Chapter 8

661 45 8
                                    

Chapter 8

"Go, Adriano!"

Ngising-ngisi ako pagkatapos kong isigaw iyon. I couldn't believe this! Walang sinabi sa akin si Yano sa mga palitan namin ng text kanina. Nagulat na lang ako nang pagdating namin kanina nina Princess at Rhyne dito sa bistro ay nakita ko sila sa kabilang table ng usual table namin sa itaas.

Literal na namilog ang mga mata ko. Nabundol pa sa akin ang dalawa kong kasama nang matigilan ako sa gulat kanina.

Yano smiled and did a salute sign.

It turned out na may special event pala ulit na pakulo sina Ate Ashley. Showdown between Zodiac and Lyricbeat. Si Kuya Mico ang nagpasimuno at hindi rin ako sinabihan.

Napanguso ako. Kung alam niya, malamang ay alam din nina Kuya Asher at Troy. How could they not tell me? Masaya akong nandito siya ngayon sa bistro. Never iyon sumama sa akin kapag inaaya ko. Laging sumasakto sa mga rehearsals at gigs nila.

Nakatayo ako ngayon sa table namin at nakikisabay sa mga cheers ng mga fans sa ibaba.

Pero ayos lang iyon. Nagsisimula pa lang naman sila at alam kong mas gagaling pa sila sa paglipas ng panahon. You can't have everything immediately at the beginning. It would be a process and it would take time. Kailangan lang talaga ng tiwala at pasensiya.

Iwinagayway ko ang aking cellphone sa ere na may Zodiac na naka-display nang matapos ang kanta nila.

Sa gitna ng sigawan ng mga tao sa ibaba, nahagip ng aking mga mata ang nakasimangot na si Troy. Nasa backstage sila nina Kuya. Nag-uusap at nagtatawanan ang tatlong lalaki habang si Maddison ay abala sa kanyang gitara. Samantalang ang magaling na Dalmatian ay may sarili na namang mundo, galit yata sa gitara niya. Hindi na naman maipinta ang hitsura niya. Ano ba iyan? Nireregla ba siya at bakit parang pinagsakluban na naman ng langit at lupa ang pagmumukha niya?

Ibinaba ko ang aking cellphone. Naniningkit na sinundan ko siya ng tingin nang umakyat na sila sa stage pagkaalis ng Zodiac. Nagulat pa ako nang magtama ang mga mata namin nang nasa puwesto na siya. Inirapan niya ako bigla at iniwas na ang tingin.

I scoffed. Sa akin pala siya galit, hindi sa gitara niya? Ilang araw na siyang ganyan sa akin, ha. He had been giving me a cold shoulder ever since the night I went to his shop with Yano's guitar. Ano'ng problema niya sa akin?

I was texting Yano when Lyricbeat's third song had ended. Tinatanong ko siya kung kakanta pa ba sila pagkatapos nina Kuya. Nasagot ang tanong ko nang mamataan kong umakyat nga sila ulit sa stage pagkababa nina Kuya. Nag-fistbump pa silang dalawa ni Kuya.

Nagta-type ako ng text message nang dumating ang Lyricbeat sa mesa namin. Troy, as usual, sat beside me, but I did not look at him. I was busy constructing my text first in my head. Nang walang maisip ay tumayo ako para tumingin sa stage. May nakaharang nga lang na Dalmatian.

"Usog nga, Dalmatian! Hindi ko makita!" reklamo ko kasi ayaw niyang magpatinag. I sighed in annoyance.

"Hindi ko kasalanan kung maliit ka," bad trip na sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"What is wrong with you?" hindi ko na napigilang sikmat sa kanya. Ano na naman kaya ang problema niya at mukhang sa akin na naman ibinubunton?

"Akala ko ba, break na?"

Naagaw ng tanong ni Princess ang aking atensiyon. Napatingin ako rito at nang makitang si Rhyne ang tinitingnan nito ay napasunod din ang tingin ko. Naabutan ko ang paghalik ni Kuya Asher sa sentido ni Rhyne.

Napangisi ako. "Hindi iyan. Patay na patay si Kuya kay Rhyne. Hindi niya kayang mahiwalay riyan," nakakalokong sabi ko.

Muli akong yumuko sa aking cellphone ngunit natatawang umilag nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na inaabot ako ni Kuya. Dahil sa mahaba nitong braso ay nagawa pa rin nitong pitikin ang braso ko.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon