Chapter 27

750 49 16
                                    

Chapter 27

Sa pagbalik ng kamalayan ko, iba't ibang boses ang tila sabay-sabay na rumehistro sa utak ko. One by one, the voices started with a dull echo until, little by little, they became louder and clearer. Nakilala ko agad ang nag-aalalang boses nina Mama at Papa.

Nang magmulat ako ng mga mata, halos napapikit din ako agad sa biglang pagkirot ng ulo ko. But I didn't want to worry my parents more kaya sinubukan ko pa rin agad na bumangon. I tried to reach out for Mama pero nang makita niyang gising na ako ay siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Czei... Gwaenchanh-a, nae ttal-a?" medyo pango pang tanong niya.

Napansin ko agad ang pamumugto ng mga mata niya. Namumula rin ang ilong at mga pisngi niya. "Ma..."

Still oddly groggy, I looked at my surroundings. It then slowly dawned on me that we were in a white room. Nasalubong ko ang malungkot na tingin ng mga kuya ko. Bukod sa kanila, may kasama pa kaming isang babae at lalaki na sa tingin ko ay kasing-tanda lang nina Mama at Papa. Bakas din sa mukha ng mga ito ang matinding pag-aalala. In between them were two little boys, whom I guessed were a little older than me. And like the two adults, they were strangers to me.

Binalot ako ng takot nang mapansin ang tila tuyong dugo sa damit ng isang batang lalaki. Totoong dugo kaya iyon o design ng suot niya?

Kumalma ako nang bahagya nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Papa sa aking kanang kamay. Bumaba ang tingin ko roon at nang makitang may suwerong nakakabit sa akin, bumalik ang takot sa dibdib ko.

Tiningala ko si Papa. Naka-white coat pa ito, kagaya ng madalas nitong isuot sa tuwing pupunta ito sa trabaho.

"Papa..." paiyak nang tawag ko rito.

"Shh... It's okay, baby." Naramdaman ko ang pagsapo nito sa braso ko bago naupo sa gilid ko. "How are you feeling now, Czei? Does your head still hurt?"

Dahil sa tanong na iyon, mas lalong rumehistro sa akin ang nararamdamang kirot sa ulo ko. Gusto kong sabihin sa kanilang masakit pero natameme na ako nang mahagip ng mga mata ko ang paggalaw ng isang bata. It was the boy with the bloodstained shirt.

I looked at him, wide-eyed and terrified.

Humakbang siya para lumapit sa akin pero natigilan nang makita ang reaksiyon ko. "Czei..." bigong bulong niya sa pangalan ko.

Sumiksik ako sa gilid ni Papa sa pagbabakasakaling hindi niya ako maaabot kapag ginawa ko iyon.

Sinubukan niya ulit lumapit nang dahan-dahan at bawat hakbang ay halos maubusan ako ng hininga! When he finally reached the footboard of my bed, I screamed at the top of my lungs.

"Oh, my God! Dan! Czeila, baby... Calm down, baby. It's okay. Shh..." pang-aalo ni Mama sa akin sabay yakap nang mahigpit. Umiiyak din ito pero patuloy pa rin ako sa pagtili sa sobrang takot.

My brothers started to panic with my sudden outburst. Lumapit pa lalo sa akin ang batang lalaki kaya mas lalo akong naging histerikal.

"What's wrong, Czei? Ako 'to—"

Mas lalo akong nagwala nang subukan niyang hawakan ang kamay ko. Nagpumiglas ako sa yakap ni Mama at kahit si Papa ay hindi na ako kayang pigilan. He left my right side, and I took that as an opportunity to get away.

With one harsh pull of my right hand just so the little boy couldn't come near me, the IV pole swayed and was about to land on the boy's face when the other boy ran over to cover him. It was too fast, and the next thing we knew, the IV pole fell and its sharp tip scratched the left upper side of his face.

Shocked by what happened, nagsimula akong manginig habang hindi maalis ang tingin sa kilay niyang dumudugo. Malamig ang tingin niya sa akin kaya mas lalo akong hindi nakapagsalita. I wanted to say sorry, but after screaming my lungs out, I couldn't find my voice anymore. Ni wala na akong lakas para ibuka man lang ang bibig ko.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon