SA AKING BAGONG MUNDO

43 8 0
                                    

08-10-19

Nakakakaba, nakakapanibago
Nasanay ako sa dating ritmo
Sa paulit-ulit na liriko
Sa nakasanayan kong sayaw
Na sa umpiss pa lang, gusto ko nang bumitaw
Bumitaw hindi dahil nagsawa na sa paulit-ulit na indayog
Kundi dahil gusto ko, ginusto ko makaranas, makasayaw ng bagong tunog
Gusto ko sumubok
Baka sa pagkakataong ito,
Makaya ko
Baka sa panibagong dyanra,
Mas gumaling ako
Baka sa bagong pag-indak,
Mas matuto ako

Kaya naman inumpisahan ng ihakbang ang mga paa
Kasabay ng isang motibasyon sa puso na;
Pagkatapos nito ibang bersyon ka na
Iginalaw na ang mga kanay at sinimulang ikaway
Kasabay ng mga labing nagbibigkas,
"Paalam na! Hahanapin ko lang ang salitang paglago."
Ikinilos ang ulo
Kasabay ng pag-iiba ng pwesto
Sa isip ay nakataga na ang bagong pwesto na kinakatayuan ang siyang magbibigay ng salitang pagbabago
At sa huling pagharap sa mga nanunuod na tao
Iapapakita ang lakas ng loob sa pamamagitan ng mukha
Ipapakita na sa bawat galaw ay hindi ako nahihiya,
Na sa bawat pag-indak matapang ang aking mukha
Puno ng determinasyong tapusin ang sayaw
Kahit iba na ang dyanra handa akong humataw
Kasi masasanay rin naman ako
Kasi bala rito ko matagpuan ang indak na maghahatid sa BUONG AKO
Baka sakaling ito na ang ritmong papalaguin ako
Kung nasaan ako ngayong entablado,
Baka ito na ang lugar na mabubuo ako
Ang entabladong bukas at kita ang kalawakan habang umiindak
Kaya sa paggalaw ng katawan, mararamdaman na may tubig na pumapatak
Halo-halo,tatlong uri ng likido

Una ay pawis na siyang naging bunga ng mabilis na pag-indayog dahil sa mabilis na tugtog,
Nakakapagod ang sayaw na ito pero masasanay rin naman ako
Pangalawa ay mga luha,
Teka? Luha?
Ahhh masakit sa katawan, oo masakit,
May mararanasan pa ring sakit
Pero masaya naman pagkatapos,
Lahat worth it
Pangatlo ay ang buhos ng ulan
Dahil bukas ang entablado at kita ang buong mundo't kalawakan
Mararamdaman ang patak nitong pangatlong likido
Isa itong balakid pero bawal ihinto, andito na ako,
Bawal ng sumuko
Sabi nga nila may bahaghari pagkatapos ng ulan
Pero bago ito masaksihan? Kailangan muna matutong sumayaw kasabay ng mga patak nitong pilit kang sinasabayan

Tama matatapos din itong sayaw
Hinay-hinay lang pero dapat ihataw
Baka itong dyanra na 'to ang magpapalago sa'yo
Oo ito na lang ang laging sayawin mo,
Ito na ang bago kong mundo.

____________________________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon