Chapter 22

640 46 3
                                    

Chapter 22

I woke up to Rhyne's and Princess' text messages the next day. Kinakamusta ako pero hindi ko magawang sumagot. It was my first time seeing violence in person, and I still didn't feel good about it. Kagabi lang nangyari iyon at nakikita ko pa rin hanggang ngayon kung paano sinaktan nina Kuya si Yano.

Bukod sa dalawa, may text message din akong natanggap galing sa mga nakatatandang kapatid. Everyone seemed worried that I was hurting because of Sydney's unexpected pregnancy.

Iyon din ang inakala kong mararamdaman ko noong una. But I didn't feel any pain or resentment towards that fact. Parang extra lang iyon sa totoong issue. Ang hindi ko matanggap, aside from the violence I had witnessed last night, was the fact that Adriano used me in hopes of being a part of Troy's band. Umabot pa sa puntong kinailangan nitong magpanggap na may gusto ito sa akin. How sick was that?

Ang akala ko ay nangyayari lang ang mga ganitong bagay sa mga Kdrama na kinahihiligan ni Mama. Ang akala ko ay hindi magagawa ni Yano iyon. Pinabulaanan ko ang lahat ng mga sabi-sabi noon nang magsimula itong manligaw sa akin. Five years later, I found out that it was all true.

Pero kahit galit at nasaktan ako sa ginawa nito, hindi pa rin tama na pinagtulungan ito nina Kuya. Dumagdag pa si Troy. And to make the entire situation worse, nagpabaya lang ito at hinayaan lang nito ang mga kapatid kong durugin ito. How was I supposed to deal with that?

Mugto ang mga matang pinasadahan ko ulit ng basa ang mga natanggap kong messages. Kulang ng isa. It was nine in the morning already. Tulog pa ba siya? But... he never... overslept...

It was Sunday and I was relieved that I could sleep some more. Nasobrahan ako sa pag-iisip at pag-iyak kagabi kaya ngayon, ang gusto ko lang ay matulog buong araw.

I woke up again at around one in the afternoon and there were still no text messages from Troy. Kahit isa, wala?

Pinilit ko na lamang ang sariling bumangon para maligo kahit inaantok pa ako. Kung hindi lang siguro ako nakaramdam ng gutom, baka bumalik pa ako sa pagtulog.

Sa gutom ko, kinuskos at sinuklay ko na lang ang buhok ko pagkatapos kong magbihis bago ako bumaba. Jeojang immediately got up from the sofa when he saw me and followed me to the kitchen.

I was kind of hoping to see Troy pero wala siya. Nasa ibang parte kaya ng bahay? Sa music room? Sa kanyang kuwarto? Swimming pool? Garden? Terrace?

Or was he even here? Why didn't he text me?

Si Mama lang ang nadatnan kong gumagawa ng kimchi sa kitchen counter. Agad akong lumapit at yumakap sa kanya. Si Jeojang naman ay humilig sa binti ko habang ngumingiyaw, animo'y nakikiyakap din.

"What's wrong, Czei? Inabot ka ng hapon sa pagtulog. Ginising kita pero malalim talaga ang tulog mo. May problema ba, anak?" Mama asked while salting the cabbage. Sinulyapan niya ako pero dahil nakayakap ako sa kanya ay hindi niya ako matingnan nang maayos.

Umiling-iling lang ako.

"Tungkol pa rin ba kay Asher? Hindi pa rin kayo nagpapansinan?" nag-aalalang tanong niya. "I'm worried about you three. Asher, Rhyne, and you, Czeila Aryeza. Alam kong naiipit ka sa dalawa."

Napabuntong hininga ako. I didn't think there was a need to worry about the two anymore. Last night, I was too preoccupied with what happened at the bistro, but I remembered I saw them getting out of the secret back door. Kuya was holding Rhyne's hand.

Sana ay nakapag-usap na ang dalawa nang maayos. Kahit hindi na magkabalikan basta't magkausap nang maayos at magkalinawan. I wouldn't even hope for anything more than that. Malaking bagay na iyon.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon