WALANG TITULO

39 9 0
                                    

07-16-19

Unti-onting inaalam kung ano ang pakiramdam
Sinisiyasat ang buong puso't isipan
Ilang araw na rin gustong intindihin ang panaghoy na nararamdaman
Ngunit lumipas ang mga araw na blangko pa rin ang sagot mula sa katanungan

Pinipilit intindihin ang bawat sanaysay ng buhay
Kapalit ng pag-indayog ng utak na sa pag-iisip ay walang humpay
May parte na nasasaktan, ngunit humahalo rito ang pakiramdam na nais pang ituloy ang laban

Ah? Pagod
Gusto magpahinga, lumayo muna at magtago
Gusto munang isipin at ilabas ang lahat ng iniisip na parang siya'y minumulto,
Gusto huminto,
Umiwas sa mga tao

Ngunit sa kalagitnaan ng pagninilay
May bubulong sa isipan. Isipang nanghihina at parang malapit ng mamatay
"Pwede ka magpahinga pero muli kang babalik sa piling Ko. Pwede kang lumayo pero susunod Ako."
Mabilis siyang kumilos at umiyak nang husto

Teka mali 'to, dapat ilaban ko kasi mahal ako ng pinaglilingkuran Ko.

_____________________________________

🦋

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon