MULTO

33 5 0
                                    

09-14-20

Kanina lang ay tahimik ang buhay ko
Walang nanggugulo,
Walang bumabagabag sa isip at puso.
Ngunit nagparamdam ka at ako'y sinuyo
Dinaan mo 'ko sa mabulaklak na salitang tatagos hanggang buto.

Nahulog ako!
Nahulog ako sa pagpaparamdam na 'di kalauna'y nagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam!
May nararamdaman na ako!
May nararamdaman na ako para sa'yo!
Kaya kahit pa may takot ay pinagpatuloy ko
Tinuloy ko para sa'yo
Sumugal ako!

Pero nagkamali ako.

Dahil isa kang multo
Biglang nagpaparamdam, tapos biglang lilisan
Biglaang pinaramdam ang tamis ng may kasama, ngunit biglaan din nang-iwan para maramdamang nag-iisa

Mabilis kang naglaho pagkatapos mo magparamdam
Dumaan ka lang yata para saktan ang aking pakiramdam
At para baunin ang takot na ginawa mo hanggang kinabukasan.

______________________

🦋

PS: itigil ang pag-iisip, walang na-ghost dito.

MGA MALAYANG SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon