Chapter 35

793 38 1
                                    

Chapter 35

Sa kabila ng patuloy na pagdagsa ng mga luha ko, napamulat ako ng mga mata para tingnan ang reaksiyon nilang lahat.

Surprisingly, everyone was present. Na para bang nakalaan talagang masaksihan nila ang tuluyang pagsabog ng kinikimkim kong emosyon. Nasa hapag si Kuya Iñigo, na siyang pinakabihirang umuwi sa aming magkakapatid. At naroon din maging si Papa at Kuya Migo na nagkasabay pa talaga ng day off.

Halos magkasabay na tumayo sina Kuya Mico at Kuya Asher para lapitan ako pero natigilan din agad nang umatras ako at napailing nang sunud-sunod.

Umiiyak na si Mama at hindi makapagsalita. Napabuntong hininga si Papa at malungkot na tumayo, diretso ang tingin sa akin. Nagtangka rin itong lumapit pero dahil umatras na naman ako, hindi na ito humakbang pa.

"Ma..." umiiyak na pagmamakaawa ko. "Sino si Gelo? Kakambal ko ba talaga siya?"

Halos humagulgol na ako sa harap nila. Alam ko naman na ang sagot sa sarili kong tanong. Pero gusto ko pa ring malaman at marinig mula mismo sa kanila. I wanted to know the whys and hows. Naaalala ko na si Gelo—ultimo pati hitsura nito at ang timbre ng boses nito—pero ang dami kong hindi maintindihan.

"Do you remember everything now, hija?"

Papa remained calm yet tense at the same time. Kalkulado at inunti-unti nito ang paglapit ngunit natitigilan din kapag napapansin ang pag-atras ko.

Umiling-iling ako habang patuloy sa pag-iyak. I wasn't sure if what I remembered was everything already. They might be just fragments of my childhood memories. At maaaring ang iba ay hindi na ganoon kakonkreto dahil sa paglipas ng mahabang panahon.

"Why is Gelo... not here? Kung kakambal ko siya, bakit siya wala rito?" tanong ko sa garalgal na boses. Hindi na ako halos makahinga nang maayos sa sobrang sakit. Hindi ko magawang sabihin ang konklusyong nabuo sa isipan ko. To conclude and acknowledge it in my mind was hard enough; to say it out loud would be too much.

"Czeila," umiiyak na tawag sa akin ni Mama. "Uri ddal... Gelo is your twin brother."

I could feel pure violence surging through my veins. Gusto ko na ring manakit sa sobrang sakit na nararamdaman ko, in desperate hopes of transferring it or getting rid of it. I closed my eyes and tried to contain the pain and anger in my heart. Pero nag-uumapaw na ang mga iyon at ramdam kong nalalason na ang buong sistema ko. Bawat himaymay ng pagkatao ko ay nanginginig sa magkahalong sakit at poot.

"Please calm down, Czei..."

Basag na boses ni Kuya Migo ang narinig ko.

Unti-unti akong nanghina. Pero kabaligtaran niyon ang nangyayari sa mga luha ko. The more I grew weak, the more they poured down aggressively on my cheeks. Mugtong-mugto na ang mga mata ko pero wala pa ring balak tumigil sa pagtulo ang mga iyon. Bumabawi yata sa ilang linggo kong pagpipigil.

"Bakit wala akong maalala, Ma? Bakit hindi ko matandaang may kakambal ako? Bakit silang dalawa lang ni Troy ang hindi ko maalala? The memories have been appearing in my dreams for the past years, but I wasn't even aware that it was the two of them."

Lumakas ang iyak ni Mama, nilapitan ako at niyakap nang mahigpit. "I'm so sorry, ddal."

"Alam ninyong lahat, ako lang ang hindi! Bakit si Troy lang ang nandito?! Where is Gelo right now?! Why did Troy say that I couldn't meet him? Bakit niyo siya tinatago sa akin?!" bigong sigaw ko.

Nakita kong nagpupunas na ng mga luha sina Kuya Asher at Kuya Mico pero hindi iyon ang mahalaga para sa akin sa mga sandaling ito. More than anyone, I wanted to hear the answers from our parents.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon