gusto MO ba o gusto ko lang?

28 8 0
                                    

10-09-19

Ilang buwan na rin naman ang lumipas
Nanatili ako rito, at hindi inaksaya ang bawat oras
"Ito ang gusto Mo," yan ang laging manuskristo
Iniinda ang bawat segundo at minuto
Sinusulit at pinapasaya ang sarili sa bawat panahon na meron ako

Sa ikalawang buwan, kinaya ko,
Nakaya ko
Kinaya ko kahit madalas ay 'di maikakailang nag-aalinlangan
May parte na nagsisisi dahil nga pakiramdam ko sa lahat ng nangyayari, ako ang may kasalanan
Saan mang anggulo, ako ang rason
Sa bawat sulok, sarili ang laging sagot sa bawat negatibong tanong
Ako? Ako!Ako.
Dahil pinilit ko,
Pinilit ko nga lang ba? Ako lang ba?
Ako lang ba ang nagdesisyon nito o kasama Ka?
Kasi pakiramdam ko kung kasama Ka sa desisyon na ito, kapanatagan ang hatid nito,
Buhay ang puso ko
Sana banayad lang ang takbo
Pero bakit magulo?
Bakit may kirot?
Bakit may kung ano sa pusong 'di matumbok ang tunay na tumutusok?
Bakit andaming iniisip? Bakit hindi ko maramdaman ang plano kahit isang ihip?
Kahit katulad ng hangin, isang pasada lang,
Isang pataas ng balahibo lang
Mapanatag lamang ang kalooban ko na hindi lang ako ang may gusto nito,
Ng sitwasyon ko, ng kinaroroonan ko

Malapit na maubos ang mga rason sa pagitan ng pag-ayaw at pagpapatuloy
Gusto ko man magpatuloy pero ang katanungan sa akin kung kasama Ka ba sa planong ito, sa utak ay nagpapatuloy
Paano kapag hindi pala? Paano kapag ako lang pala?
Paano kung desisyon ko lang ito?
Paano kung 'di Ka kasama?
Tiyak babagsak ako, katulad no'ng mga nangyari noong una
Ayoko na po no'n, sawa na ako ro'n
Kaya sana naman sagutin ang katanungan na bumabalot sa kaisipan,
"Gusto Mo ba?o gusto ko lang?"
"Gusto ba natin parehas o ako lang?"
Pinilit ko lang ba? O talagang parte lang 'to ng plano Mo na hindi pumapalya
Maghihintay po ba ako? O ititigil na?
Kakayanin ko ba? O baka hindi na?
Mananatili ba ako? O darating ang panahon na bibitaw na?

Kasi ako? Ayoko tumigil,
Ayokong hindi kayanin,
Ayokong bumitaw
Dahil gusto ko,
Dahil pangarap ko ang pinaglalaban ko
Pero...
Pero sino ba ako?
Ikaw naman po ang may hawak ng buhay ko
Kaya naman po hayaan niyong marinig ko ang boses Niyo,
Gusto Mo ba? O gusto ko lang,

________________________________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon