Chapter 19

649 42 8
                                    

Chapter 19

Ramdam ko ang malakas na pagtama ng ulo ko sa puno ng mangga. Bumagsak ako sa mga malalaking ugat niyon. My head was excruciatingly painful, but I couldn't scream.

Umiikot na ang paningin ko pero pinilit ko pa ring magmulat ng mga mata. I managed to see the boy wearing a black shirt lying on the road. He was in front of a car. Nakita kong nakaluhod sa tabi niya ang isa pang batang lalaki na tinatawag ako sa pangalan ko kanina.

Tumayo ito at saka tumakbo palapit sa akin. His face was now paper white because of shock. Nakaangat ang dalawa niyang kamay na nanginginig at puno ng dugo.

I shrieked internally at the sight. I wanted to scream so he wouldn't come near me. Those blood-stained hands looked horrible to me!

Napapikit ako sa muling pag-alon ng paningin ko.

"Czeila!"

The boy's scream was the last thing I heard before I lost consciousness.

Nang mawalan ako ng malay sa aking panaginip ay saka naman ako biglang napamulat sa reyalidad. Napabangon ako sa sobrang sakit ng ulo.

Nang makitang alas otso na nang umaga ay naibagsak ko ulit ang aking sarili sa kama. I overslept and had that weird dream again. Up until now, I could still remember how it really felt weird when I first dreamt of that scene. Paulit-ulit ang eksena kaya sa pagdaan ng mga taon, parang nasanay na rin ako. Although I felt a bit horrified because there was blood involved this time. Ayoko talagang makakita ng ganoon karaming dugo.

Nang medyo humupa na ang kirot ng aking ulo ay muli akong bumangon. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa side table at nakitang may text galing kay Yano.

"Good morning, Czei."

To which I did not reply.

Instead, I typed a new text message and was about to send it to Rhyne, but I stopped myself after reviewing it. "I'm so sorry, Rhyne. I didn't know how to tell you. Kaya... isinama na lang kita. Hindi rin iyon alam ni Kuya Asher, I promise."

I bit my lower lip in guilt. Natatakot ako sa isasagot niya. O hindi kaya'y paano kung hindi siya mag-reply? Mas lalo akong kakainin ng konsensiya ko. I was sure that she was mad. Who wouldn't? Mas lalong nagalit sa akin si Kuya Asher kaya for sure ay ganoon din ang reaksiyon ng kaibigan ko. Dapat talaga ay hayaan ko na lang muna sila at huwag nang pangunahan. But then, I couldn't help it. I wanted them to talk already.

Mabilis akong naligo para mai-deliver ko na ang mga siopao na ginawa ko kaninang madaling araw. Resulta ng pagpupuyat ko kagabi. Dahil sa nangyari sa bistro ay hindi ko magawang matulog kaagad kaya iyon ang inatupag ko.

Pagbaba ko ay naabutan kong sumisilip si Troy sa mga kahon na inihanda ko. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay umiwas kaagad ako. Matagal na niyang request ang siopao at may itinabi naman talaga ako para sa kanya. Pero mamaya ko na lang siguro ibibigay dahil hindi ko pa siya kayang tingnan nang diretso ngayon. Nahihiya ako sa kapalpakan ko kagabi. I was pretty sure that he was disappointed with me as well.

"'Morning, Pao."

Nagulat ako sa biglang pagbati niya. Ang akala ko ay hindi niya ako papansinin dahil sa nangyari kagabi. But then his voice sounded otherwise. Medyo good mood yata siya?

Napatingin tuloy ako sa kanya. "What are you doing here?"

Ang aga at nandito siya agad sa bahay. At bakit siya nandito? Dito ba siya natulog kagabi o kararating lang niya? Bakit niya ako binati? Hindi ba siya galit sa akin?

"We have to deliver this to APH?" patanong na sagot niya.

Hindi ako nakasagot. Nagpunta siya rito para samahan akong magdala ng mga siopao sa APH? Really? Hindi ba siya turned off sa ginawa ko kagabi?

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon