Chapter 33

746 40 1
                                    

Chapter 33

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig mula kay Kuya Asher. Imbes na itulak ang pinto, humigpit ang hawak ko sa seradura niyon at saglit na napapikit. Mas lalo kong naramdaman at halos dinig ko na ang lakas ng pagkabog ng puso ko.

Ano'ng ibig nilang sabihin na may kakambal ako? At alam ni Troy? Bakit biglang nasali si Gelo? Were they referring to the same Gelo in my mind? Si Gelo na ang sabi ni Troy ay best friend niya?

Sumakit ang ulo ko sa mga naisip. Nabitawan ko ang seradura ng pinto at bahagyang napaatras. Kahit ano'ng pilit ko ay hindi ko mapagtagpi ang lahat ng narinig ko. Wala akong mahanap na koneksiyon ng bawat isa. Imposible... Imposibleng may kakambal ako at hindi ko maalala. Magkakasama kaming lumaki ng mga kuya ko. At lima lang kami! Wala akong matandaan na anim kami. Na may isa pa akong kapatid at kakambal pa!

Napahawak na ako sa sentido ko.

No... This couldn't be true!

Bahagya akong nahimasmasan nang marinig ang mga yabag na palapit mula sa loob ng music room. Napaatras ako ulit bago tuluyang tinakbo ang distansiya pabalik sa kuwarto ko. Mas lalong dumagundong ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay tumatambol na iyon sa dibdib ko.

"Oh! Ba't ang tagal mo?" tanong ni Rhyne na ngayon ay nagbabasa na naman ng libro ni Agori. Saglit nitong nilubayan ng tingin iyon para lingunin ako.

"Where's the blow dryer?" Tumikwas pataas ang kilay ni Princess nang makitang wala akong bitbit. Pagkatapos ay dagling nangunot ang noo nang muling iangat ang tingin sa akin. "What happened to you? Para kang nakakita ng multo."

Nagkandabuhol na ang mga iniisip ko nang magtungo ako sa tukador para iwasan ang titig ng mga ito. Unti-unti nang nagsha-shut down ang utak ko. Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Ayoko nang mag-isip.

Wala na ako sa tamang huwisyo when I tied my hair up in a messy bun, wala nang pakialam kahit hindi iyon napatuyo nang maayos. I looked in the mirror and saw a different Czeila. Hindi lang dahil hindi naka-braid ang buhok ko ngayon kundi dahil tila nawalan ng buhay ang mga mata ko. Taliwas sa kinang ng sayang makikita sa mga iyon kanina bago ako lumabas ng kuwarto.

Sa sobrang gulo ng utak ko, hindi ko na alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa natuklasan. A part of me was shaken so badly that I refused to believe what I had heard. Imposible kasi talaga. Baka naman ibang tao ang tinutukoy ng mga ito? Baka naman may iba pang Czeila na kilala ang mga kuya ko?

Hindi kayang tanggapin ng sistema ko na may kakambal ako. Sobrang imposible! Imposibleng hindi ko maaalala kung mayroon. Imposibleng wala ito sa tabi namin kung mayroon. Twins are usually inseparable! So, if I really had one, where was he?!

Hanggang sa paglabas namin nina Kuya at ng mga kaibigan ko, lutang pa rin ang isipan ko. Pakiramdam ko, tila naging lobo ako na unti-unti nang nauubusan ng hangin at hinahayaan na lang ang mga kasama kong tangayin ako kung saan nila gusto.

Tuwang-tuwa si Rhyne sa mga damit pambata at kung anu-anong disenyo ang pinili nilang dalawa ni Princess. Mabilis na napuno ang cart na tulak ni Kuya Asher. Buhay na buhay ang kuwentuhan nilang tatlo pero hindi ko magawang sumabay. Even when they got busy looking for a crib, nanatili pa rin akong bangag habang nakasunod sa kanila.

Natauhan lang ako nang maramdaman ko ang pagbangga ko sa likuran ni Kuya Asher.

Lumingon ito sa akin nang maramdaman din iyon at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsalubong ng mga kilay nito. "Kanina pa kita napapansin. You seem distracted. Masakit ba ang ulo mo?" He looked at me with complete worry.

Muntik nang mangilid ang mga luha ko nang salubungin ko ang tingin nito pero pinigilan ko nang todo. Iniwas ko rin agad ang tingin ko matapos ko itong i-assure na ayos lang ako. Nagpatiuna na rin ako sa paglalakad habang ang utak ay muli na namang nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon