Chapter 9

621 48 6
                                    

Chapter 9

"Czeila, I told you. Don't go near the road," masungit na sabi ng isang batang lalaki sa akin.

Awtomatikong inalis ko ang isa kong paa mula sa kalsada at ngumuso nang tingnan ko siya. "Eh bakit siya, okay lang?!" matinis na reklamo ko at itinuro ang isa pang batang lalaki.

Nakaupo ito sa isang bench na gawa sa kahoy sa labas ng gate. Sa likod nito ay makikita ang malaking bahay na kulay-puti at itim ang pintura. Umirap ito agad nang makita ang pagturo ko.

Namaywang ako agad sa inis pero dagli ring nakalimutan iyon at napasigaw na lang nang bigla akong ma-out of balance.

"Czeila!"

Napabangon ako bigla sa sigaw na iyon. Natatarantang napalinga-linga ako at nakahinga lang nang maluwang nang matantong nasa kuwarto lamang ako. Ang akala ko ay totoong nawalan ako ng balanse. Dinaig ko pa ang bumagsak sa sobrang kabog ng dibdib ko.

Napatingin ako sa dalawang katabi. Mahimbing pa rin ang tulog ng buntis samantalang ang prinsesa ay bahagyang naalimpungatan sa biglaang paggalaw ko. Kaming tatlo lamang dito sa kuwarto at hindi pinayagan ni Mama si Jeojang na makisali sa amin. Mahigpit na ipinagbilin ni Kuya Migo na bawal ang pusa sa buntis.

Alas singko pa lamang ng umaga pero bumangon na ako't lumabas ng kuwarto. Mama was already awake and busy in the kitchen with Kuya Iñigo and Kuya Asher. Ang aga naman at naghahanda na sila ng agahan? Tutulong sana ako kaya lang ay patapos naman na raw.

I decided to jog when I saw Jeojang looking at the food they were preparing. Ang aga ring nagising at gutom na yata. Isasama ko na lang muna siya sa pagja-jogging.

Umakyat ulit ako para magbihis. I changed into a pink racerback tank top and black cargo sweatpants. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalawang kaibigan ko. Inumaga kasi kami kagabi sa pagkukuwentuhan. Pagkatapos ay nakipagkuwentuhan pa ako kay Troy sa terasa nang makatulog sila. Antok na antok pa ako at kung hindi lang ako nanaginip ay baka nga hanggang ngayon ay tulog pa rin ako.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakaabang na agad sa akin si Jeojang na parang alam na isasama ko siya sa pagja-jogging. Nagpaalam ako sa mga Kuya ko at kay Mama bago kami lumabas ng bahay. Hinayaan ko lang si Jeojang na sumunod sa akin. Pagkalabas namin ng gate ay inunahan naman niya ako. Hindi ko siya nilalagyan ng leash dahil palagi naman siyang nakadikit sa akin sa tuwing magkasama kami.

I only did a base run dahil may kasama akong pusa. Sinubukan naming ikutin ang buong subdivision. Huminto ako saglit para uminom ng tubig nang biglang kumaripas ng takbo si Jeojang palayo. Napatakbo tuloy ako agad para habulin siya. Baka kung saan pa iyon mapunta. Hindi pa naman ako pamilyar sa bahaging ito ng subdivision. Malapit na yata kami sa dulo.

He was purring when I reached him. Nahahapong napayuko ako sabay hawak sa mga tuhod ko at naghabol ng hininga. Nang balingan ko siya ay nakatingin siya sa itaas ng bakod ng kaharap naming bahay.

Napaayos ako ng tuwid nang makitang may puting pusa na nakaupo sa gilid ng itaas ng gate. "Hi, Ming!" I greeted her with a smile. Hindi lang ako sigurado kung babae talaga iyon. She had this kind of sophisticated air about her, which made her look regal while looking down on us. Halatang gala siya pero hindi siya madungis tingnan at maganda pa ang balahibo. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa aming dalawa ni Jeojang kaya mas lalo ko siyang nginitian.

Ngunit dagli ring napawi iyon nang mapansin ko ang bahay sa loob ng bakuran. Malalago na ang mga damo at halaman sa loob at paligid niyon ngunit naaaninag pa rin ang bahay mula rito sa labas. The house looked familiar, but I was sure I had never been in this part of the subdivision.

Ipinagkibit ko na lamang ng balikat iyon. Tinapunan ko ulit ng tingin ang puting pusa bilang paalam bago ko kinarga si Jeojang. He uttered a loud meow when I started heading away. By the time we reached our house, it was six thirty in the morning and I was sweating already.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon