STOP LIGHT

46 9 0
                                    

07-19-19

Minsan may mga bagay na kahit gusto natin bilisan ang pagtakbo
Kailangan pa rin nating pumreno.
Baka kasi...pagod na.
Baka kasi pwedeng hinay-hinay,
baka pwedeng hinto muna.

'Yung titingin ka sa kalye
Madami rin nag-aabang
Marami rin nanghihinayang,
Nanghihinayang sa oras
Pero kahit gusto mong bilisan hindi pwede
Dahil kulay pula ang ilaw pang trapiko
KAILANGAN MO HUMINTO
Hinto muna para mapawi ang pagod na matagal ng gustong ipakita,
Tao ka lang kaya may limitasyon ka
Sinasabi man ng iba na kakayanin mo hanggang dulo,
Pero maniwala ka, Hindi mo kakayanin makarating sa dulo nang hindi humihinto
Dahil katulad ng sasakyan pwede ka maubusan ng gasolina,
Pwede kang manghina ,
KAYA HINTO MUNA

Maghintay ka sa tamang oras kung kailan pwede na ulit tumakbo
'Yung takbong hindi ka na makakasagasa ng ibang tao
Takbong hindi ka maaksidente,'di ka magkakamali
'Yung takbong sigurado ka sa pupuntahan mo
Aandar ka..ihahabol mo,para sa pangarap mo!

Minsan nama'y gustong-gusto mo ng tumakbo ,
Kaso hindi pa pwede
Kulang pa ang pahinga
Kaya kahit gusto ng hawakan ang manibela
Ay hindi ulit pwede dahil ang kulay pang trapiko ay nasa kulay kahel pa
MAGHIHINTAY KA
Hihintayin mo ang pagkakataon na pwede ka na ulit umandar at tumakbo
Pwede ka na ulit makipaglaban sa trapiko
Pwede ka ulit sumugod sa kalsada
Madulas man, maputik,lubak-lubak o patag, pwede ring maaari kang madisgrasya,
Pero dahil naghintay ka..Sige, Siya na ang bahala
Capital S ah? Siya na ang bahala
Iingatan ka Niya patungo sa pupuntahan mo
Isasama mo Siya ah? para iwas aberya
Para may makasama ka.Para may kakapitan ka,
Para may driver ka na

DAHIL NAGHINTAY KA..SIGE, SIYA NA ANG BAHALA

At pagkatapos ng mahabang paghihintay
Sa wakas, berde na ang kulay
Nag-uumapaw sa galak ang damdamin mo
Mabuti naman at pwede ka na ulit
Handa na ulit ang katawan,isip at puso mo
Tatakbo na ulit pero Siya na ang nagmamaneho
Hindi ka na mapapagod
May kasama ka na..
Aandar ka na..Aandar na patungo sa pangarap mo
Dadaan ka pa rin sa malubak o maputik na daan
Pero dahil HUMINTO AT NAGHINTAY KA BAGO ULIT MAGMANEHO
Natuto ka na at pakiramdam mo lumakas ka nang todo
Kaya ito sigurado ka na..Nakikita mo na ang pangarap mo

Pagkarating sa lugar kung nasaan ang pangarap mo
Mapapansin mo na tama lang ang oras ng dating mo
Sakto lang ang paghinto
Mapagtatanto mo na sa pag-abot ng pangarap ay walang matatawag na huli o maaga,
Dahil ang mahalaga kapag nangangarap ka,
Marami mang maging balakid, huminto man para magpahinga,
Naghintay man para muling umarangkada,
Ang mahalaga tumakbo ka muli at determinaysom ay pinakita
Basta isama mo Siya,Capital letter S ah?
Isama mo Siya para may kasama ka
Para kung mapagod ka man ay may magbibigay ng lakas sa'yo
'Pag nahulog ka ay may sasalo
Kapag nadisgrasya ay may handang gumamot sa sugat na natamo
Ilaban mo ang pangarap mo
Hindi ka mahuhuli.'Wag kang magmadali
Ilaban mo
Dahil kaya mo.

___________________________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon