Chapter 28

714 44 21
                                    

Chapter 28

Patuloy na tinawanan nina Kuya ang reaksiyon ko sa nalaman. Patuloy rin sa pagbuhos ang mga luha ko sa sobrang kasiyahan.

My best friend was glowing, and I couldn't be any more delighted than this. Maliban sa kanilang dalawa ni Kuya, isa rin ako sa pinaka-nasaktan sa hiwalayan nila noon. It scarred me so much that I ended up hating my own brother.

At ngayong nakikita ko ang sobrang kaligayahan sa mga mata ng kaibigan ko, wala na yata akong mahihiling pa. I couldn't wait to be a real Tita this time! Ngayon pa lang ay excited na ako sa magiging pamangkin ko.

Hindi ko na masyadong ma-contain ang kasiyahan sa mga nangyayari. Kuya Asher and Rhyne finally came back. Rhyne was pregnant. Plus, Kuya Iñigo brought his girlfriend! Si Kuya na akala ko ay wala nang balak magka-love life. This concert was indeed a celebration!

Halos hindi ko tigilan sa pangungulit si Rhyne tungkol sa pagbubuntis nito. I also made sure that Kuya Iñigo's girlfriend wouldn't be left out. She was still a little awkward, but she was nice. Kakakilala ko pa nga lang dito pero nagustuhan ko na agad ito. Nalaman kong kaedad lang nito si Kuya pero hindi halata dahil ang bata nitong tingnan.

Natigilan lang ako sa pagdadaldal nang magsimula ang concert.

It started with a VCR introduction about Lyricbeat's earlier days up to present, about how much the band had grown throughout the years. Naluluha na naman ako dahil halos lahat ng iyon ay nasaksihan ko. I knew how much Kuya Asher and Troy loved the band. Ganoon din ang iba pang mga miyembro. Kahit nahirapan sa kanilang unang taon ay hindi agad sumuko ang mga ito. Through hard work and perseverance, they became one of the most promising rock bands in the country.

Isa-isang ipinakilala ang bawat miyembro. Bilang leader ng banda, pinakahuli si Troy. Siya rin ang itinalaga sa opening ng buong event. He performed his guitar cover of their debut song. Maingay iyon kaya buhay na buhay agad ang mga tao. Sa huling parte ng bridge ay sinabayan siya ng pagda-drums ni Kuya. And then they both came to a halt.

Napuno ang buong dome ng sigawan ng kanilang mga fans at palakpakan. Maaga pa nga pero kahit ako ay napa-standing ovation na agad. Ilang sandali ang lumipas bago iyon humupa. At nang tuluyang matahimik ay dinig na dinig sa mikropono ang malalim na paghinga ni Troy.

Napanguso ako. Nasa harap kami kaya kitang-kita ko siya nang malinaw. Bukod doon, the big screen behind him made the little Dalmatian on his shirt look bigger. Agaw-pansin tuloy at ang hirap balewalain.

"Dalmatian, huh?" siko sa akin ni Princess nang muli akong maupo.

Mas lalo akong napaingos.

"Gone with the ring, an angel with a broken wing... Years of waiting, how could it still sting as bad as it did in the beginning?"

Ang sabihing gulat ay hindi sapat para pangalanan ang nararamdaman ko at ng mga fans nila sa biglaang pagkanta ni Troy. He was the leader and lead guitarist of the band. I knew that he could sing, but I never thought he would do it in front of thousands of fans. He hadn't done that before. Never in a huge concert like this. Not even in Mico Moco.

Ano'ng nangyari at naisipan niyang kumanta ngayon?

The piece was a soft, mellow song, almost like a lullaby... Far different from the hard rock image of him and the band.

Gone with the ring...

Napuno ng pait ang sistema ko dahil sa mga katagang iyon. Ang kaninang saya ay napalitan ng ibayong kalungkutan. The only one I knew who could be associated with those words was Abigail.

Did he really like her this much? Enough to write a song for her and perform it in front of thousands of people?

Sa gitna ng sigawan at palakpakan ng mga tao sa paligid ay ang pagkirot naman ng dibdib ko. At the center of my chest, I could feel a dull pain slowly gnawing at me. At sa bawat segundong lumilipas ay patindi iyon nang patindi hanggang sa bawat hibla ng aking pagkatao ay kinakain na ng sakit.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon