Chapter 16

635 48 14
                                    

Chapter 16

Muntik na kaming matumba pareho dahil sa lakas ng pagsugod ko sa kanya ng yakap. Mabuti na lamang at matangkad siya. Napaatras lang siya nang kaunti sa impact at agad ding nabawi ang balanse naming dalawa.

I didn't care, though. Kung natuloy man ang pagbagsak naming dalawa, I'd still hug him like this. Ang importante ay yakap ko siya. Ang importante ay ramdam ko siya.

Ang hirap naman kasi ng ganitong hindi na kami magkabahay. The mansion was too huge for just me and Mama. Si Papa at Kuya Migo ay mas madalas ang oras at panahon sa ospital. Kuya Iñigo had his own house, and Kuya Mico had a room at his bistro. May ibang bahay rin ito na puwedeng uwian. Si Kuya Asher naman ay hindi ko na alam kung saang lupalop na ng mundo nagtago.

May apat na Kuya ako pero bihira namang umuwi sa bahay. It didn't matter to me before because Troy was still staying with us. Kaya ang laki ng tampo ko sa kanya nang bumukod siya. Hindi niya kasi sinabi at biglaan na lang. Ang laki naman ng bahay. Ba't kailangan pa niyang umalis?

Ngayon tuloy, kapag may mga cooking lessons sina Mama ay mas madalas na kaming dalawa lang ni Jeojang ang naiiwan sa bahay.

Troy chuckled when I buried my face in the lower part of his chest. Malapit na sa bandang tiyan niya dahil maliit lang ako. Ang dalawang braso niya ay unti-unti kong naramdamang lumapat sa likod ko. Tinapik-tapik niya ako nang marahan.

"What's wrong, baby?" Magkahalong pagsuyo at pag-aalala ang nahimigan ko sa kanyang boses.

Mas lalo akong sumiksik sa kanya. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ko nang pinakawalan. One by one at first, until I couldn't hold it all in anymore. Napayugyog na ang mga balikat ko sa sobrang pag-iyak.

Napahinga siya nang malalim. Ipinagpatuloy niya ang pagtapik sa aking likod at ang marahang haplos sa braided na buhok ko. Hindi siya nagreklamo kahit hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

I felt like a kid in his arms. I was too small for him.

"I thought you were mad at me again. Hindi mo ako pinapansin kanina. Alam kong narinig mo ang mga tawag at tanong ko, pero ayaw mo akong tingnan. Iniisip ko kung ano na naman ba ang nagawa kong mali nang hindi ko namamalayan," he whispered before placing his warm big hand on my head.

Umiling ako habang patuloy sa pag-iyak. "Come back home, please... Please, Dalmatian."

He heaved a sigh again. Ang akala ko ay pagbibigyan na niya ako pero hindi siya sumagot. Sanay akong lagi siyang nagbibigay-daan para sa akin. Lumaki kaming palaging nag-aaway pero sa tuwina ay lagi naman niya akong pinagbibigyan sa huli.

"Balik ka na lang ulit. Dalawa na lang kami lagi ni Jeojang ang naiiwan sa bahay. Promise, hindi na kita aawayin—"

Natawa siya ulit nang mahina kaya natigilan ako. "I don't believe you, Pao. Your day is incomplete without picking a fight with me. Minsan pa nga, parang sinasadya mo na. Bigla ka na lang nagagalit."

I could sense amusement in his voice, like he was enjoying this. Umiiyak na nga ako't lahat, ganito pa rin siya! Ang barumbadong Dalmatian na ito talaga!

"Hindi ko na uulitin." Umiling-iling ako sa dibdib niya, still hoping that I could convince him eventually.

Dalawang beses niyang tinapik nang marahan ang aking ulo bago niya ako hinawakan sa magkabilang balikat para ilayo nang kaunti mula sa kanya.

Napilitan akong bumitaw sa kanya at yumuko para hindi niya makita ang mukha ko. Saglit lang akong umiyak pero dahil grabeng iyak iyon, nararamdaman ko na agad ang pamumugto ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay buong mukha ko ang namamaga.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon