Chapter 25

691 44 11
                                    

Chapter 25

How could I think of that? Pakiramdam ko, pati dulo ng kuko ko ay namumula sa magkahalong hiya at inis. Bakit ba ako nagpadala sa mga pakulo at pambubuyo nina Kuya? Asa pa akong magugustuhan ako ng isang Troy Zander Park.

Leader ng Lyricbeat, Czei. Asa pa more.

Dahil ang babaeng talagang gusto niya ay nakaupo ngayon sa harap ko.

Her name was Abigail. Kilala ko ito. Kung talagang Abigail nga ang pangalan nito, ito 'yong batang babae na nakita ko sa lumang litrato na naka-frame sa kuwarto ni Troy noon. And if I was not mistaken, then maybe she was also the one behind the ring. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tungkol sa singsing? Nagpapaniwala ako agad sa mga sinasabi ni Kuya.

If Troy had a ring like that, then this Abigail must have been so special. Ano pa nga ba ang puwedeng maging ibang dahilan?

Ang hindi ko lang maintindihan, paano niya nalaman ang pangalan ko? Maliban sa litrato, ngayon ko pa lamang ito nakita nang personal. I had no idea who she was aside from being Troy's special someone.

Umasim ang mukha ko sa naisip sabay halukipkip, wala nang pakialam kung maisip man ng bisita niya na rude ako.

"This is cute," komento nito nang mapatingin sa soup container na nakalapag sa harap namin. Pagkatapos ay 'yong tupperware naman ng kimchi ang pinuna nito. "You know how to make kimchi?"

Rude na kung rude pero hindi ko gusto ang sitwasyon na 'to. Me with Troy and his special someone? Ang pangit tingnan! Although Troy wasn't really here with us at the moment, something about the fact that we were all in the same space together at the same time didn't sit right with me. At hindi na nga bagay na magkasama kaming tatlo, mas lalo na ngayong naiwan pa kaming dalawa sa living room. Hayun kasi at nagmadaling bumalik sa kanyang kuwarto para magbihis. Parang mapipilitan pa tuloy akong harapin ang bisita niya.

Ayoko nga.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Hindi pa rin ako nakatiis. Nagawa ko ngang ignorahin ang tanong nito kanina pero hindi ko rin naman matiis na hindi magtanong.

Napapalatak na lang ako sa inis. They said too much curiosity could kill the cat. Ayoko pang mamatay pero hindi rin ako matatahimik kung hindi ko iyon itatanong dito.

She smiled when I finally initiated a conversation. Buwisit na ngiti iyan. Bakit ang ganda?

Nanatiling kunot ang noo ko na mas lalo lang kumunot nang marinig ang sagot nito.

"I heard so much about you from Troy and Gel—" Natigilan ito dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Troy. Lumipat ang tingin nito roon kaya nagkaroon ako ng pagkakataong umirap.

Nagpatuloy ang irap ko patungo kay Troy at naniningkit ang mga matang pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Halatang nagmadali siya sa pagligo pero ang linis at ang guwapo pa ring tingnan. Isa pa siyang 'kainis din! Kagaya ng nakasanayan ay nakapurong itim na naman siya. Ang shirt niyang itim ay may maliit na pink heart sa ibabang parte niyon. Iyon lang yata ang naiibang kulay. May suot din siyang salamin ngayon kaya mas lalo akong nanggalaiti.

Nagpapaguwapo ba siya dahil nandito ang babae niya? At talagang ipapakita pa niya iyon sa harap ko?

At ano 'yong muntik nang isagot sa akin ni Abigail? She had heard about me from Troy and Gelo? Ni hindi ko kilala ang sinasabi nilang Gelo na iyon, pagkatapos ay pinagkukuwentuhan pala nila ako? Ano naman kaya ang ikinukuwento ng Dalmatian na ito tungkol sa akin sa babae niya?

Kunot-noong binalingan ako ni Troy na napansin na yata kung gaano kasama ang timpla ko. Hindi siya nagkumento at itinuon na ang pansin sa babae niya. "Let's go. Ba't hindi mo sinabi na nandito ka? What time is your flight?"

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon