

Lumingon-lingon siya sa paligid bago umiling.

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon