BITUIN

30 5 0
                                    

09-14-20

Kung bibigkasin ko ang aking nararamdaman sa dalawang emosyon;
Panghihinayang at Kalungkutan ang lalabas sa aking dila,
Ngunit naisip na lamang na ibulong sa kalawakan ang nadarama
Dahil alam ko sa sariling anuman ang laman ng puso'y hindi mo ito maririnig lalo't makikita

Dahil ika'y malayo!
Malayo ating distansiya!

Ika'y nasa entablado, pawang bituin na nagniningning habang tinitingala ng mga tao,
Samantalang ako'y nasa baba, pinagmamasdan ka sa malayo
Isa lamang akong taga-hanga ,
Isa lamang akong tagahanga mo
Isa lamang ako sa mga pumapalakpak sa'yo

Panghihinayang dahil malayong magkatotoo ang pantasyang nasa imahinasyon ko
Kalungkutan, sapagkat batid kong imposibleng mapansin ako ng isang tulad mo.

Pero aaminin kong may binubulong ang aking puso,
Na kahit isa kang bituin ay handa ka sanang maging bulalakaw para makapasok sa mundo ko.

Ngunit, imposible!

Kaya sige,
Papalakpakan na lang kita mula rito sa malayo.
Ako'y magiging lihim na taga-hanga mo hanggang sa dulo,
Kahit pa wala ka sa entablado.

[Para sa mga may iniidolong imposibleng maabot!Cheers lol.]

______________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon